Chapter 33

127 9 0
                                    

Sabrina's POV




"Ok kalang?" Tanong ni shantel

Tumango ako at bumalik ulit sa pagkatulala.

"Ay weh? Bakit parang problemadong problemado ka?" Tanong naman ni ayumi.

Ganan silang dalawa, porket tulala ako may problema agad, hindi pa pwede inaantok lang!?

"Wala nga!" Sabi ko.

"Gutom ka no!?" Tanong ulit ni shantel.

"Ha!? Gutom eh halos inubos na nga nyan kanina yung sandwhich at fries na ipinabaon sakin ni yaya eh" sabi naman ni ayumi.

Tiningnan ko sila ng masama.

"Bakit nga kasi!?" Pangungulit ni shantel.

"Sige na alis nako!" Paalam ko at tumayo tsaka lumabas.

Kita ako ang pagtataka ng muka nilang dalawa. Hindi ko sinasabi sa kanila yung gumugulo sa isip ko.

Nakarating na ako sa office ko tsaka nagmukmok ulit sa mesa. Walang ata akong balak magtrabaho, wala akong ka gana-ganang gumawa.

"Ahhhhh!! Ano bang nangyayari sakin!?" Sigaw ko.

Konti nalang magmumuka nakong baliw dito sa office ko at buti nalang walang nakakarinig o nakakakita.

Dalawa ang gumugulo sa isip ko. Si sir troy at si theo.

Yung una kay sir troy, hindi nya ako pinapansin na parang galit na galit lagi sya sa tuwing nagkakasalubong yung mata namin.

Kay theo naman, umamin ulit sya na mahal daw nya ako? Tsaka naman sya nag-paalam na pupunta raw sya sa Canada at hindi nya alam kung magkikita ulit daw kami.

Napapamasahi nalang talaga ako sa sintido ng ulo ko eh.

Biglang may kumatok sa pinto tsaka nya binuksan "Ms. Sabrina pinapatawag po kayo ni sir troy" sabi ng isang head manager.

Tumango ako tsaka sya nginitian. Siguro nagtaka sya kung bakit gulo yung buhok ko haha! Para kaya akong baliw sa itsura ko.

Lumabas ako tsaka naglakad patungo sa office nya. Ng nakarating ako ay agad akong kumatok sa pinto.

"Pasok" bossy nyang sabi.

Nagsisimula na namang manindig ang balahibo sa aking katawan.

"Sir pinatawag nyo raw ako?" Sabi ko.

Tiningnan nya ako at kita kong napaka seryoso nyang muka. Lumapit ako sa kanya tsaka inabot sakin yung kulay brown envelop.

"Ano sir gagawin ko dito?" Tanong ko tsaka kinuha sa kanya ang envelop.

"Itapon mo" sabi naman nya.

Angas talaga nito at napakayabang! Bumalik na naman yung masama nyang pag-uugali.

"P-pero si--" putol kong sabi.

"Dalhin mo kay Ms. Perez yan, ngayon na!" Sabi nya.

Tsss...napaka bossy nakakainis!

Tiningnan ko sya tsaka ako tumalikod at lumabas.

"Kairita! Dapat hindi nalang ako pumayag na maging secretary nya ulit! Nasa huli talaga ang pagsisisi huhu" sabi ko saking sarili habang naglalakad.

Ng nakalabas ako sa building at dumeretso ako ng parking lot tsaka pinaadar ang aking sasakyan.

Hindi naman kalayuan yung bahay ni Ms. Perez kaya inabot konalang sa Guard yung envelop nakiusap akong sya nalang yung magbigay kay Ms. Perez.

Fall In Love With Her Secretaryजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें