Chapter 2

457 22 3
                                    


friends?


Pag-pasok na pag pasok ko ng Office bumungad sa akin yung isang bodyguard ng Hotel.

"Good moring po Mam Sabrina pinapatawag po kayo ni Mam katherine" sabi ni kuya guard.

Biglang tumaas nalang balahibo ko katawan dahil sa kaba. Grabe ba't ganon nalang ba yung nararamdaman ko sa tuwing pinapatawag ako ni Mam katherine.

Nagsimula na ang trabaho ko dito sa Manila at bilang isang Manager medjo mahirap din yung trabaho dito kesa sa tagaytay, dahil yung ginagawa kolang sa tagaytay, nagte-trained lang ako sa mga bagong tauhan at mga empleyado na babago palang dahil sa mga nakasanayan kong trabaho ay itinuturo ko sa kanila at nagagawa naman nilang mabuti, pero ganon den naman yung mga trabaho ko dito nadag-dagan lang dahil siguro nga sa laki ng Hotel nato. At ang sosyal pa ha... meron kaming sari-sariling office di katulad nung sa tagaytay ay sama-sama ang mga managers.

Habang naglalakad kami papuntang office ni Mam ay may ilan ding nabati saking mga tauhan dito dahil kilala nila ako at yung iba yung mga tine-trained ko.

"Ahmm..kuya guard bakit daw ako pinapatawag ni Mam katherine, alam nyo po ba? Hehehehe"sabi ko habang nahihiya.

"Diko po alam Mam Sabrina eh" sabi ni kuya guard habang nakapapakamot sa ulo nya na nahihiya.

"Ano ba kayo kuya guard wag nyo na nga ho akong tawaging Mam! Sabrina nalang po" sabi ko kay kuya guard.

"Hayaan nyo na ako Mam don na po ako nasanay eh at tsaka bawal po kami tumawag ng pangalan lang sa mga Managers dito eh" sabi kuya guard.

"Ahh ganon po ba hehehe sige po" sabi ko.

"Alam nyo Mam, sa mga nakikilala at nakakausap kong Managers dito kayo lang po yung mabait na nakikipag-usap sa amin" sabi ni kuya guard.

"Nakss kuya guard ha! Pero salamat din po sa pagsabi sakin na mabait ako" sabi ko ng nakangiti.

"Dalian na natin Mam baka po inaantay na po kayo ni madam" sabi sakin ni kuya guard.

Habang papalapit na kami sa office ni Mam ay bigla na naman akong kinabahan.

At bubuksan kona yung pinto ng office ni mam ay nakita ko syang nakatayo at nakatalikod habang my kausap sya sa cellphone nya. Pinatapos ko muna syang makipag usap bago ako nagsalita.

"Hi Mam kathrine good morning po" bati ko sa kanya.

"Oh ija andito kana pala" sabi nya.

"Opo Mam, ahmm... pinapatawag nyo raw po ako" sabi ko.

"Ahh.. Oo ija may ilang sana akong ihahabilin sayo bago ako umalis ulit" sabi ni Mam kathrine.

Tuloy na tuloy na talaga ang pag-alis ni Mam katherine, sobrang mamimiss ko sya at mamimiss ko ang pagiging mabait nya sa kin.

"Ah ganon po ba, ano po iyon?" Tanong ko.

"Gusto ko sana hija na pag naka-alis nako ay ikaw parin yung mag-aasikaso ng office ko at yung mga tauhan mo yung maglilinis nitong office ko" pakiusap sa kin ni Mam

"Sige po Mam, ako na po bahala!" sabi ko habang nakangiti abot hanggang tenga.

"Ahmm.. si Sir troy po ba yung gagamit nitong office nyo?" Kinakabahan kong tanong.

"Oo hija... kaya nga ikaw yung gusto kong mag asikaso ng office ko eh dahil ayaw na ayaw ng anak ko ng makalat at gusto nya lahat ng gamit maayos lahat, maikli lang kasi pasensya noon at medjo mainitin yung ulo" nagihiyang sabi ni Mam katherine.

Lalo na kong kinabahan sa huling sinabi nya, minitin yung ulo ni Sir troy. Sana lang talaga maging maayos ang trabho ko dito ayokong masigawan at mapagalitan.

Fall In Love With Her SecretaryWhere stories live. Discover now