"Ate Jade! You frightened me." sabi nitong hawak pa ang kaliwang dibdib. Napakunot noo naman siya.

"I frightened you?? Kailan ka pa naging magugulatin?" tanong niya sa pinsan. Hindi naman sumagot si Lynne at ipinagpatuloy lang ang pagtingin sa maulap na kalangitan. Nang wala naman siyang mahagilap na sasabihin pa sa pinsan ay pumasok na siya sa bahay.

Pagdating niya sa kwarto nila ni Lynne, nakita niya ang isang sulat na mukhang pinaglumaan na ng panahon. Marahil ay naghahalungkat si Lynne ng kanyang mga pinaglumaang gamit kaya nakakalat iyon sa kama. Dahil sa kuryosidad, pinakialamanan niya ang sulat na nakaagaw ng kanyang pansin. Natuklasan niyang naging magkasintahan pala ang dalawa pero nagkahiwalay lang ng landas ng magmasteral si Milo sa London. Iyon ang panahong nagkakilala silang dalawa dahil kasalukuyan siyang nag aaral ng Fashion Designer sa Paris. Hindi niya alam ang tungkol sa nakaraan ng binata dahil ito mismo ang nagsabing kalimutan na nila ang nakaraan. Ngayon lang niya napagtanto na kaya pala ayaw nitong babanggitin ang tungkol sa nakaraan nito ay dahil hindi pa rin pala ito nakakapag move on.

Paulit ulit na sumasagi sa isip ni Jade ang huling salitang binitawan ni Milo sa sulat nito para kay Lynne. Ramdam na ramdam niya sa sulat ang buong pagmamahal ni Milo para sa kanyang pinsan.

"Kung hindi mo Makita ang daan pabalik sa akin, ako ang hahanap ng daan pabalik sa iyo. Lynne, alam mong mahal na mahal kita. Hindi ko na kayang mabuhay ng wala ka. Kahit anong pilit kong mahalin ang kasalukuyang girlfriend ko, mas matimbang ka pa rin sa puso ko. Kung sana, kaya ko pa ring iparamdam sa iyo kung gaano kita kamahal. Kung sana, ako pa rin ang nag iisang lalaki sa puso mo. Pero hindi ko kayang saktan si Jade. Siya ang tumulong sa akin noong mga panahong nahihirapan akong kalimutan ka. Siya ang tumulong sa akin para mapawi ang kalungkutang nadarama ko dahil malayo ako sa iyo. Hindi ko maiwasang hindi mahulog ang loob sa kanya. Inaamin ko na natutunan ko na siyang mahalin pero sandaling panahon lamang pala iyon dahil sa tuwing magkasama kami, hindi ko maiwasang isiping ikaw ang kasama ko. Na sana ikaw ang kayakap ko. Sana. Sana ay bigyan NIYA ako ulit ng pagkakataong masabi sa iyo kung gaano kita kamahal."

Hindi na alam ni Jade kung gaano siya katagal sa pwesto niya. Isa lang ang alam niya. Kailangan niyang ibalik si Milo si babaeng talagang mahal nito.

Nasa gaanong posisyon siya ng biglang pumasok si Lynne sa kwarto nila.

"Ate?" napansin agad ni Lynne ang hawak niyang sulat. Agad niyang pinunasan ang mga luhang tumulo sa kanyang mga mata.

"Nandyan ka na pala. Pasensya ka na. Napakialaman ko yata ang gamit mo. Hindi ko naman alam na sa iyo pala yan." Bigla nalang ibinigay ni Jade kay Lynne ang sulat at nagpaalam na lalabas muna. Pero nakita niyang hinawakan ni Lynne ang kanyang braso.

Lynne told her everything that day. Kung paano sila nagkahiwalay ni Milo at kung paano sila muling nagtagpo sa pamamagitan ng Social Media. Sinabi ni Lynne na nakita raw ni Milo ang account niya through their common friends. Habang nakikinig siya sa kwento ni Lynne, hindi na naman niya mapigilang umiyak. Bakit ba napakaliit ng mundo? Ang nakaraang ayaw buksan ni Milo sa kanya, nasa harapan na niya ngayon. Worst, pinsan pa niya.

"Alam ko kung gaano mo kamahal si Milo ate. Sa laki ng utang na loob ko sa pamilya mo, hinding hindi kita kayang saktan. Huwag kang mag alala, wala akong balak na guluhin pa kayo ni Milo. Mula ng iwan niya ako para magtungo sa London, alam ko, may posibilidad na hindi na kami muli pang magkita. Magkita man kami, walang kasiguraduhan kung mahal pa niya ako. Ngayong nakita kong ikaw na ang girlfriend niya, hindi ko kakayaning saktan ka at agawin siya." niyakap siya ni Lynne matapos sabihin iyon sa kanya.

Kinabukasan, nagpasya si Jade na makipag usap kay Milo. Handa na siyang gawin ang bagay na alam niyang ikasasakit ng damdamin niya pero alam niyang iyon ang tamang gawin. She loved them both kaya naman gagawin niya ang lahat Makita lang masaya ang dalawang taong importante sa kanya.

The AuditionsWhere stories live. Discover now