Pinatay ko na yung cellphone ko at matutulog na sana ng...

_____________________________________

From Drake :

Hi...Stacy....Musta ?

_____________________________________

Di ko alam kung anong gagawin ko. Nagtext siya sakin ? Ayaw ko ng umasa. Magrereply ba ako sakanya ? Shit.

___________________________________

To Drake :

Okay lang.

_____________________________________

Oh shit ! Na send ko na. Shit sana naman di niya yun mabasa.

*Phone Beeping*

__________________________________

From Drake :

Dumungaw ka sa bintana mo.

__________________________________

"Bakit naman niya ako papadungawin sa bintana. Baka may multo dun o ano. Hay sige na nga curious rin naman ako eh." Sabi ko sa sarili ko.

Nang dumungaw ako sa bintana ng kwarto ko may nakita ako taong naka hoodie at yung hoodie niya ay kaparehas kay............ Drake ?

*Phone Ringing*

Galing kay Drake yung tawag. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba pero sa huli sinagot ko rin naman.

"H-hello ?" Shit. Bahala na nga.

".........."

"K-kung di ka sasagot ibaba ko na to."

"S-sandali..." Namiss ko yung boses niya. Tumibok na naman yung puso ko. Tama na gusto ko ng mag move on.

"A-ano ?"

"Nakikita mo ba yung tao sa labas ng bahay niyo ?"

"Ah oo ba-- teka pano mo nalaman ?"

Dumungaw ulit ako sa bintana at laking gulat ko na nandun si Drake nakaupo sa hood ng sasakyan niya, so siya pala yung taong naka hood kanina.

"Lumabas ka sa bahay niyo kahit isang minuto lang gusto lang sana kitang Makita at makausap."

At ibinaba niya na yung telepono niya. Nangyayari ba talaga to o panaginip lang to ? Di na mapigilan ng puso ko, tibok ng tibok parang mga kabayong nasa karera. Lumabas ako ng bahay at agad lumapit sakin si Drake at niyakap ako...

"I still love you....." Bulong ni Drake sakin. Di na napigilan ng luha kona pumatak. Nagpapatunay lang siguro ito na mahal ko pa talaga siya. Okay lang kung magpakatanga ulit ako eh pag-ibig to eh ganun talaga.

"Sorry sa lahat...ngayon ko lang narealize na masyado kang mahalaga para pakawalan ko ng ganun-ganun nalang.... Promise di na kita iiwan."

"M-mahal rin kita D-drake wala na akong paki kung saktan moko ulit basta ang importante may nagmamahal s-sakin at minamahal mo parin ako..." I said between my sobs.

"Ssshh di na kita sasaktan ulit...mahal na mahal kita at di ko yun ikakahiyang ipakita sa buong mundo." Sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.

Bumitaw na siya sa pagkakayakap sakin at nakita kong umiiyak rin pala siya. Kinuha niya yung cellphone niya at may pinakita sakin at yun ay yung convo namin nung Mr.Stranger ?

"Wag mong sabihing..."

"Oo ako si Mr.Stranger ginawa ko yung para mastalk kita kasi namimiss kita. Blinock mo naman kasi ako sa Facebook." Oo blinock ko siya para madali nalang akong makamove-on ededelete ko na sana yung number niya eh pero di ko na tinuloy, ewan ko. These past few days muntanga ako eh, nagging tanga lang sa isang lalake.

May inihugot sa bulsa niya isa iyong pulang rosas.

"Para sayo." Kinuha ko naman yung rosas.

"Haha. Anong oras naba ? Alas tres na halika pasok ka sa bahay."

Pinapasok ko siya sa bahay at kumain kami, nagkwentuhan sa mga mali namin at sa mga sweet moments namin at nanuod ng palabas sa cable at sakto yung palabas 'Starting Over Again' nila Toni at Piolo sayang nga lang di sila yung nagkatuluyan. Hay pag-ibig nga naman. WAG BITTER ! Ngumiti kayo kasi happy ending at di tragic ending.

4 years later...

"You may now kiss the bride." Tugon ng pari at agad naman akong hinalikan ni Drake.

"I love you..." Si Drake

"I love you too..."

Hay ang daming nangyari sa buhay ko. Grumaduate ako (Oo di na ako nag hohome study simula nung nagkabalikan kami ni Drake). Marami na akong mga kaibigan at higit sa lahat hindi na ako yung tanga at di social butterfly na Stacy, narealize ko kasi lahat nung nagkabalikan kami ni Drake na dapat ganun at dapat ganyan may mga lesson akong natutunan at noong pagtungtong ko ng 18 mas naiintindihan ko kung ano ang tunay na ibig sabihin ng buhay at ng buhay pag-ibig, tignan mo ngayon kasal na ako sa pinakamamahal kong tao at yun ay si Drake. Natutunan ko na dapat kung may misunderstanding kayo ng karelasyon mo ayusin niyo at wag niyong binabalewala yan rin kasi ang problema kaya kayo nagbre-break ng taong mahal mo. Kung may problema kayo ayusin niyo wag niyong binabalewala ng hindi eto mahantong sa hiwalayan.

May mga bagay talagang di mo inaasahan katulad noon na di ko inaasahang magkakabalikan pa kami ni Drake at katulad rin ngayon na di ko inaasahang mag-asawa na kami.

Spread LOVE everywhere you go. Let no one ever come to you without leaving happier.

The Auditionsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن