"Hindi ko pinoproblema ang tuition fee ko, kaya walang sense kung sasali ako diyan." Tumalikod na siya pero hinabol ko ulit siya at hinila ang mangas ng polo niya.

"Te-teka uy! Pero hindi porke sumali ka sa amin, hindi mo na kayang magbayad ng tuition. Hindi ba pwedeng kaya ka sumali kasi gusto mo kaming tulungan? Mas maraming umaalma, mas madali nilang malalaman ang hinaing ng mga estudyante nila. Pwede kang tumulong sa amin. Sige na please. Kailangan talaga namin ng mga bagong member." Inabutan ko ulit siya ng form at nag puppy eyes sa harap niya. "Bibigyan kita ng isang linggo para pag-isipan 'yan. Mag fill up ka sa form na 'yan pag sasali ka. Salamat ha. Shane." Nginitian ko siya at umalis na.

Nakagat ko talaga ang daliri ko dahil sa tuwa.

O baka sa kilig?

Ang gwapo lang po. Mahangin lang.

-

Hanggang pag uwi ko sa bahay hindi maalis sa isip ko si Shane. Bakit ang gwapo niya? Ang perfect ng mukha. Nakaka insecure.

"Hello Fat! May narecruit ka na ba? Sorry ha, hindi na tayo nag kita kanina. Nagmamadali kasi ako umuwi e." Tinawagan ko agad si Fat pagkauwi ko sa bahay. May gusto kasi akong i-share sa kanya

.

"Hoy Eleanor, bakit sa tono ng pananalita mo parang pakiramdam ko ang laki ng ngiti mo? Kwento na friend!" Kilala na talaga ako nito ni Fatima. Napatili na lang ako bigla dahil sa kilig na nararamdaman ko.

"Fat. May gwapo akong nakilala, Shane 'yung name niya. Binigyan ko din siya ng form ng org natin. Sabi ko bibigyan ko siya ng one week para makapag isip. Friend, na fall na yata ako sa kanya." Kinikilig na sabi ko kay Fatima.

"Umayos ka friend. Kapit ka muna, 'wag ka muna ma fall. Hindi mo pa kilala 'yang Shane na 'yan. Baka mamaya may girlfriend na 'yan."

Halos hindi ako pinatulog ng mga sinabi ni Fatima. Bakit nga hindi ko 'yun inisip? Sa gwapo ni Shane, malamang may girlfriend na siya.

-

Maaga akong pumasok para mag abang ulit ng mga estudyante. Maya-maya mag sisimula na ang klase. Patay ako nito, hindi na ako nakapasok sa klase ko kahapon.

Naubos ko na ang hawak kong mga fliers, wala akong pinapalampas na isang estudyante. Lahat sila inabutan ko ng fliers.

Nagmadali akong pumunta sa classroom ko at pag pasok ko halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko.

Classmate ko siya?

Dumiretso ako sa bakanteng upuan sa tabi niya. "Bakante 'to?" Tumango naman siya at bumalik na sa pag babasa ng libro.

"Asan na'yung form? Na fill-up-an mo na?" Nakangiting tanong ko sa kanya, pero dinedma niya lang ako. Napairap na lang tuloy ako. Sungit.

-

Tatlong linggo na ang nakalipas simula nang ibigay ko sa kanya ang form, pero hindi pa din niya binabalik sa akin 'yung form.

"Shane! Hi! Ano, asan na 'yung form?" Nakangiting tanong ko sa kanya. Nakakapagod na habulin 'tong lalaki na 'to. Tatlong linggo na akong naghahabol sa form na 'yun.

"Kumakain ako. Huwag ka magulo." Masungit na sabi niya.

"Pero may balak ka pa bang sumali?" Para naman malaman ko di ba? Baka mamaya paasa lang 'to. Umaasa na nga ako na sana wala siyang girlfriend e, pati ba naman sa pag sali niya aasa pa din ako. Ang saklap na n'un.

"Ewan. Pag iisipan ko." Napatayo ako at napahampas sa lamesa dahil sa sinabi niya.

"Sa tatlong linggo, hindi mo pa din napag-isipan?" Napalingon sa amin ang mga ibang estudyante na kumakain dito sa cafeteria. Nag peace sign naman ako sa kanila at dahan-dahang umupo.

The AuditionsWhere stories live. Discover now