AnR 30

3.9K 182 43
                                    

River

Bagsak balikat akong pumasok sa school. Ilang araw na ako pabalik-balik sa school at penthouse ni gurang pero hindi pa 'to bumabalik. Sabi ni Sasha nasa Singapore daw kasama si Kate, hindi alam kailan ang balik.

"Oh bakit ganyan ka?" Tanong ni Athena nang makaupo ako sa tabi niya.

"Wala."

Sa totoo lang nahihirapan na ako sa setup ko. Pagbreak ko sa school dumidiretso ako sa bahay nila Athena para i-check si Kai. Minsan hindi pa ako nakakapasok dahil inaatake si Kai. Nai-stress na ako, 'di ko na alam uunahin ko. Tapos nagdagdag pa ako ng problema. Bakit naman kasi napakabobo ko? Ano na pala ko? Nando'n si gurang sa Singapore kasama si Kate. Alam ko naman na kasalanan ko, hindi ko itatanggi. Sana bigyan pa ako ng chance na maayos. Nakakainis! Bakit pinairal ko pagiging immature ko.

"Huy nababaliw ka na ba? Itigil mo nga yang kaka-untog ng ulo mo sa table at baka ano pa magawa mo sa susunod."

"Oo na oo na kasalanan ko na nga puro ka patama." Ang walangya tinawanan lang ako.

"Magkaka-ayos din kayo, tiwala lang." Tinapik niya ang balikat ko, "kung aayos ka." Sabay tawa ng malakas.

"Sa tingin mo kakausapin pa niya ako?" Tanong ko at sumubsob sa table.

"Yes, marupok si gurang mo." Naiiling na sabi niya. "Mahinang nilalang."

Buong klase lumilipad ang isip ko, wala ako naintindihan sa lesson. Kung hindi si Kai ang maiisip ko si gurang naman hanggang sa matapos ang klase. Hindi na muna ako sumama kila Athena at inasikaso ko muna ang kapatid ko bago pumunta sa penthouse ni gurang.

Habang naglilinis sa kusina nakarinig ako ng ingay sa may pinto. Bigla na lang akong kinabahan nang makarinig ako ng tunog ng heels. Ano gagawin ko? Natataranta na pinantakip ang mop na hawak ko sa mukha ko. Dumoble ang kaba ko nang tumingin siya sa gawi ko.

Napalunok ako bago magsalita. "Hi?" Ngumiti siya ng tipid at diretsong pumunta sa kwarto niya. Napanguso ako nang hindi niya ako pinansin. Bagsak ang balikat na pinagpatuloy ko ang pagma-mop. Hinihintay ko siyang lumabas sa room niya ngunit ilang oras na pero wala pa rin. Nag-aalangan man ay nagpunta parin ako sa tapat ng pinto niya, iniisip kung kakatukin ko ba o aalis na lang. Bahala na kung maririnig niya o hindi.

"Gurang, sorry." Sincere na sabi ko, "alam ko na ang jerk ko nitong mga nakaraang araw, lalo na sayo. Sorry nadamay ka sa galit ko sa mga tulad ni nanay." Siguro eto na yung time para makilala ako ni gurang, bahala na kung mag-iba ang tingin niya. Umupo ako sa tapat ng pintuan at huminga ng malalim para ipagpatuloy ang sinasabi. "Target kami ng mga bully no'n sa school. Nagsimula nung grade 3 ako."

"Uy alam mo ba yung pokpok?" Napatingin ako sa katabi ko, gumagawa kami ng paper boat ng mga kaklase ko.

"Pokpok?" Napakunot ako ng noo, "hindi eh, ikaw ba?" Inabot ko sa kanya nang matapos ko yung akin at kinuha yung ginagawa niya.

"Narinig ko lang kahapon sila nanay na pokpok daw nanay mo." Dahil marami nakarinig ang iba ay inulit-ulit yung salitang 'pokpok'. Napalingon kami sa teacher namin nang sinabi na bad daw yung word na 'yon kaya wag na uulitin.

"Kinabukasan no'n, lahat sila sinasabi sa'kin na pokpok ang nanay ko. Nung una hinahayaan ko lang dahil hindi ko naman alam yung meaning, pero nung nalaman ko na do'n na ako natuto makipag-away." Naiinis pa rin ako sa nanay ko dahil wala siyang ginawa no'n. "Akala ko pag nag high school na ako hihinto na, 'yon pala mas lumala."

"River, kaya ba mataas grades mo dahil sa mama mo?" Tanong ng classmate kong lalaki. Tahimik akong gumagawa ng homework para bukas nang pina-ikutan nila akong magbabarkada. Hindi ko sila pinapansin at patuloy pa rin ako sa pagsusulat.

Cafuné (GxG)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin