Anr 19

4.2K 208 60
                                    

Riverain

"Paano ako makakapanligaw ng maaga kung nandito ako." Himutok ko.

Nandito ako ngayon sa library, nag-aayos ng mga books na wala sa tamang puwesto. Pambihira naman kasi, magbabasa sila tapos hindi marunong magbalik. Magbabalik nga yung iba kaso mali naman, marunong ba sila magbasa? Mga tanga.

"Kahit naman agahan mo hindi ka sure kung papansinin ka." Sagot naman pabalik ni Athena.

"Kaya nga aagahan para mas maraming chance na magpapansin."

"Mas marami din chance na hindi ka pansinin."

Ang epal neto, "Papansinin ako no'n. Hindi niya ko matitiis."

"'di mo sure."

Hinarap ko siya, "Ba't ba ang epal mo? Tsaka ba't ka ba nandito? Buti sana kung tinutulungan mo ko."

"Ikaw ba may-ari ng library ha?" Tinaasan niya ko ng kilay, "Tsaka ba't kita tutulungan eh ikaw lang naman may parusa dito."

Inambahan ko siya na babatuhin ng libro, "Umalis ka nga dito."

"Cha! Si River mamamato ng libro." Aba't! Napaka sumbungera

Bigla tuloy dumating si Charlotte, "Ang ingay mo Athena, bawal sumigaw dito."

"Ayan napaka kasi ng bunganga. Kala mo ha."

"At ikaw naman Rain, nandito ka para mag-ayos ng libro. Hindi para ibato."

Agad naman akong umangal, "Hindi ko naman ibabato, tinatakot ko lang siya."

"Kahit na, dalian mo na diyan at may gagawin ka pa doon."

Umalis na ito para bumalik sa counter para asikasuhin ang mga estudyante na bagong pasok lang. Ang wrong timing talaga netong parusa ko, day off ko nga sa trabaho pero nandito naman ako. Imbis na naghahanda na ako para sa panliligaw ko eh.

"Ba't ba kasi nagmamadali ka? May plano ka na ba?"

Dahil sa tanong ni Athena ay napaisip ako, "Wala?"

"Oh eh ano minamadali mo diyan?"

"Gusto ko lang puntahan siya ng maaga, the early bird gets the worm ika nga nila."

"Para kang sundalo na susugod sa gera na may baril kaso wala naman bala."

Napakamot ako sa batok ko, "Alam mo naman hindi ako marunong manligaw. Ikaw nga hindi ko niligawan."

"Wow ano gusto mo palabasin?"

"Ikaw, pwede ba lumabas ka na? Sakit mo sa mata."

"Okay." Tumayo siya, "Tutulungan ka na nga."

Nilapag ko sa lamesa ang libro na hawak ko at pinigilan siya umalis, "Eto naman 'di mabiro."

"Heh, puro ka biro. Kaya ka 'di sineseryoso." Bumalik siya sa pagkakaupo.

Sabagay tama siya. Kaya siguro hindi rin ako sineseryoso ni gurang dahil puro pang-aasar lang alam ko. Siya na rin naman nagsabi na naglalaro lang kami. Tapos nasaktan ko pa siya, ako na nga 'tong malakas loob mang-iwas tapos ganon pa sasabihin ko. Bunganga ko talaga minsan nakaka tanga.

"Oh nananahimik ka diyan?"

"Wala, nag-iisip lang ako kung paano ako manliligaw."

Naglabas ito ng phone, "Tara mag-search tayo."

"May nasabi ka rin maganda."

"Oh ito may nahanap agad ako." Binasa niya ang unang nakalagay, "Bigyan mo ng chocolates."

Cafuné (GxG)Where stories live. Discover now