Blissful Pains

Magsimula sa umpisa
                                    

Nagising na lang ako nang ikakasal na ako kay Aries, sa taong mahal ko. Hindi ko maikubli ang sayang nararamdaman ko sa mga panahong iyon dahil makakasama ko na siya. Wala na akong pakialam kung bakit kami ikakasal, parang nablangko ang utak ko dahil sa presensiya niya sa harap ng aking pamilya at mga kaibigan.


Alam ko mahal niya ako. Pinapaniwala ko ang sarili ko na hindi niya ako papakasalan kung hindi niya ako mahal dahil isa itong sagradong pag-iisa sa taong nagmamahalan sa isa't-isa.


Parang kahapon lang na umiiyak ako sa harap ni Papa dahil sa pagbabaka-sakaling mapansin niya ako, pero ngayon, handa siyang sumama sa akin para bumuo ng pamilya at magsama habang buhay.


Hindi maipag-kakaila na kabado ako noon na baka umayaw siya pero parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang narinig kong sinambit niya ang 'I do.'

Nakikita ko mula sa labi niya ang ngiti na sumisimbolo na masaya siya sa mga nangyayari ngayon. Hindi man niya ako hinalikan sa labi, ramdam kong magigi kaming masaya.


Pero, mga akala lang pala ang lahat ng iyon. Na akala ko mahal niya talaga ako pero ako itong si tanga, naniwala na pinakasalan niya ako dahil sa pagmamahal, doon ako nagkakamali.


Sa loob ng anim na taon naming pagsasama, para lang akong hangin sa paningin niya. Na hindi niya ako kakausapin kapag hindi ko siya kinakausap. Masakit sa parte ko dahil ramdam kong ayaw niya ito... ayaw niya itong pagsasama naming dalawa. Na nagtitiis lang siya sa akin....

Alam kong pinaki-usapan siya ni Papa na pakasalan ako kapalit ng pagmana niya sa kompanya namin upang pamahalaan. Masakit, dahil napilitan lang pala siya. Pero hindi, hindi ko kaya magreklamo.


Dahil kung nagreklamo ako, baka tuluyan siyang mawala sa akin.

Kaya ginawa ko ang lahat para maging mabuting asawa sa kaniya. Araw-araw ko siyang pinaghahandaan ng pagkain, pinipilian ng susuoting damit at tinutulungang ibsahin ang pagod niya mula sa pagtatrabaho.


"I love you, Aries." paulit-ulit ko sa kaniyang sinasabi. Sa araw-araw na ginawa ng Panginoon, oras-oras kong sinasabi ang pagmamahal ko sa kaniya. Na mahal ko siya kaya pinipilt kong kilalanin pa siya, na darating rin ang panahon na mamahalin niya rin ako.


Binaba niya ang tasa ng kape mula sa kamay niya at nginitian ako ng tipid. "Love you too." at lumabas na siya ng bahay para magtrabaho.


Dapat ba akong matuwa? Dahil sinasagot niya pa rin ako? Pero bakit ang sakit? Parang kumikirot ang puso ko.


Ito kasi ako, si tanga. Umasang mahal niya na rin ako sa loob ng anim na taon. Na masasabi niya na ring mahal niya na ako. Na mayroon ng 'I' sa tuwing isasaad niya rin ang pagmamahal niya sa akin. Parang gusto ko na lang sumuko, dahil marami na akong oras na iginugol para sa kaniya. Na baka sa huli, mapunta lang ang lahat ng ito sa wala.

Hindi. Hindi ako dapat agad na sumuko. Alam kong mamahalin niya rin ako. Kailangan ko lang mas maiparamdam ito sa kaniya.

The AuditionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon