AnR 11

4.3K 230 21
                                    

Riverain

"Oh, anong mukha yan?" Pabagsak na umupo ako sa upuan at sinubsob ko ang mukha sa lamesa. Ano ba nangyayari sa'kin? Paano na ako makakabawi niyan? "Teka nga, hindi mo pinasa 'yang drawing mo?"

Umayos ako ng upo tsaka siya tinignan, hopeless na tumango ako dito. Paano ko kakausapin niyan ang prof ko? Sinapian talaga ako kanina. "Ano gagawin ko?"

"Bakit mo kasi hindi pinasa?" Nag aalalang tanong niya. "Hindi ba maganda kinalabasan?" Aabutin sana niya ang case ko na naglalaman ng drawing nang inilayo ko 'to sa kaniya.

"Ayun na nga, masyadong maganda kaya ayaw ko makita ng iba." Namuntikan na ako mangudngod ng binatukan ako ni Athena. "Oh bat namamatok?" 

"Siraulo ka talaga!" Tumayo siya sa harap ko at nameywang, "Kaya mo nga siya kinuhang model para maganda kalabasan ng gawa mo tapos ano? Para lang itago sa case mo?" 

"Kasi mehn para lang sa mata ko yun." kinuha ko yung case at tsaka ito niyakap. "Mabuti pa tulungan mo ako kausapin si prof."

"Alam mo kung ano meron ka?" Tanong ni Athena, "eto meron ka." Pinakita niya ang kamay niya sa'kin tsaka inilapit sa tenga niya at pinaikot ito.

"Tanga ikaw ang baliw sa'tin, wag mo ako idamay." tumayo ako at hinila ito palabas ng room.

Panay ang reklamo ni Athena hanggang makarating kami sa faculty. Nagpunas muna ako ng pawis bago pumasok, walangya kasi naghilaan pa kami ni Athena papunta dito. Nagrereklamo bakit kasama pa siya, ginusto ko naman daw 'to, dapat ako lang ang nagdudusa.

Pagpasok ko nakita ko si Miss na nag-aayos ng make-up niya. Nilapitan ko 'to. "Hi, Miss."

"Oh River, sakto kailangan natin mag-usap." Tinago ni Miss ang mga gamit niya, tsaka niya ako hinarap. "Bakit hindi ka nagpasa ng drawing?"

"Yun nga miss, kailangan natin mag-"  Hindi ko natapos ang sinasabi ko ng batukan na naman ako ni Athena, "Ano ba? nakakadalawa ka na."

"Gumalang ka kasi Prof yang kausap mo." Epal talaga 'to kahit kailan, sa harap pa talaga ni Miss.

Tinawanan lang kami ni Miss. "Okay, so why?"

"Miss bigyan niyo na lang po ako ng special project, ngayon lang naman po ako hindi nakapagpasa." Sana mauto ko si Miss.

"Depende sa reason mo." Nalintikan na ano sasabihin ko? kailangan ko maka-isip ng palusot.

"Naiwan ko po sa jeep, nakatulog po ako tapos nakalimutan ko dalhin pagbaba ko." Sabi ko habang naka finger-cross sa likod ko.

"Sige sabihin ko na lang bukas magiging special project mo." Nagdidiwang ako sa narinig ko. Buti na lang agad naniwala, wala ng suyuan na nangyari.

Sa sobrang tuwa ay nayakap ko si Miss, "Thank you miss! Hulog ka ng langit!"

"Sige na, lumayas na kayo." Pabirong pagtataboy ni Miss.

Masaya na lumabas ako sa faculty, okay lang na magka-special project basta wag lang makita si gurang na nakahubad. Siraulo kasi masyadong idol si Rose. Muntik pa tuloy ma dehado yung grade ko dahil doon. 

Dumiretso agad ako sa susunod kong klase after ko maka-usap si Miss. Day off ko pala ngayon, magpe-perform kaya si gurang mamaya? Mapuntahan nga sa office niya, ku-kwento ko kung paano ko prinotektahan ang katawan niya. 

Pagkarinig ko pa lang ng tunog ng bell ay agad kong kinuha ang bag ko at tumayo, "Athena, una na ko ah!"

"Aga naman? Mag tusok-tusok muna tayo." Pag-aaya niya.

"Next time na. Sige na una na ko."

Nagdududa akong tinignan nito, "Saan ka pupunta? Wala ka naman work ngayon ah?"

Cafuné (GxG)Where stories live. Discover now