Chapter 24

158 11 0
                                    

Troy's POV


"Kahit pahirapan at patayin nyoko, wala kayong makukuhang sagot sakin" sigaw ng lalaking nakagapos at punuan ng dugo sa buong muka at katawan nya.

"Dude kahit patayin yan, wala talaga tayong makukuhang sagot" sabi ni liam

Matigas ang isang toh! Hindi sya takot mamatay para lang pangalagaan ang lihim ng tarantado nyang boss.

"Kung wala sagot na makukuha dyan" kinuha ko ang baril na nakasipit sa aking tagiliran "edi patayin nalang natin" sabi ko at tinutok sa nakagapos.

"Dude chill lang! Wag ganan." pang-awat ni drake.

"Wala naman tayong mapapala sa hayop na lalaking iyan eh" sigaw ko.

Halos uminit ang buo kung katawan sa galit. Gusto kung patayin at pahirapan ang nasa harap naming nakagapos. Kanina pa namin syang pinapa-amin na kung sino ang tumatayong leader nila. Pero ni isang letra wala syang ibinibigay.

"Dude troy, wag mong hayaang madumihan ang kamay mo" seryosong sabi ni Gavin.

"Hindi magugustuhan ni Sabrina ang gagawin mo" sabi ni Gavin.

Napatulala na parang nakonsensya ako sa sinabi nya. Kahit hindi ko pa napapatay ang nagtangka sa buhay ni sabrina ay biglang sumagi sa isip ko ang inosenteng muka ni nya. Ang magandang muka ni Sabrina.

"Huling tanong nato! Sino ang boss mo?" Matigas na sabi ni Gavin.

"Wala! Wala! Wala! Mga bobo ba kayo, hindi nyo ba naiintindihan ang salitang WALA" mayabang na sabi ng nakagapos.

Agad na sinugod ni Gavin ang lalaki at binigyan ng malakas na suntok "Ikaw ang bobo! Tanginamo mo pala eh, ma's inuuna mo pa ang lihim ng tanginang boss mo sa sarili mong buhay" galit at sigaw ang natamo ng lalaki kay Gavin.

"Sinabi ko na naman sa inyo di 'ba, na walang mangyayari kahit patayin nyo pa ako" sabi ng lalaki.

"Diba sabi mo hindi ka takot mamatay?" Seryosong tanong ko sa lalaki.

"Hinde!" Seryosong sagot ng lalaki.

"Bakit ka nagtangkang tumakas?" Tanong ko.

"Tumakas ako dahil gusto ko" pilosopong sabi ng lalaki habang tawa ng tawa.

Tss..ganto ba ang ang klase ng tauhan ng BSG mga baliw at mayayabang. Siguro walang silang pinagkaiba sa boss nila.

"Kung pera lang habol mo sa boss mo, handa akong magbigay ng malaking halaga, sabihin molang kung sino at anong plano nyo kay Sabrina" seryoso kung sabi.

"Pera. Pera mo! Tss.. hahaha! Wala akong pakealam sa pera nyo" sabi ng lalaki.

"Tanginamo gago ka pala eh!" Sabi ni Drake at binigyan sya ng malakas na suntok.

"Sinasabi ko naman sa inyo diba! Wala kayong mapapala sa akin" sabi ng lalaki.

Hanga na talaga ako sa kanya. Bugbog sarado na sya at halos duguan na muka nya, pero wala pa syang inaamin.

"B-bakit ako ang binabantayan nyo, bakit hindi yung pinakamagandang dilag na pinakamamahal nyo" natatawang sabi ng lalaki.

Si Sabrina ba ang tinutukoy nya? Bakit? Hindi kaya? Lumapit ako sa kanya at kiniwelyuhan. Halos nung hinawakan ko ang polo nya ay kumapit ang malagkit na dugo at basang pawis sa kamay ko.

"Wag na wag nyong idadamay si Sabrina dito, dahil ako mismo ang papatay at uubos sa grupo nyo" sabi ko.

