AnR 22

4.2K 210 25
                                    

Riverain

Busy na naman ngayon gabi dahil si gurang ang main show. Gusto ko man pagdamot si gurang kaso wala akong magagawa kung hindi sumuporta.

"May napapansin ako sayo." Pagbalik ko sa counter bar yun agad sinalubong na tanong ni Joel.

"Dami mo napapansin." Nilagay ko sa tray ang mga nagawa niyang inumin.

"Ang lawak ng ngitian natin." Hinintay ko muna ang sagot ni Joel bago ako nag-serve.

"Naka-rugby kasi ako." Maingat ako naglakad papunta sa customer dahil konting lingat lang ay mabubunggo ka sa dami ng tao.

Sa sobrang busy ko hindi ko napansin na si gurang na pala ang sumasayaw sa stage. Nak ng pating hindi ko tuloy napanood yung opening niya. Nagmadali akong i-serve ang hawak ko para mahabol ang performance niya. Dumiretso ako malapit sa VIP para mapanood siya ng maayos. Hindi ko mapigilan mapangiti nang makita ko siya ng malapitan. Ang hot talaga niya. Good job Riverain ang ganda ng taste mo, nakakaproud.

Ang lakas ng tibok ng puso ko nang magtama ang tingin namin ni gurang. Masyado na akong tinamaan ah hinay-hinay naman baka hindi ko kayanin. Diretso lang siyang nakangiti sa'kin na may mapaglarong ngiti sa kanyang labi. Napangiti ako nang bigla niya akong kinindatan. Wala na hulog na hulog na ako ginalingan kasi masyado.

Lumapit siya sa pole at hinubad niya ang white polo na suot. Kita na ang kulay black niyang bra at may suot siyang necktie na kulay white.  Sa ginawa ni gurang mas lalong naging wild ang mga nanonood. Nagawi ang tingin ko sa VIP at automatic na hinanap ng mata ko si Kate kung nanonood ba. Of course ano pa ba ang inaasahan syempre present yan.

Busangot na bumalik ako ng tingin kay gurang na mabilis ding napalitan ng malawak na ngiti dahil sa'kin siya nakatingin. Napansin ko lang nakalahati na niya ang kanta pero hindi pa din siya bumababa sa stage para may sayawan. Isa sa mga ayaw kong makita at baka makapatay ako.

Malapit na matapos ang kanta nang biglang may tumapik sa'kin. Wala sana akong balak lingunin ng tinapik na naman ako neto kaya napilitan na akong tignan kung sino. Napaayos ako ng tayo na si Manager pala.

"Ano ginagawa mo d'yan? Mag-serve ka do'n."

"Opo." Bago ako umalis ay nilingon ko muna si gurang at mabilis na umalis. Epal naman konti na lang hindi pa hinayaan na matapos.

"Oh saan ka galing? Kanina pa kita hinihintay." Hindi pa man ako nakakabuwelo nang lagyan niya agad ng baso ang tray ko.

"Wala sa tabi lang."

"Kay Miss Kate 'yan." Pag minamalas ka nga naman oo. Labag sa loob ko na pumunta do'n. Pagdating ko sa puwesto niya tahimik at walang tingin na nilapag ko ang inumin sa mesa.

"River right?" Ano ba naman 'yan.

"Yes po." Kailangan magalang pa rin kahit inis ako sa kanya.

"Are you serious about Agatha?" Pake ba neto. Sarap sana sagutin kaso customer tsaka mabait ako ngayon.

"Sorry po Miss, that's too personal, excuse me." Magalang na umalis ako sa harap niya. Mahirap na baka mapatalsik ako.

Nang matapos na ang duty ko dumiretso na ako sa quarter. "Nakakainis, nag OT ako hindi tuloy ako nakasabay kay gurang." Bwisit na nagpalit ako ng damit.

"Una na ako!" Sigaw ko kay Joel.

"Kanina masaya ka ngayon busangot na, daig mo pa baliw sa mental."

Cafuné (GxG)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