AnR 3

5.5K 231 34
                                    

Riverain

"Bakit kasi nandito ka ha?" Nasa dorm ako ngayon ni Athena. Ang boring naman kasi walang pasok kaya nagplano ako na guluhin ang tulog niya.

"Para guluhin ang buhay mo." Hinila ko ang kumot na nakatakip sa kanya.

"Ano ba?!" Inis na umupo 'to. Ang sarap talaga sa feeling pag may nasisira kang araw. "Matagal mo ng sinira buhay ko kaya puwede ba!"

"Ang sakit mo na magsalita ah, sige dagdagan mo pa." Ginulo ko ang buhok niya para mas mainis pa 'to. Natawa ako nang makita na para siyang pagala-galang baliw sa kanto.

"Tanginang buhay 'to! Buti na lang talaga at ex na kita!" Walang nagawa na bumangon siya at kinuha ang towel para itakip sa harapan niya tsaka siya lumabas.

"Saan ka pupunta!" Sigaw ko. Pinanood ko siyang mabilis na bumalik papunta sa'kin at binatukan ako.  "Gago ka!" reklamo ko habang hinihimas ang ulo.

"Deserve mo yan! Maliligo lang ako, sana pagbalik ko wala ka na!" Sigaw niya habang tinutungo ang banyo.

"Teka sama ako!" Natawa ako ng walang lingon niya akong pinakyuhan.

Nang makapasok na siya sa banyo ay napag desisyunan kong umuwi. "Maka-uwi na nga." Ang bait ko talaga nag-effort pa ako para lang makasira ng araw. Ang layo din kaya ng nilakad ko.

Bago makarating sa dorm dumaan muna ako sa tindahan at bumili ng de lata para sa dinner ko. May pasok ako mamaya kailangan busog.

Ang sarap ng laro ko nang maka-received ako ng text galing sa manager.

River we need you at 6pm, okay ka ba?

Syempre go ako! Pagkatapos ko mag-reply sa kaniya nag-ayos agad ako dahil 5 na rin pala. White shirt and fitted black pants ang naisip kong suotin.

"Buti na lang pala nakabili ako ng pagkain kanina." Nagmamadali akong sumubo ng biglang pumasok ang ka-roommate ko kasama ang girlfriend niya.

"Tol, napaghahalataan na patay gutom ka." Aba loko 'to!

"Nyag mwamwadawi kashi awko." Muntik pa ako mabulunan kaya dali-dali akong uminom ng tubig.

"Hayup! Mahiya ka nga."

Hindi ko na sila pinansin dahil male-late na ako. Nang okay na ako, nagmadali akong mag-commute papunta sa club.

"Pre bakit parang doble ang tao?" Tanong ko sa bouncer, sa pagkakaalam ko hindi naman magpe-perform si gurang.

"May party si boss sa taas." Ah kaya pala. Sumenyas na ako na papasok na.

"Buti na lang at dumating ka na. Do'n ka sa kitchen nakatoka. Ask mo na lang sa head yung gagawin mo." Bungad ni Miss Tony na nagmamadali din umalis.

Pot- ibig ba sabihin neto wala akong tips na matatanggap? Walangya kaya nga ako pumayag. Scammer! Mabigat sa loob na pumunta ako sa quarter para magpalit. Maghuhubad na sana ako ng biglang may nagbukas ng pinto.

"River eto ang uniform mo sa back." Inabot ng isa sa mga kasamahan ko.

Agad ako nagpalit sa bago kong uniform, black t-shirt at black straight jogger. Ayos 'to ah ang comfy isuot. Pumunta ako sa kusina ng makasiguro na ready na ako sumabak sa trabaho. Masama pa rin loob ko, lagyan ko pa lason mga pagkain nila. Damay-damay na 'to.

Pagpasok ko sa kusina makikita mo na halos nagmamadali sila. Mukhang bigatin ang party daming chef na duty ngayon.

"Hi, chef! Ano mapaglilingkod ko?" Kaharap ko si Head chef, lagi ako pinapatikim ng luto niya kaya mabait siya para sa'kin.

Cafuné (GxG)Where stories live. Discover now