AnR 7

5K 229 24
                                    

Riverain

"Ano inom pa?" Tanong ni Athena.

Nandito kami sa karinderya ni Aling Buneng at inaasar ako nitong kasama ko dahil sa kahihiyan na ginawa ko kagabi. Kung hindi pa ako pinuntahan kanina ni Athena sa dorm hindi pa dapat ako makakapasok sa school ngayon. Sobrang sakit ng ulo ko dahil sa dami ng nainom ko. Hinding-hindi na ako iinom.

"Ginawa ko talaga yun?" Tumango siya at tinawanan ako ng malakas.

"Grabe ako na nahihiya para sayo."

Kinuwento ni Athena kung paano ko kantahan si gurang bago ako makatulog, isa rin sa dahilan kaya napilitan na ihatid kami ni gurang sa dorm. Habang nasa byahe daw kami bigla na lang ako nagising at tanungin si gurang bilang model ko. Hindi rin ako tumigil sa kakasabi na perfect si gurang para i-drawing dahil isa siyang masterpiece.

"Gurang pumayag ka na, isa kang masterpiece kaya dapat lang ang kagaya mo ay ginuguhit ng magaling na artist na tulad ko." Pang-aasar ni Athena.

"Walangya, sure ka na ako talaga nagsabi n'yan?" Kadiri, tinatakwil ko na sarili ko. "ginu-goodtime mo 'ko no?"

"Tanga! kung gusto mo ikaw pa magtanong sa kaniya."

For sure sinusumpa na ako ni gurang, asar na asar na nga yun sa prisensya ko dinagdagan ko pa. Ilang araw na nga rin na hindi yun nagpe-perform sa gabi kaya yung tips na natatanggap ko hindi gano'n kalaki.

"Wala naman na siguro akong ginawang ibang kahihiyan?" Tinignan ko si Athena, hinihintay ang isasagot niya. Sana wala ang sabihin niya.

"Well, binantaan mo lang naman siya na susukaan mo ang sasakyan niya pag hindi siya pumayag."

"Ano pumayag ba siya?"

"Syempre," huminto siya para bitinin ako, tangna naman oh sakit na nga ng ulo tapos ang tino pa ng kausap ko. "Syempre."

"Potah, pakain ko 'yang kutsara sayo." Inis na sagot ko na tinawanan naman ng isa.

"Syempre hindi abnoy ka ba?" Medyo umasa ako na papayag siya, "Ang ginawa lang naman niya e pumreno siya ng biglaan at tumama yang ulo mo sa sandalan kaya dalawa 'yang bukol mo." Kaya pala paggising ko may bukol ako.

"Yung isa saan ko nakuha?" Umiwas siya ng tingin at pinagpatuloy ang pagkain niya. "Hoy!" binato ko siya ng tissue, "Ikaw may gawa nito 'no?" hindi niya ako pinapansin. "Isa Athena sasagot ka o hahampas ko 'tong table sayo."

"Hindi ko sinasadya okay, nakakahiya ka kasi kung ano-ano ginagawa mo sa harap ni Agatha!" Pagpapaliwanag niya, "kaya ayun binatukan kita, hindi ko naman alam na gusto mo magpasalo sa lapag." kibit-balikat niyang sagot.

"Malas na nga buhay malas pa sa kaibigan."

"Kapal mo tara na nga at male-late pa tayo."

"Salamat po, Aling Buneng."

Tamad na tamad ako maglakad ang sakit ng ulo ko. Hindi ko ata kaya pumasok mamaya, natambakan din kasi kami ng projects. Isa pa 'yang model na 'yan next month na wala pa ako nahahanap. Bahala na kahit sino na lang mahila ko.

Maghapon ko nilalabanan ang antok ko sa klase, minsan magigising na lang ako na pabagsak na ulo ko o kaya naman gigisingin ako ni Athena. Last subject na namin dapat pero wala ang prof kaya maaga kami pinalabas.

Cafuné (GxG)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें