AnR 21

4.9K 235 28
                                    

Riverain

Pasipol-sipol akong pumasok sa school habang nakapamulsa. Iba pala nagagawa ng in-love, kahit nakakatamad pumasok okay lang yung tipong kahit everyday may klase all goods lang pero syempre biro lang mas gusto ko pa rin tumambay kung nasaan si gurang.

"Athena walang kwenta!" Sigaw ko pagpasok ko sa room. "Oh yung mata mo baka lumabas 'yan." sabay tumawa ako ng malakas.

"Pwede ba River ang aga-aga gusto na agad kitang burahin sa mundo." Ang agang badtrip na naman 'tong isa.

"Bakit busangot yang mukha mo? Pangit na nga lalo pa-" agad ako nakailag nang may lumipad na libro.

"Manahimik ka." Sumurrender na lang ako dahil isa na akong mabait na nilalang at nakatitig na siya sa'kin na para bang kakatayin na niya ako.

Dumating ang prof namin na may kasamang babae. Hindi siya sa fine arts dahil iba ang lace ng ID niya, siguro taga-engineer ang isang 'to.

"Okay class! May activity tayo ngayon. Kunin niyo ang mga canvas niyo at iguguhit niyo siya." Tinuro ni prof ang babae na kasama niya.

"Hi, I'm Yuri from Civil." Kumaway ito habang nakangiti. Ang mga loko kong kaklase ay nagsisipol.

"May boyfriend ka na?" Sigaw ng isa kong loko-lokong kaklase.

"Single." Naghiyawan ang mga boys na para bang nanalo sa loto. Talaga nga naman pag-usapang babae ang a-active.

"Okay, enough na. Magsimula na tayo." Saway ng prof namin. "Kung paano niyo sa nakikita sa pwesto niyo gusto ko ganon din ang makikita ko sa canvas niyo."

Pinatayo siya sa gitna ni prof at dahil sa tabing bintana kami ni Athena ay medyo naka side-view siya. Sinimulan ko ang pag paint sa mata niya. Habang naka-focus ako biglang sumagi sa isip ko nung time na dino-drawing ko si gurang.

Yung utak ko kung ano-ano naiisip, kailangan ko na ata ipalinis 'to. Ano ba ginawa ni gurang sa'kin at bakit biglang naging mahalay na mga naiisip ko. Kasalanan niya 'to.

"River, okay ka lang ba?" Naputol ang pag-iisip ko nang tinanong ako ni Athena.

"Huh?"

"Nakangisi ka d'yan para kang rapist."

"Gago, pinagsasabi mo d'yan." Inambahan ko siya na babatukan ko nang bigla siyang magsumbong.

"Miss si River po oh!" Walangya parang elem nagsusumbong.

"River focus, hindi na kita pagbibigyan ngayon."

"Opo Miss." Tinignan ko ng masama si Athena pero tinignan lang ako neto na may pang-aasar sa mukha.

Pagkatapos ko pakyuhan si Athena ay bumalik na ako sa pagpe-painting. Pag tingin ko kay Yuri ay nakatingin 'to sa'kin ngayon. Ano ba 'yan bakit siya gumalaw, ganda-ganda na ng anggulo ko.

Sinenyasan ko siya na humarap ulit sa gitna para mapagpatuloy ko na. Ngunit hindi niya ata nagets dahil nakatingin pa rin siya na parang nagtatanong. Umiling ako dito at tinuro ko ang mata ko at tinuro din ang gitna. Mukhang nagets naman niya dahil pagkatapos niya matawa ay tumango 'to tsaka bumalik na siya sa dati niyang position.

Sabay kami nagpasa ni Athena nang matapos kami. Nandito kami ngayon sa library dahil duty ko na naman. Nagtataka nga ako at lagi din sumasama ang isang 'to, hindi naman mahilig magbasa.

Habang nag-aayos ng libro naalala ko yung pag-uusap namin ni gurang kaninang pinatawag ko siya. Natawa ako dahil ako pa nag text sa kanya na tawagan ako dahil wala akong load buti masunurin after ko i-text yun agad niya akong tinawagan. Naisipan ko din na pagtripan siya at Agatha ang itatawag ko.

Cafuné (GxG)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora