Those Days...

Magsimula sa umpisa
                                    

Tumigil si Tina sa isang malaking puno sa dulo ng park. Walang tao maliban sa kanya ang naroroon. Dito nya inilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman nya.

" Walang hiya ka Drew. Dalawang taon mokong pinagmukhang tanga, pinaasa,

Pinaniwala na ako at ako lang ang babaeng minahal mo ng buong -buo. Pero hindi, Niloko moko, sinaktan moko. " sigaw ni Tina.

Patuloy sya sa pag-iyak. Nakasandal sya sa malaking puno na pilit na kinakalimutan ang sakit na nararamdaman.

Naramdaman ni Tina ang kamay sa kanyang balikat. Tinignan nya ito pero hindi nya makita ng malinaw dahil sa luhang bumabalot sa kanyang mga mata.

Wala pa rin syang ideya sa taong lumapit sa kanya.

Iniabot ng estrangehero ang isang panyo. At nagulat sya ng marinig niya ang boses nito.

" Sabi ko sayo eh, walang magandang idudulot sayo ang lalaking yun. " sabi niya sabay himas sa likod ni Tina.

" Ano bang alam mo? "

" Marami akong alam, sinubukan kitang kausapin nung naging kayo pero hindi ka nakinig sakin. Hindi na rin kita pinilit na makinig sakin dahil ayaw kong magmukhang kontrabida sa buhay mo."

Natahimik si Tina sa mga narinig nya.

Si Marco ang estranghero na nakausap ni Tina. Matagal na syang nanliligaw kay Tina simula nung high school pa hanggang nakilala ni Tina si Drew at naging sila.

" Sorry, Marco ha, hindi kita pinakinggan."

Nginitian lang sya ni Marco.

" Tara na nga hatid na kita sa inyo, ang drama mo na." sabi ni Marco sabay tayo at abot sa kamay.

Umuwi na sila at hinatid ni Marco si Tina sa kanila.

Sa kwarto ni Tina...

Nakatingin si Tina sa mga litraro nila ni Drew. Di mapigilan ni Tina ang pagtulo ng luha nya. Walang humpay ang paghikbi nya.

Patuloy sya pag-iyak hanggang sa nakatulog sya.

Kinabukasan...

Nagising si Tina na yakap-yakap ang litrato nila ni Drew nung unang date nila as couples. Naiiyak na naman sya. Nais nyang limutin ang sakit na nadarama, pero hindi nya magawa. Minahal ni Tina si Drew sa loob ng dalawang taon, ngunit sakit lang ang isinukli ni Drew. Paulit-ulit na bumabalik sa kayanyang isipan ang masasayang alaala nila Drew at kasunod naman nito ang pagtataksil nya.

Halos mabaliw na si Tina. Ayaw nyang kumain, makipag-usap o lumabas man lang sa kwarto niya. Hindi mapigilang mag-alala ang mga magulang ni Tina kaya pinakiusapan nila si Marco na kausapin si Tina at pumayag naman ito.

Tumatok si Marco sa pinto ng kwarto ni Tina. Pero walang sumasagot.

Ilang katok na rin ang ginawa ni Marco, Pero ayaw syang pagbuksan ni Tina.

"Tina, alam kong sariwa pa rin ang sugat na binigay ni Drew sayo. Pero hindi ibig sabihin na katapusan na ng lahat. Alam kong mahirap gawin ang pag move-on dahil sa dalawang taon mo syang minahal. Pero kung susubukan mo, alam kong kaya mo. Ngayon iniisip mo na walang nagmamahal sayo at sasaktan ka lang din tulad ng ginawa ni Drew sayo. Hindi , mali ka Tina, marami ang nagmamahal sayo kasi napakabuti mong tao. Mahal ka ng pamilya mo , kaibigan mo at AKO. Tina kailangan mong magsimula muli at kalimutan ang nakaraan. Isipin mo ang lahat ng ito ay sinadya para maging malakas ka, para maging mas matapang ka sa hinaharap. Wag mo ng problemahin ang mga taong hindi naman karapat-dapat pag-aksayahan ng oras. "

Tumulo ang luha ni Tina at binuksan ang pinto ng may ngiti sa mukha. At niyakap nya si Marco.

