AnR 4

5K 223 47
                                    

Riverain

"Kung ikaw ay masaya, tumawa ka!" Masigla na pumasok ako ng club. Syempre makakahawak na naman ako ng tips.

"Grabe ang angas mo talaga Riverain." Kinakausap ko ang sarili sa harap ng salamin habang tinitignan ang uniform ko. "Namiss ko ang look na 'to. Mas bagay talaga sa'kin ang front uniform, amoy pera."

Pumunta ako sa bar counter para i-serve ang mga inumin. Ma-ingat na binuhat ko ang tray at tumungo sa table 15.

"Here's the drinks," isa-isa ko nilapag ang mga order habang sinasabi kung ano ang tawag dito. "Cosmopolitan, Negroni and two Manhattan. Enjoy the night."

Napatingin ako kay gurang na nasa stage, ang dami talagang tao pag siya ang nagpe-perform. Malaki talaga pakinabang niya sa bulsa ko. Tiba-tiba sa tips. "Galingan mo lang d'yan kahit bukas ka na matapos."

"Saan 'to." Tanong ko pagbalik sa bar counter.

"Sa VIP yung nasa center." Sagot ni kuya bartender.

"Noted." Maingat na pumunta ako sa VIP. Kailangan ko ba mag pa-impress para magka-tip?

Nang makarating sa puwesto ay binati ko 'to, "Good evening miss, Here's your Daiquiri pampa-init ng daliri."

Ay bastos hindi man lang ako pinansin, sayang pa yung line ko. Masyado naman focus 'to sa stage. Nilingon ko kung saan siya nakatingin.

"Potah!" Nagulat ako sa nakita. Gusto ko sana lapitan kaso baka mapaalis ako. "Tangina ang daming pera sa lapag."

"Hey, move!" Sabi sakin ni miss na sinervan ko ng inumin. "I can't see her!" Hindi ko napansin na nakahiga pala si gurang kaya agad akong tumabi at baka isumbong pa ako nito.

Tinignan ko si gurang na nakatingin din pala sa'kin. Binelatan ko 'to sabay alis.

Buong gabi ako na-busy sa pagser-serve sa ibat-ibang table. Pauwi na sana ako ng tawagin ng kalikasan. Nagmadali na pumunta ako sa CR para sa employee. Pagpasok ko nadatnan ko si Gurang na naghuhugas ng kamay. Napansin ko na napatingin siya sa'kin gamit ang salamin.

"Gurang pa-ihi muna." Dumiretso ako sa cubicle at dali-dali nag bawas ng tubig. Paglabas ko nandun pa rin siya.

"Hinihintay mo 'ko?" Lumapit ako sa lababo at naghugas ng kamay.

"What do you want?" Humarap siya sa'kin habang naka-crossed arm. "Why are you trying to get my attention?" Lumakad 'to ng palapit sa'kin.

Alam ko nato, yung sunod ba neto aatras ako tapos mapapasandal ako sa wall? Para maiba humakbang ako ng patagilid. "Ikaw gurang ka na talaga, lumang style na 'yan. Hindi na gumagana 'yan sa'kin."

"Crazy." Naiiling na sabi niya.

"Ah ikaw?" Bakas sa mukha niya ang inis na ikinasaya ko. Muntik ako mauntog ng malakas nang itulak niya ako.

"You're pissing me off." Lumapit ito at hinawakan ako sa kwelyo.

Hinawakan ko siya sa bewang at hinapit palapit sa'kin, "Eto na ba yung time na magk-kiss tayo?" Bulong ko habang nakatingin sa mata niya.

"Do you want to?" Mas nilapit niya pa ang mukha dahilan para maamoy ko ang hininga niya. Pati ba naman hininga expensive.

"Hahatid mo ba ako?" Inirapan niya ako bago ito lumayo. Naglakad na siya palabas ng walang pasabi. Agad akong sumunod at baka iwanan ako.

"Gurang! Kasalanan mo bakit ako napagod kaya panagutan mo 'ko!" Bigla siyang huminto at hinarap ako.

"Could you please stop bothering me?" Mataray niyang tanong.

Cafuné (GxG)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz