AnR 31

3.9K 169 10
                                    

Riverain

Pauwi na kami ni Kai galing sa appointment niya, sana makatulong. Siraulo talaga si gurang dapat libre ang session ni Kai pero hindi ako pumayag. Nagpupumilit pa nga si Doc dahil malalagot daw siya kay gurang. Napagkasunduan na lang namin na kalahati na lang ibabayad ko, pumayag na rin ako dahil ang mahal. Nagagalaw na nga yung ipon ko, nakakabaliw.

Nagiging okay naman si Kai, hindi tulad nung una kaya lang mas napapadalas lang na managinip siya kaya naisipan ko na rin na ipatingin. Akala ko kasi kaya ko, hindi pala. Tama si gurang na need ng help ng kapatid ko.

Nang makarating na kami sa bahay nila Athena ay dumiretso kami sa kuwarto. "Pahinga ka muna, aalis lang si ate ah?" Halata sa mukha niya ang takot na maiwan, "wag ka mag-alala safe ka dito, nasa labas sila ate Athena." buti nga nitong mga nakaraang araw napapanatag na siya kay Athena kaya nakakapasok na rin ako sa trabaho. "Babalik din ako agad." Ngumiti ako sa kanya para iparamdam na safe siya. Dahan-dahan niya binitawan ang t-shirt ko at tumango.

Nang makasiguro na okay na siya, lumabas na ako ng kuwarto. "Hoy, aalis lang ako." Paalam ko kay Athena na nakadapa sa sofa.

"Pake ko? Wag ka na bumalik." Pinulot ko yung unan na malapit sa'kin at binato sa kanya sabay takbo palabas. "Humanda ka talaga sa'kin mamaya!" Rinig kong sigaw niya.

Pasipol sipol akong nag-abang ng jeep, excited na ako makita si gurang. Minsan pag naiisip ko yung sinabi ko kay gurang parang gusto ko na lang ilibing sarili ko. Ang tanga ko talaga.

Tangina wag sana ako mahawa sa katabi ko na amoy putok, nakakahiya kay gurang. Hindi ba niya naaamoy sarili niya? Walangya ang tapang. Nagmamadali na bumaba ako sa jeep nang huminto 'to. Habang naglalakad papunta sa shop ni gurang inaamoy ko ang sarili baka kumapit yung amoy, mahirap na.

"Hi, Sasha." Bati ko nang makapasok ako.

"Nasa loob si Miss Agatha." Nakangiti na tumango ako dito.

Nang matapat ako sa room niya, kumatok muna ako bago pumasok. "Hi gurang." Umangat ang tingin niya. Ang hot niya pag naka suot siya ng salamin, iba ang dating.

"Do you need something?" Tanong niya sabay balik ang focus sa monitor. Mukhang wrong timing punta ko, busy ata.

"Nadala ko na pala si Kai sa kaibigan mo." Lumapit ako sa table niya at pinanood siya mag-type. "Saglit lang yung session niya kanina para hindi daw mabigla."

"That's good." Pinilig ko ang ulo nang marealized ko na masyado na napatagal ang pagkakatitig ko sa kaniya. "How's Kai?"

"Okay naman siya, medyo natakot lang kanina nung nilabas ko." Napahawak ako sa batok ko at sa iba tumingin. Ako lang ba o inaakit ako ni gurang? The way siya sumandal sa chair niya habang inaayos yung salamin na suot. Tapos yung tinginan niya iba o namiss ko lang siya? "Pahirapan."

"How about you? Getting any sleep at all?" Pinanood ko siyang inaayos ang salamin niya pagkatapos ay itinuon niya ulit ang paningin sa monitor.

"Minsan nakakatulog naman ng maayos." Tumango lang ito at hindi na sumagot pa. "Alam mo ba si Dra. October ang weird." Napaayos ako ng tayo ng bigla siyang tumingin sa'kin na nakataas ang isang kilay.

"So what are you trying to say?" Napalunok ako ng wala sa oras dahil sa tono niya.

"In a good way naman." Mabilis na sabi ko, "interesting lang personality niya ganon." Pagpapaliwanag ko. Paano ba naman yung ma i-intimidate ka na tapos biglang magiging creepy dahil sa ngitian niya, parang baliw.

"Oh, you find her interesting, don't you?"

"Huh? Wala akong sinabi ah." Naiiling na nag-type na lang ulit 'to.

Cafuné (GxG)Where stories live. Discover now