AnR 14

4.3K 227 17
                                    

Riverain

Nagmamadali na bumaba ako sa bus nang makita na nasa baryo na ako. Frustrated na hinagod ko ang buhok dahil sa walang tri bike na nakaparada. Labag sa loob na naglakad ako dahil wala na akong pasensya maghintay pa.

Habang naglalakad pinagtitinginan ako ng mga tsismosa sa kanto. Eto ang ayaw ko dito masyado kaming sikat dahil sa nanay at mga ate ko.

"River! Kailan ka susunod sa yapak ng nanay mo?" Sigaw ng isang matandang lalaki na nakatambay.

"Magkano ba gusto mo para maikama ka?" Tanong ng isang lalaki. Nanggigil na lumapit ako dito at kinuwelyuhan. Nagsitawanan lang ang mga ito. "Sus kunwari ka pang nagagalit, baka mamaya lang bubukaka ka rin sa harap namin." Sa sobrang galit nasapak ko ito.

Bigla na lamang ako hinawakan sa t-shirt ng babaeng katabi nito at tinulak palayo. "Wag ka nga magmalinis d'yan na akala mo kagalang-galang 'yang pamilya mo." Nagdidilim ang paningin ko gusto ko manakit. Galit na galit akong lumapit dito at sasapakin ko na sana nang magsalita ulit siya. "Ate Seayana mo nabuntis hindi alam sino ang tatay, ayun nagwawala kahapon." Inis na binitawan ko ang kuwelyo niya at tumalikod sa kanila.

Tinatry ko ikalma ang sarili kahit na may sinasabi pa sila. "Yung ate Oceana mo ang sarap ng giling sa ibabaw ng entablado habang walang suot!" Gusto ko itakwil ang pamilya ko pero kadugo ko pa rin sila kahit na mga pariwara. "Sayang katawan mo kung hindi mo gagamitin."

Hinayaan ko na lang sila at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ako iiyak sanay na ako sa mga naririnig ko, tama. Hindi na ako apektado. Nang matanaw ko na ang bahay ay mas binilisan ko pa ang paglalakad. Pagpasok ko sa loob parang gusto ko na lang magwala sa nakikita. Ang kalat ng bahay, mga pinagbihisan kung saan-saan nakapatong. Mas uminit ulo ko nang makita ko na nakahiga lang sa sofa si Kailani, agad ko itong nilapitan.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko nang magising siya nang hawakan ko sa noo. Sobrang taas ng lagnat niya tapos dito lang nila papahigain ang bata? Napalingon ako sa likod ko nang may lumabas na lalaki galing kwarto.

"Tangina naman! May sakit na nga si Kailani inuna niyo pa 'yang kati niyo sa katawan!" Tumayo ako para harapin 'to.

"Anong ingay 'yan?" Lumabas si Inay galing sa kusina.

"Yang epal niyong anak nagda-drama." Tinignan ko ng may pandidiri si ate Oceana.

"Mga hayok ba kayo sa sex?" Walang preno kong tanong at tinignan sila isa-isa. "Tangna, para kayong mauubusan ng lalaki sa papalit-palit niyo. Hindi niyo man lang naisip si Kailani!" Wala na hindi ko na makontrol sarili ko. "Hindi pa kayo nakontento sa pagiging stripper niyo sa labas! Dinadala niyo pa mga kalandian niyo dito sa bahay!" Tinaas ko ang t-shirt ko para punasan ang luha ko. "Gago nakakahiya kayo."

"Pinauwi kita para bantayan 'yang kapatid mo at hindi para iyakan kami." Ate ko ba talaga 'to? Magsasalita sana ako ng pumasok si Ate Seayana galing labas, tinignan ko ito ngunit umiwas siya ng tingin.

"Sabi mo hindi ka gagaya kila nanay?" 

"Wala akong choice." Walang kakupas-kupas na linya.

"O baka naman ginusto mo? Umamin ka wag mo ikahiya 'yang sarili mo." Binalik ko ang tingin kay nanay, "Si nanay nga proud oh, kulang na lang makipag-sex sa labas." Mabilis akong binato ni nanay ng bagay na agad niyang nadampot.

"Bastos kang bata ka!"

"Ako bastos? Ano pa tawag sa inyo?" Nilapitan ko si Kailani tsaka ito binuhat. "Maka-ipon lang talaga ako kukunin ko si Kailani." Hinarap ko si nanay, "At pagnangyari 'yon, kalimutan mo ng apat ang anak mo."

Dali-dali akong lumabas at naghanap ng tri bike. Sakto na may kakababa lang malapit sa'min, agad ko itong tinawag. "Sa hospital kuya." Nagpahatid kami sa malapit na hospital dito sa baryo, hindi nga lang kalakihan pero okay na rin.

Cafuné (GxG)Where stories live. Discover now