" Salamat sa advice mo ha, kahit ang corny mo pakinggan. "

Nginitian lang sya ni Marco.

Ilang linggo na rin ang nakalipas, Unti-unti ng bumabalik sa dati ang Tina na kinagisnan nila.

Naging mas malapit na rin sina Tina at Marco. Minsan ay napagkakamalan pa silang magkasintahan.

Niyaya ni Tina si Marco sa park. Sa park kung saan nalaman ni Tina ang pagtataksil ni Drew.

Tahimik silang naglalakad, dinadama ang simoy ng hangin, mga tawanan ng mga taong masayang nagsasama, huni ng ibon at lagaslas ng tubig na nanggagaling sa fountain.

Napadako sila sa puno kung saan unang ibinuhos ni Tina ang luha ng pagkasawi.

Tumigil sila sa punong iyon at umupo sa lilim nito. Tahimik pa rin sila na parang nagpapakiramdaman.

Sumilay ang ngiti sa labi ni Tina na parang iniisip ang nakaraan nya sa mismong lugar.

Masasabi mo talagang matagal ng nilimot ni Tina ang sakit ng nakaraan.

" Marco, naaalala mo pa ba ang araw na nakita moko dito na umiiyak? "

Nagulat si Marco sa tanong ni Tina.

"Oo "

"Kung ganon naalala mo parin yung tanong mo sakin nung hinatid moko sa amin sa mismong araw na iyon? "

Inisip ni Marco ang sinabi ni Tina. Napangiti naman si Marco, masasabi mong naalala nga nya.

" Tinatanggap ko Marco. Noon pa ako nagkagusto sayo, pero pinangungunahan ako ng takot na baka masira ang pagkakaibigan natin pag nalaman mo, Kaya inilihim ko sayo hanggang sa maging kami ni Drew. Natuto akong mahalin si Drew hanggang sa nalaman ko may gusto ka rin pala sakin. Pero wala na akong magagawa. Sa mga panahong iyon kasi mas nangingibabaw ang pagmamahal ko kay Drew kesa sayo. At nung araw na nalaman ko na niloloko lang pala ako ni Drew. Nandyan ka para hilumin ang sugat na ginawa niya. Bumalik ang pagkahumaling ko sayo nong araw na kinausap moko sa labas ng aking kwarto.

Minsan kahit namomroblema ako sa mga bagay-bagay, andyan ka para sakin.

Those days na kailangan ko ng suporta, makakausap, masasandalan andyan ka.

Mahal kita Marco, Mahal na Mahal. "

Tumulo ang luha ni Tina. Si Marco naman ay nagulat sa narinig. Makikita mo sa kanyang mukha ang kasiyahan. Niyakap nya si Tina ng mahigpit.

"Salamat Tina at pinagkatiwalaan moko. Hinding-hindi ko ipaparanas sayo ang naranasan mo nung kayo pa ni Drew. Kung gugustuhin mong ligawan kita araw-araw gagawin ko. Mapatunayan ko lang na karapat- dapat ako sayo. "

" Hmm, ayan ka nanaman sa ka cornihan mo. Tara na nga. "

Masayang umuwi sina Tina at Marco para ibalita sa mga kaibigan at pamilya nila ang tungkol aa kanila ni Tina.

Tatlong taon sila nagkasama bilang magkasintahan at napagpasyahang magpakasal pagkatapos nilang gumraduate sa kolehiyo.

Masaya silang nagkasama bilang mag-asawa at at mabuting magulang sa kanilang dalawang anak.

The AuditionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon