Chapter 85

116 8 0
                                    

Troy's POV

Habang nagmamaneho ako ng sasakyan, hindi ko maiwasang mapa-ngiti. Pakiramdam ko, lumulundag ng pa ulit-ulit ang puso ko sa saya.

Ngayon palang, ini-imagine kona ang sarili ko sa pagiging tatay ko kay Hunter. Makasama sya hanggang pag-laki nya. Makapiling sya habang tumatanda ako at malagutan ng hininga.

Sa ngayon, hindi ko pa gaano kilala si Hunter. Noong huling kita ko palang sa kanya, nung mag ka-klase sila ni Namra habang kinakaon ko sya sa school.

Kaya pala noong una ko palang nakita ang bata. Sa mata palang parang ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya. Gusto ko syang lapitan at hawakan noon, pero hindi ko magawa dahil iniisip ko non, anak sya ni sabrina at marco.

Napakalaking pagkakamali ko na iniwasan ko ang bata. Dinamay ko sya sa galit ko kay Sab at marco. Ngayon labis akong nagsisisi. Sobrang nakakapag-sisi.

Pinarking ko ang aking sasakyan sa tabi lang bahay ko. Pandalas akong pumasok sa loob. Gustong-gusto konang ibalita kay mommy at pati narin kay daddy ang tungkol sa pag-urong ng kaso ni Sabrina.

"Anak Troy!" Gulat na bati ni mom dahil sa bigla kong pag-yakap sa kanila ni daddy.

"Hijo what's tha problem?" Tanong ni dad.

Ngumiti ako. "Dad, Mom. Makakasama kona ang anak ko"

"What are you talking about?" Ngunot noong tanong ni dad.

"Anong ibig mong sabihin nak?" Ganon din si Mom.

"Nagkita kami ni Sabrina kanina lang"

"Then? What?" Tanong pa ni daddy. Halata sa kanila na sabik nilang malaman ang sasabihin ko.

"......inurong nya ang kaso. Hindi na nya itutuloy pa Mom, dad" masayang sabi ko at niyakap ko ulit si Mom.

"Oh jesus christ." Sabay tinapik ni dad ang braso ko. "I'm very happy, to you son. Pati narin sa magiging apo ko"

Mahigpit na niyakap ako ni Mom. "Masaya ako para sayo anak"

"Maraming salamat po sa inyo, lalong-lalo na po sa inyo dad."

"Hindi mo kailangan mag pasalamat hijo. Kami ang dapat magpasalamat sayo. Madami kanang nagawa para samin ng Mom mo, pati narin sa mga bussiness na na itanayo ko."

Ngumiti sya. ".....pati narin sa pagbibigay ng tunay na apo sa amin ng Mom mo."

"Dad." Nakatawa kong tawag ko sa kanya.



MAAGA na akong gumising para pumasok sa trabaho. Balak kong ipaalam kay'na Gavin, sa kanilang lahat ang nangyari kahapon.

Hindi narin ako makapag-antay pa ng matagal na makita kona ang anak ko. Kaso, nasa probinsya pa si Hunter. Naka-usap ko ulit si Sabrina. Sabi nya, ngayon palang nya kinakaon si Hunter sa Batangas. Pinatili nya ang bata ng ilang linggo don, kasama ang lola nya at tito nate nya.

Sinabi rin nya sakin, hahanap padaw sya ng tsempo para sabihin kay Hunter ang totoo. At ngayon kinakabahan ako kung ano ang magiging reaksyon ng bata kapag nalaman nya ang totoo.

Magiging masaya kaya sya kapag nalaman nya ako ang Daddy nya at hindi si Marco?

Matatang-gap kaya nya ang totoo?

Matutuwa kaya sya O magagalit sakin?

Halos madaming tanong sa utak ko na hindi ko masagot. Ang sabi naman sakin ni Sabrina. Huwag daw akong mag-alala pa dahil mabait at maunawain daw na bata ang anak ko.

Hindi korin masasabi at mapapabiwalaan yon. Ibang usapan kasi to, alam kong bata pa si Hunter para sa ganitong sitwasyon kaya wala pa syang idea sa ganting bagay.

Fall In Love With Her SecretaryWhere stories live. Discover now