Chapter 14

217 15 0
                                    


Master troy

Nagising ako dahil sa sinag ng araw at tamang-tama ito sa muka ko.

"Pushaaa!"

"Nasan ako!"

Sigaw ko at pinasadahan ko ang buong kwarto. Hindi ko alam kung nasaan ako. At hindi din pamilyar ang bahay na ito sa akin. Tiningnan ko ang bawat gamit at itsura ng loob. Parang ang pagkakatingin ko ay Lalaki yung may-ari ng kwarto. Kulay grey, black, at puti ang kulay ng bawat pader pati narin yung kisame at mga gamit nya sa kwarto.

Tumayo ako sa pagkakahiga.

"Shettttt! Pantulog yung soot soot ko, naka dress ako kagabi ah!" Sabi.

Hindi kaya nirape ako huhuhu.. wag nman po sana. Madami pa po akong pangarap sa buhay.

Ayy hehehe hindi pala ang OA ko nman ata masyado hehe..

Huhuhuhuhu.. nasaan ba talaga ako?

"Gising na po pala kayo Mam" sabi ng isang yaya na my edad na at may kasama syang tatlong babae na yaya rin ata, medyo bata yung kasama. Napasigaw ako dahil bigla nlang nya binuksan ang pintuan.

"Ay kalabaw!" Ano ba sabrina kakahiya ka! "Hehehe, sorry po"

"Ok lang Mam" sabi ng matandang yaya, tingin ko palang kay nanay yaya
Mabait at napakama-alaga.

"Sobrang ganda nya, tita carmen" bulong ng mga babaeng nasa likod ng nanay yaya at wari ko ay katulong din sila.

"Ano ba kayo wag kyong maingay!" Sabi ng nanay yaya. Nginitian kolang sila dahil sobrang nakakatuwa sila tingnan.

"Ahmmm.. Nasan po ba ako?" Tanong ko.

"Ang totoo po nyan Mam, nasa kwarto ka ng aming master, at inuwi ka nya dito dahil sobrang lasing na lasing ka kagabi, at Mam wag po kayong mabahala sa soot nyo dahil ako po ang nagpalit sa inyo nyan" paliwanag ng nay yaya.

Nakahinga ako ng malalim doon ah. Buti nlang talaga at si nay yaya yung nagpalit. Ahmm teka sino nga palang yung Master?

"Ahmm.. thankyou po ah, eh sino nga po pala yung Master na sinasabi nyo?" Tanong ko.

"Master Troy po" sagot ni nay yaya.

Master troy?!! Ibig sabihin si Sir troy!

"Pooo!!!!!" Sigaw ko.

"Bakit po may problema po ba?" Tanong ni nay yaya.

"W-wala po hehe" sabi ko.

Ano! Si Sir troy ang nagdala sa akin dito sa bahay nya. Ano ba sabrinang kakahiyan na nman yang nagawa mo! Sobrang nakakahiya kasi Sir troy. Baka mamaya nasukahan ko sya at baka may nagawa ako sa kanya, isa pa baka may nasabi ako sa kanyang hindi nya nagustuhan! Huhuhuhu.. kakahiya!

"Ah..eh.. nasan po ba ngayon si Sir troy?" Tanong ko.

"Umuna na sya sa Vergara's building at may pupuntahan pa daw po sila" sagot ni nay yaya.

Pupuntahan! Saan?

Patayy hala! Tiningnan ko ang relo ko at saktong ala-sais na ng umaga. Patay na talaga! May pupuntahan nga pala kami ni Sir troy. Dali dali akong lumabas ng kwarto at para humabol kay sir troy.

"Mam! San po kayo pupunta?" Tanong ni nay yaya.

"Ah eh kasi po Nay yaya! Dapat kasama po ako sa boracay ngayon kaya hahabol po ako" madali kung sabi.

"Mam! Sandali! Sabi ni Master mamaya pa po ang alis nila papuntang boracay" paliwanag ni nay yaya.

"Po? Bakit daw po?" Tanong ko.

Fall In Love With Her SecretaryWhere stories live. Discover now