First Love Never Die

Magsimula sa umpisa
                                    

Dire-Diretso lang ako sa kakatipa ng hindi ko namalayang oras na pala para mananghalian at naramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko pero di ko na muna iyon ininda at pinagpatuloy na lang ang ginagawa ko dahil importante ito at pwede namang ipagpaliban nalang mamaya ang pagkain tutal patapos na rin naman itong dokumentong ginagawa ko.

Nang matapos ko na ang dokumento ay nagmamadali ko itong prinint at nilagay ng maayos sa isang portfolio ipapasa ko na ito ngayon para di na ako maabala pa mamaya, nariyan naman siguro ang sekretarya ni sir eh. Sumakay ako ng elevator paakyat sa ika-29 na palapag kung saan naroroon ang opisina ng amo ko pagkarating ko roon ay hindi ang sekretarya ang nadatnan ko kundi si de-sir denver na kalalabas lang siguro para mananghalian rin. " Ahm miss de' naivre may kailangan ka?" nakangiti nyang tanong, ano ba iyan para namang hindi ka nyan iniwan melly kung matameme ka riyan! umayos ka nga nakakahiya ka!

" Ah eh S-sir iaabot ko lamang sana itong dokumento sa sekretarya ninyo kaso mukang umalis na sya, iiwan ko nalamang po rito sige po " magalang at nakayuko kong sagot bago ilapag sa lamesa ng sekretarya nya ang dokumento, pagkatapos nun ay tumalikod na ako at nagsimula nang humakbang ng magsalita sya " kumain ka na ba ng tanghalian ms. de'naivre?" tanong nya na nagpahinto sakin at hinarap syang muli ngunit nanatiling nakayuko ang aking ulo aba syenpre di ko sya kayang tignan ano! " o-opo sir tapos na po sige po " sabi ko at nagsimula na ulit humakbang at sa pagkakataong iyon ay di na sya muling nagsalita pa. Mablis pa sa alas kwatro akong naglakad paglabas ko sa elevator patungo sa aking mesa grabe, kinabahan ako dun ah? paano kaya kung sinabi ko ang katotohanan na hindi pa ako nakain? yayayain nya kaya ako? hmmph! imposible malamang ay may kasintahan iyong kasama sa pagkain nya sa labas! bakit ka ba ganyan melly ! move on na kasi kalimutan mo na ang nararamdaman mong pag ibig para sa kanya! kainis naman kasi eh! bakit ang hirap hirap kalimutan!

napagdesisyunan kong maghalf day nalamang tutal ay wala naman na akong trabaho kinuha ko yung dala kong biskwit at naisipan kong di nalang ako bibili ng tanghalian eto nalang kakainin ko nakakabusog naman ito eh. Hindi pa nga pala ako nagpapakilala ano? ako nga pala si moira ellyzh de'naivre hanep ano? hahahah ako ay dalampu't taong gulang na at may trabaho na ako kahit na sa totoo lang ay mayaman kami pero katulad ng gusto ng magulang ko para sa'kin na gusto ko rin naman ay magsimula muna ako sa pinaka mababa na uri ng trabaho well hindi naman ako masyadong nahirapan at yun nga dito ako nagtatrabaho bilang empleyado at di magtatagal ay paniguradong mapo-promote din ako.

