Chapter 8

226 16 3
                                    

Sabrina

Andito ako ngayon sa aking office at kanina pang nakatulala.

Hanggang ngayon di ko parin makalimutan ang mga nangyari o nakita ko kagabi sa office ni Sir troy. Hindi rin ako nakatulog ng maayos kagabi at hindi rin ako makapag concentrate sa trabaho.

Bakit kasi di maalis sa utak ko yoon eh! Sa dinami-dami ng pede nilang puntahang hotel para gawin yun, at dito pa talaga sila naubutan sa office nya!

"Ang kalabaw na puti!!" Sigaw ko habang napahawak sa aking dibdib dahil sa gitla.

"Ayos kalang ba Sabrina, parang kanina kapang tulala dyan eh" sabi ni Gavin na ikinagulat ko dahil andito sya sa office ko.

"G-Gavin bakit ka N-nandito?" Sabi ko habang nauutal.

Umayos ka Sabrina! Wag mo ipahalata sa kanya...

"Bakit hindi ba pedeng pumasok sa office mo?" Sabi nya at bigla nyang nilapit ang muka nya sa muka ko na ikina kaba ko.

Iniwas ko ang muka ko sa kanya dahil baka aksidenteng mailapit nya ang labi nya sa labi ko. Hindi ko alam kung bakit Naiilang ako at nahihiya ako sa kanila eh lagi ko naman silang nakakasama.

"P-pwede naman" sabi ko at naglakad na ako patungo ng aking mesa at si Gavin naman ay tuloy ang sunod sa akin.

Weird naman ng lalaking to!

"Wala bang meeting si Troy ngayon?" Tanong ni Gavin at umupo sya sa upuan sa harap ng mesa ko.

"Wala naman syang Sched ngayon" sabi ko.

"Pede bang magtanong?" Sabi ni Gavin at napakaseryoso ng muka nya, feeling ko ikakakaba ko ang itatanong nya sa akin.

"Ano yon Gavin?" Sagot ko.

"Hindi kaba nahihirapan sa mga pina-pa trabaho sayo ni Troy?" Sagot nya na parang may pagka-konsensya sya sa muka nya.

"H-hindi naman" atat kung sabi.

"Sabihin mo totoo Sabrina" pangungulit na sabi ni Gavin na bigla nyang hinawakan ang kamay ko.

Kinabahan ako at parang may kung anong koryenteng dumaloy sa katawan ko nung hinawakan nya ang kamay ko.

"Ok lang Gavin promise!" Sabi ko at sabay taas ng dalawa kung kamay.

At bigla nyang ginulo ang aking buhok at sabay pisil ng aking pisngi.

"Arayyyy! Gavin b-bitawan munga ako" sabi ko habang inaalis ko ang kamay nya sa pisngi ko.

"Basta sabrina, sabihin mo sakin pag may ginawang hindi maganda si Troy ha!" Sabi nya habang ginugulo-gulo nya na nmn yung buhok ko.

"Oo na! Oona!" Paulit kung sabi.

"Sige una nako my meeting pa kami eh" sabi nya at naglakad na sya pa-palabas ng office ko.

Sinundan ko sya hanggang labas ng office ko at nag ba-bye sya sakin na parang bata.

Ewan koba din sa lalaking yun! Diko minsan maintindihan ang mood non eh, minsan tahimik, minsan bad mood, at minsan nman napaka friendly halos maubos na nga oras ko sa pag ta-trabho dahil sa pag ke-kwentuhan nmin minsan eh.

Diko nga din maintindihan sarili ko eh, parang may kakaiba akong nararamdaman pag kasama ko sya parang masaya ako at feeling ko safe ako pag magkasama kami.

"Hayss Sabrina wag kang ilusyunada!" Pabulong kung sabi.

Tiningnan ko ang relo ko at saktong 10 palang ng umaga. Kanina pa akong madaling araw dito pero konte plang yung naa-ayos kung requirements. Patay na talaga ako neto sa troy nayun! Kelangan na kelangan pa nman nya to bago mag tanghali.

Fall In Love With Her SecretaryWhere stories live. Discover now