Chapter 58

95 6 0
                                    


Gavin's POV

Kakatapos lang meeting namin at nagpaalam na ang tatlong ugok may pupuntahan daw sila. Mga mang-iiwan!

Naglalakad ako patungo sa parking lot ng naramdaman kong nag-vibrate ang aking telepono sa bulsa ko.

Hinugot ko ito don para tingnan kung sino ang nag-text.

Nangunot ang noo ko ng makita ang pangalan ni Sabrina.

Sabrina:

Gavin pwede mo ba akong puntahan ngayon sa ibibigay kong adress. Kelangan kolang ng tulong mo, please wag mong sasabihin kay Troy. You promised na ikaw lang ang pupunta.

Blangko ang utak ko ngayon. Hindi ko alam kung anong dahilan nya kung bakit sya nag text ng ganoon sa akin.

May kakaiba akong nararamdaman, hindi kaya nasa panganib sya O may problema sya.

Dali-dali akong pumunta ng sasakyan at pinaandar ito. Tiningnan ko ulit ang ipinadalang nyang adress sakin.

"Condo?"

Kelan pa sya nagka condo? Anong bang nangyayari? Bakit hindi sya kay Troy nag text o tumawag bakit sakin pa?

Hindi kaya nag-away sila? Ini-iling iling ko ang aking ulo dahil sa blangkong utak ko. Sumagi din sa isip ko na ipaalam to kay troy o kahit itext manlang sya. Pero hindi ko magawa na parang may pumipigil sa akin.

Kanina nag-paalam si Troy papunta daw sya sa bahay ni sabrina. Pero kung magkasama sila ngayon, hindi nag matetext ng ganon sakin si Sabrina.

Ipinarada kona ang aking sasakyan sa tabi lang. Bumaba ako at pumasok  sa loob. Sabi nya nasa 4rth floor daw sya at naghihitay sa akin. Kaya sumakay agad ako ng elevetor.

Pagkalabas ko naglakad na ako patungo sa condo na sinasabi nya. Pakiramdam ko may mali eh, pero susubukan kong puntahan si Sabrina para makasigurado akong maayos sya at ligtas.

Binuksan ko ang pinto ng condo, nangunot ang noo ko. Walang katao-tao sa sala.

"Sabrina, where are you?"

Nangunot ang noo ko, walang sumasagot. Napansin kong bukas ang pinto ng isang kwarto, hindi ako nagdalawang isip na pumasok don.

"J-jesus christ!.....S-sabrina!"

Halos mapasigaw ako ng tawag sa kanya. Bumungad sakin ang tulog o walang malay na sabrina at wala manlang s'yang saplot na pang-itaas.

Nilapitan ko sya at hinawakan sa braso. Pilit ko syang ginigising pero wala syang malay. Sobrang nag-aalala ako sa kanya.

"S-sinong gumawa sa iyo nito?" Mangiyak-ngiyak kong tanong.

Humanda yung tarantadong lalaking gumawa sa iyo nito! Magbabayad sya.

May naramdaman akong sa kaluskos sa likuran ko. Ibinaling ko ang aking ulo para tingnan ito, pero hindi kona naituloy.

Naramdaman konalang ang malakas lagapak sa batok ko. Pakiramdam ko nanuyot ang lalamunan ko at hindi ako makapagsalita sa sakit. Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko dahil sa manhid.

"Ahh..."

Nanlalabo ang paningin ko sa sobrang sakit. Na-aninaw konalang ang isang lalaki na nakatayo sa harapan ko, tsaka ako nawalan ng malay.

                       ********

Troy's POV

"Troy hijo may problema kaba? Hindi ka mapakali dyan sa tayo mo eh?" Tanong ni Tita elise.

"Wala po tita, hinihintay kolang po si Sabrina" sabi ko.

Hinawakan nya ang braso "Wag kang mag-alala hijo, paparating na iyon"

Fall In Love With Her SecretaryWhere stories live. Discover now