"Hahaha! Wala na! Huli na kayo! Ubos na oras nyo ng dahil sa akin." tawa nyang sabi.

Huli? Ubos ang oras? Bakit? May naramdaman akong kakaiba na parang?

"H-hindi, hindi pwede!" sabi ko at dali dali ako lalabas para puntahan si Sabrina.

"Dude san ka pupunta?" Papigil sakin ni Gavin.

"G-gavin si Sabrina, baka anong nagyari sa kanya" utal kung sabi dahil sa kaba at takot na naramdaman ko dahil kay sabrina.

Sana lang mali ang iniisip ko...

Sana lang mali itong nararamdaman ko...

Baka kung ano ang gawin nila kay Sabrina. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari sa kanya.

"What do you mean dude?" Tanong ni Drake.

Tiningnan ko silang tatlo at kita kong ang pag-aalala at pagtataka nila sa muka.

"Si Sabrina. Pupuntahan ko sya sa office ko, don ko sya iniwan" sabi ko.

"Wala na huli na kayo, nasa puder na sya ni boss haha!" Sabi ng lalaking tawa ng tawa.

Namilog ang dalawa kung mata. Kinuyom ko ang dalwa kung kamao. Parang akong sasabog sa galit. Gusto kung pumatay. Gusto kung patayin ang lalaking ito. Pero diko magawa.

"Anong ibig mong sabihin hayop ka!" Sigaw ni drake sa lalaki.

"Alam nyo bang mahal na mahal ni boss si Sabrina, at siguro sa oras na ito pinagpapantasyahan at tinitikaman na sya ni boss ngayon haha!" Sabi ng lalaki.

Halos diko napigilan sarili ko. Para akong sinapian ng isang dimonyo na gustong pumatay. Binaril ko sya sa braso, sinigurado ko na hindi sya napuruahan. Hindi ko kayang pumatay. Hindi ko kaya dahil kay sabrina. Ayokong kamuhian nya ako.

"Tanginamo! Pano mo nasasabi yan" sigaw ko.

Ng biglang nag vibrate ang telepeno ko, senyas na may tumatawag. Dali dali ko itong sinagot.

"Sino ka?" Pamula kong tanong.

"Gusto mo bang abutan ng buhay si Sabrina. Pwes pumunta ka sa ibibigay kung address, wag na wag kang magsasama na kahit na sino. Dahil hinding hindi ako magdadalwang isip na patayin ang pinakamamahal mo" sabi ng kausap ko sa telepeno.

Ng pinatay na nya ang telepono, napatulala ako. Hindi pwede to! Tangina nila! Bakit idadamay pa nila ang inosenteng babaeng yon.

"Dude anong problema?" Tanong ni Gavin.

At bigla namang tumunog ang telepono ko. Binuksan ko ito at nakita ko ang walang malay na si Sabrina. At sa isang video. Wala nilang awa pinapahirapan si sabrina. Nilulub-lob nila ang ulo ni Sabrina sa drum na punong-puno ng tubig at muli itong sinasabunutan.

Namuo ang luha sa dalwa kung mata. Awa at konsensya ang nadarama ko nung nakita kung pinapahirapan si sabrina. Dapat pala hindi ko sya iniwan doon. Sinisisi ko sarili ko, napaka wala kung kwenta.

"Troy dude anong gagawin natin?" Balisa na tanong ng tatlo.

"Wala kayong gagawin, ako lang ang pupunta don" sabi ko at dali daling lumabas.

"Troy dude!"

"Dude magiingat ka"

Sigaw nila. Balisa akong tumatakbo, wala akong inisip kung di si sabrina lang. Kung paano ko sya maliligtas.

Hindi ko kakayanin na makita syang nahihirapan. Hindi ko sya kayang tingnan na umiiyak at nasasaktan.

Andyan na ako Sabrina! Ililigtas kita!

Fall In Love With Her SecretaryHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin