AnR 8

4.2K 242 22
                                    

Riverain

Ilang araw din akong naging busy kaya ilang araw ko na rin hindi napipilit si gurang. Nung last na punta ko sa mall naka-open na ang store niya pero hindi ko siya nakita do'n.

Excited akong pumasok ngayon kasi sabi ni Joel si gurang daw ang main performer namin ngayon gabi. One week din siyang wala kaya one week din sakto lang ang tips na nakuha ko.

Pagkababa ko sa tricycle agad akong nagbayad at masiglang pumasok. Agad akong dumiretso sa quarter para magpalit ng damit.

"Sure ka si gurang ngayon!?" Nagsisigawan kami dahil sa lakas ng music.

"Oo nga! nakita ko siya kanina pumasok sa room nila!" Nandito ako ngayon sa counter bar hinihintay ang ginagawang drinks ni Joel para sa VIP.

Pagkatapos gawin ni Joel ang drinks ay agad kong kinuha ang tray at pumunta sa VIP, pagkalapag ko sa table agad din akong umalis. Naka-isang hakbang pa lang ako ng namatay ang ilaw.

Put it on Me by Matt playing

Lumingon ako sa stage ng biglang nagsimula agad ang tugtog. Patay sindi ang ilaw na nakatutok kay gurang, I mean kay Agatha, yes hindi siya si gurang ngayon. Masiyadong mapang-akit ang nasa stage. Ganito ba talaga siya pag nagpe-performed? Ngayon ko lang kasi naisipan na panoorin siya, hindi pa sadya.

Nang mag-iba ang effects ng lights na naging light blue ang paligid ng stage na mas lalong nakadagdag sa mood. Napalunok ako ng mapagmasdan ko ng mabuti si Agatha, nakasuot lamang ito ng white sando na kita ang buong side niya at may suot din siyang necktie na kulay itim. Humarap ito sa pole at dahan-dahan sumandal, doon ko napansin kung gaano kaganda ang hubog ng katawan niya pababa sa mahahaba at makikinis niyang binti. Bakit bigla ata uminit dito sa club?

Aalis na sana ako ng magtama ang mga mata namin. Naglakad siya pababa ng hindi inaalis ang tingin sa'kin. Pinanood ko siyang dahan-dahang umupo sa babae na kung saan ako nag-serve kanina. Dahil sa gilid lang ako nito, kitang-kita ko kung paano niya sinayawan ang customer. Nagulat ako ng tumingin siya sa'kin at hawakan niya ang bow tie ko bago siya tumayo. Hinapit niya ako papalapit sa kanya habang umaatras siya papunta sa stage ng hindi inaalis ang tingin sa'kin.

Parang may kung ano sa mata niya at hindi ko magawa ialis ang paningin ko sa kanya. Bakit gumanda si gurang? Dahan-dahan niyang pinalandas ang daliri sa braso ko pababa hanggang sa mahawakan niya ang kamay ko, nang mahawakan niya 'to ipinatong niya sa waist niya. Napalunok ako ng maramdamam ko ang init ng katawan niya. Gusto ko man ialis ang mga kamay ko ngunit ayaw sumunod nito. Inilagay ni gurang ang kamay niya sa batok ko at dahan-dahan akong hinila papalapit sa mukha niya. Naagaw ang pansin ko ng kaniyang labi, habang palapit ng palapit pinipigilan kong wag huminga. Hahalikan niya ba ako? napahigpit ang hawak ko sa bewang niya nang magtama ang tungki ng ilong namin. Napapikit ako ng mariin habang hinihintay ang labi niya na dumampi ngunit napadilat din agad.

"Lift me up."

"Huh?"

"Help me in getting up on stage." Isang nakakalokong ngiti ang nakita ko sa mukha ni gurang. Potah naisahan ako dun.

Nang ma-gets ang sinabi niya ay pumwersa ako para buhatin siya pataas. Nang maka-upo na siya sa stage, hawak ko pa rin siya sa bewang habang nakatingala ng kaunti sa kaniya. Nagtaasan ang balahibo ko ng tinrace niya simula batok hanggang sa chin ko. Namamalikmata ba ako? Nakita ko lang naman na nginitian ako ni gurang. Hindi ko na nga namalayan na nakabalik na siya sa gitna at pinagpatuloy ang sayaw.

Wala sa sarili na nakarating ako sa counter bar. Hindi pa rin mawala sa isip ko kung paano niya ako ngitian kanina, aba first time yun. Naputol ang pag-iisip ko nang bigla akong tapikin ni Joel.

Cafuné (GxG)Where stories live. Discover now