Tatlong araw ang lumipas at mas mabigat na ang mga trabaho ko ngayon lalo na't bago na ang amo namin at madaming dapat trabahuhin kaya minsan ay hindi na talaga ako nakakakain ng tanghalian o kaya'y almusan dahil maraming dokumento ang dapat tapusin sa opisina at hanggang ngayon ay masama pa rin ang pakiramdam ko, madalas sumakit ang ulo ko pero nadadaan naman sa gamot ay nako sa isang araw nga magpapa konsulta na ako sa doktor! lintek kasi tong si den-este sir denver eh andaming pinapagawa samin kaya tuloy lagi akong napupuyat at nag oovertime sa trabaho para naman mabawasan ang bigat ng trabaho pero hindi na dapat ako nagrereklamo dahil kada magpapalit ng amo ay ganito talaga sa umpisa madaming kailangang gawin pero pagnagtagal mababawasan din ito pero nakakainis dahil ngayon pa tyumempo ang pagkasakit ng ulo ko! mahilo hilo na nga ako dito sa tinitipa ko at hindi pa ako nanananghalian eh madami pa akong tatapusin di ko pwede iwan ito. Patuloy lang ako sa pagtipa nang may nagsalita sa likod ko " tanghalian na ah? di ka manlang kakain? ikaw nalang ang nandito sa opisina sobra naman ata pagtatrabaho mo?" nagulat ako ng mapagtanto kung sino iyon, " ah eh sir den para po mabilis matapos at mabawasan na rin ang bigat ng trabaho kaya tatapusin ko na ito at sanay naman na akong nakakaligtaan magtanghalian eh sige ho mauna na kayo" sabi ko at nagsimula na sana ulit magtipa ng mapansin ko ang pagkunot ng noo nya "Hindi mo magagawa ng maayos ang trabaho kapag gutom ka, halika na sumabay ka na sakin kumain" litanya nya at hinila ang aking mga kamay ngunit natigilan sya " bakit ang lamig naman ata nitong mga kamay mo? " sabi nya pero pinagpatuloy na ang paghila sakin kaya tumayo na ako at sumunod sa kanya pero nahihilo talaga ako! naikot ang paningin ko parang anumang oras babagsak na ako "melly!" huli kong narinig bago dumilim ang paningin ko.

Argh! ang sakit ng ulo ko! dinilat ko ang aking mga mata at nagtatakang inilibot ito, napakunot ako ng noo ng mapansing hindi ko bahay ito, anong ginagawa ko sa bahay ni denver? "mabuti naman at nagising ka na, kainin mo itong lugaw para magkalaman ang tyan mo" sabi ni denver na kakapasok lang at may dalang pagkain " ah sir salamat nalang po pero uuwi na ako, pasensya sa abala sige po" akmang tatayo na ako ng " hindi! di ka aalis hanggat di ka kumakain at nakakainom ng gamot! jusko alam mo bang ang taas taas ng lagnat mo at malamang ay may trangkaso ka rin? hindi mo ba alam ang tamang oras ng pagkain at nangangayayat ka?!" naiinis na sabi nya "mawalang galang na sir pero alam ko naman po iyon at marahil pagod lamang ako kaya ako nahilo hindi naman iyon dahil sa hindi ko pagkain ng tamang oras dahil matagal naman na akong ganun" nanlaki ang mata nya at lalong kumunot ang noo " wag mo kong bigyan ng ganyang dahilan ellyzh ang punto ko pinapabayaan mo sarili mo! " naiinis nyang sabi aba teka lang! pakialam ba nya? eh ano ngayon kung pinapabayaan ko sarili ko heh manahimik ka " Ah sir di nyo naman dapat ikagalit yang simpleng bagay eh, para matahimik kayo kakain na ako oh eto na oh" naiinis kong sabi habang padabog na kinuha yung kutsara at sunod sunod na sinubo yung lugaw kainis! pakialam ba nyan kung hindi ako nakain "hindi iyon ang kinaiinis ko! bakit kasi pinababayaan mo yang sarili mo " hindi ko na pinansin ang litanya nya at inubos ko na ito ng makaalis na sa lungga nitong si denver kozlikov! sumasakit lang llao ang puso kong sugatan sa pagsigaw nya! ano ba kinagagalit nito? sipain ko kaya? pagkaubos ko ng lugaw ay ininom ko ang gamot sa gilid ng tray at nilagok ang tubig sa tabi nito " sir tapos na po, uuwi na po ako at kung pwede lang wala ka naman dapat ikagalit dahil buhay ko naman ito at hindi ko naman kayo kaano-ano salamat ho sa pag aalala at pagpapatuloy pati na rin sa pagkain, pasensya na po ulit sa abala" seryoso kong sabi ng nakatingin sa mata nya, halatang nagulat sya sa inakto ko magsasalita pa sana sya pero inunahan ko na "sige po sir paalam" sabi ko at mabilis pa sa alas kwatro akong naglakad palabas ng pinto at dire-diretso lang ako hanggang sa makalabas ako ng gusaling iyon hindi kasi ako makahinga nang maayos kanina lalo pa't malapit lang sya sa'kin. napagdesisyunan kong umuwi nalang sa bahay dahil masama pa rin ang pakiramdam ko at tama sya na malamang ay magkaka-trangkaso ako di nalang siguro ako papasok muna para makapagpahinga at makapag isip.

Dalawang araw na kong hindi pumapasok sa opisina at hindi pa rin ako gumagaling! paank ko matatapos ang trabaho ko? kaya napagdesisyunan kong pumasok nalang ngayon dahil hindi naman masyadong sumasakit ang ulo ko pero alam kong mataas pa din ang lagnat ko, di ko naman pwedeng abalahin si lila dahil may trabaho din sya. nagtataka kayo kung nasan na iyon? nasa ibang departamento kasi sya kaya pag may libreng oras lang kami nagkikita pero malamang busy rin iyon ngayon kaya di ako binubulabog. Pagkababa ko palang sa sala bumungad na sa ken ang isang gwapong nilalang na preskong nakaupo sa sofa namin, napataas ang kilay ko sa nakita ko " oh sir anong ginagawa mo rito? wag po kayo mag-alala hindi ko iniwan ang trabaho ko nagpahing lamang ako sa katunayan nga ay papasok na ako ngayon." sabi ko sa kanya paglingon nya sa'kin at bigla nanamang kumunot ang noo nya " sa itsura mong iyan may plano ka pang pumasok? gusto mo ba talaga magpakamatay ha? ni hindi ka manlang komunsulta sa doktor!" ano ba meron sa itsura ko at ano ngayon kung "ano naman kung di ako komunsulta sa doktor? may gamot naman at isa pa anong problema sa itsura ko ha?!" naiinis kong sabi! hindi maganda ang pakiramdam ko at sumasakit pa ulo ko tapos dadagdag pa yang walang kwenta nyang sermon! "Base sa kaputlaan ng balat mo ngayon halatang hindi ka pa magaling at lalong lalala iyan kapag pumasok ka! nandito ako para tignan kung ayos ka lang malay ko ba kung namatay ka na pala ng walang nakakaalam? isa pa nagtataka dahil wala akong nababalitaan tungkol sa kalagayan mo" "wow salamat sa pag aalala sir pero para malaman mo okay na ako at papasok na ako dahil matatambakan na ako ng trabaho" napabuntong hininga naman sya " kung sesantihin na lang kita? ang tigas ng ulo mo, ayaw mo makinig pag sinabi ko magpahinga ka magpahinga ka" okay suko na ko sesante talaga? di ko kayang walang trabaho ano! "osige na panalo ka na! di na ako papasok okay na? alis na magpapahinga nalamang ako" walang gana kong sabi "oh ba't di ka pa naalis? magpapahi-" di ko natapos ang sasabihin ko ng lumapit sya sa'kin at bigla akong binuhat yung pangkasal ba, pinakiramdaman ko ang puso ko, para akong hinihingal dahil sa bilis ng tibok nito. Paano ako makakalimot nito kung ganito sya kalapit sa'kin? at alam kong hindi ko dapat ito bigyan ng kahulugan pero di ko mapigilang isipin na may nararamdaman din sya para sa'kin "ako ang mag-aalaga sayo kaya manahimik ka nalang at ipunin mo ang energy mo para gumaling ka kaagad okay" parang bata akong tumango habang buhat nya ako paakyat sa kwarto ko.

Buong araw akong nakaratay at inaalagaan nya pero sobrang sama talaga ng pakiramdam ko, ginigising nya lang ako kapag kakain at iinom ng gamot, nagulat pa nga ako ng dumampi ang labi nya sa noo ko, hindi ko mapigilan ang hindi sya mahalin ulit at isiping ganun din sya. Posible ba? na mahalin ulit ako ng First love ko...

The AuditionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon