Blissful Pains

Magsimula sa umpisa
                                    


Kaya gumawa ako ng sorpresa sa kaniya. Tamang-tama, nasa meeting siya ng mga kliyente niya. Sobra ko itong pinaghandaan na kinuntsaba ko pa ang sekretarya niya para tulungan ako sa sorpresa ko sa kaniya.


"Naku maam, sigurado matutuwa nito si Sir. Ang sweet niyo naman pong asawa." napangiti ako sa sinabi ni Ree, ang sekretarya ni Aries. Sana nga magustuhan niya ito, na sana mahalin na niya ako.


Kaya nang buksan niya ang pinto, agad nagsigawan ang mga empleyado niya. "SURPRISE, SIR!" nagulat siya kaya agad akong pumunta sa harapan niya. Kinakabahan man ako, nagsimula na akong kumanta. Sa mga nababasa ko, natutuwa iyong mga lalaking bida kapag kinakantahan sila ng mga babae kaya gusto kong gawin ito sa kaniya at maiparamdam ang pagmamahal ko sa kaniya.


You just know

Sometimes you feel it in your bones

Though we've heard that hearts can still be wrong

Something's telling me that you're the o-


"GET BACK TO YOUR DEPARTMENTS NOW!" napatigil ako sa pagkanta ng sumigaw siya ng napakalakas. Nabigla kaming lahat. Agad na umalis ang mga empleyado niya at pinukulan ako ng nakakaawang tingin. Aalis na sana si Ree nang hatakin siya ni Aries.


"Just stay here." tumingin siya sa akin. "What the fuck is this Arianna? Are you making a shit out of my office? And what's with singing in front of my employees? You are just making yourself stupid." binaling niya ang paningin niya kay Ree at nabigla akong hinalikan niya ito... Naghahalikan sila sa mismong harapan ko.


Agad na nagunahan sa pagtulo ang mga luha sa mga mata ko at tumakbo na ako ako paalis sa kompaniya.


Akala ko matutuwa siya. Akala ko magiging masaya rin siya kapag kinantahan ko siya katulad ng mga nangyayari sa mga kuwentong nababasa ko.


Pero nakalimutan ko nanaman.....


Na wala kami sa isang teleserye.....

Na nasa realidad kami, na ang mga bagay na nangyayari sa mga libro at telebisyon ay produkto lamang ng kagustuhan ng mga manunulat sa pangarap nila na mangyari sa kanilang buhay.

Bakit nga ba nagsusulat ang mga tao ng mga magagandang istorya? Bakit ito nagugustuhan ng mga tao?


Dahil sinisimbolo ng bawat istorya ang katauhan o mga karanasan ng mga manunulat sa kani-kanilang buhay. Na ang mga pangyayari sa isang kuwento ay sumasalamin sa pagkatao at mga pangarap niya para sa sarili, sa kaniyang pamilya o sa sangkatauhan.

Hindi ako makapaniwala na hindi pa ako sapat para sa kaniya. Na kahit ginagawa ko naman ang lahat, pinili niya pa ring humanap ng tutugon sa mga pangangailangan niya na hindi ko kayang maibigay sa kaniya.


Patuloy ako sa pagtakbo hanggang sa may mabunggo ako. "Miss, bakit ka umiiyak. Gusto mong paligayahin kita?" umigting ang takot sa sistema ko. Hindi ko alam ang maaring mangyari sa akin. Lasing siya at alam kong wala siya sa katinuan para pigilang ang sarili niya.

The AuditionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon