Special Chapter

5.8K 219 76
                                    

Riverain

"students, please behave in your seats."

Nandito kami ngayon sa isang convention hall kung saan gaganapin ang graduation ceremony. Nilibot ko ang paningin sa buong hall at puno puno ito ng mga kapwa kong estudyante. Nakakatuwa lang na sa batch namin lahat kami nakapasa.

"Ano nililinga linga mo diyan? Hindi pa rin ba siya dumarating?" Tanong ni Athena sa tabi ko. 

"Hindi pa rin eh. Sila Kai ba?"

Nilabas ni Athena ang phone niya, "Malapit na daw sila mama." 

"Umayos na kayo ng upo at magsisimula na." Saway sa'min ni Charlotte. "Balik na ko sa pwesto ko ha? Umayos kayo." Banta niya bago niya kaming iwan.

"Saglit lang, salubungin ko lang sa pinto. Baka kasi hindi niya makita kung saan yung seat niya." Patayo na sana ako nang hilain ako ni Athena paupo, "Saglit nga lang kasi."

"Umupo ka na at baka ma special mention ka diyan."

Walang nagawa na umupo ako ng maayos at nakinig nang magsimula ang program. Pero kahit anong focus ko sa harap ay napapatingin pa rin ako sa phone ko. Hindi pa kasi nagcha-chat si gurang kung nasaan na. Kanina ang sabi niya on the way na siya pero hanggang ngayon wala pa. 

Malapit na kami umakyat ng stage pero hanggang ngayon wala pa. Lilingon sana ako sa kung saan dapat sila naka puwesto nang biglang hawakan ni Athena ang ulo ko para manatiling nakatingin sa harap.

"Ang likot mo. Kanina ka pa tinitignan ni ma'am." 

"Kasi naman ang tagal ni love." Traffic ba? Ang tagal naman ng on the way niya. Scam talaga 'yang on the way na eh.

"Huminahon ka nga, baka nandiyan na hindi lang makapag chat sayo." 

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya, "At bakit? May signal naman dito." 

"Aba siya tanungin mo mamaya, ako ba si Agatha?" Tumingin na ulit ito sa harap, "Siraulo."

Hirap man ay nag-focus na lang ako ulit. Hanggang sa tinawag na kami ng prof namin para umakyat sa stage. Tumayo na kami para pumila sa may hagdanan, halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Excited kasi ga-graduate na at kinakabahan dahil pagkatapos nito sa paghahanap naman ng trabaho ang next na laban ko.

Tumayo ako ng tuwid dahil ako na susunod, huminga ako ng malalim at nag-focus sa harap. Mahirap na baka matalisod ako habang papunta sa gitna, ayoko naman na huling araw na nga tapos kahihiyan pa huling alaala ko sa mga ka schoolmates ko. Nang tawagin ang pangalan ko ay nagsimula na ko magpunta sa harap, kinamayan ko ang nagabot ng diploma at dumiretso agad sa hagdan. Hay buhay buti naman at nagawa ko ng tama.

"Ate River! " Sigaw ni Kai habang patakbong papunta sa'kin, sinalubong ko naman ito ng yakap. "Congratulations po!" Sa likod nito ay ang parents ni Athena.

"Salamat, Kai. Sa susunod ikaw naman ha?" Tumango naman ito na may malaking ngiti sa labi. Masaya ako at naging okay na si Kai, isa ito sa pinaka magandang nangyari sa'kin ngayong taon.

"River, doon muna kami ng parents ko. Mag picture lang." Bulong sa'kin ni Athena bago pumunta sa parents niya. Binati muna ako ng mga ito bago sila pumunta malapit sa stage.

Tumayo ako at binuhat si Kai, "Nakita mo ba si ate Agatha mo?" Umiling ito. "Nasaan na kaya 'yon?" Sakto naman na pagtingin ko sa gilid ko ay nandoon siya nakatayo at may mga kasama ito. "Nay?" 

"Anak." Nahihiyang lumapit ito sa'min ni Kai, kasunod niya sila ate. "Congratulations." 

"Congrats." Nahihiya na sabi nila Ate Seayana at Oceana. "Sorry wala kaming regalong dala." 

Cafuné (GxG)Where stories live. Discover now