Chapter 36

134 10 0
                                    


Sabrina's POV


Bumangon ako sa pagkakahiga at kinuha ko ang aking cellphone para tawagan si denzel. Nasakin yung number nya kasi kusa nyang nilagay, loko-loko kasi eh!

"Hello" panimula ko.

"Hi baby ayos kana ba? Sunduin na kita" masaya nyang sagot.

Nakaka-konsensya naman, na-asa pa ata syang makakapunta ako.

"Hello sabrina!" Tawag nya.

"Ah.eh s-sorry" sabi ko at napakamot sa ulo "Ahmm..ano kasi eh"

"What? May problema ba?" Nag-aalala nyang tanong.

"W-wala naman, eh kasi hindi ako makaka p-punta hehehe" hiya kong sagot.

Sorry denzel! Bawi talaga ako sa susunod sayo!

"Why!? May sakit ka ba?" Tanong pa nya.

"Wala naman, ano kasi eh" sabi ko pa.

"What?" Tanong nya.

"Ano ahmm.." paputol-putol kong sagot.

Ano bang dahilan yung sasabihin ko!?

"Ayos lang, I understand" malungkot nyang sagot.

Hala! Baka galit na sya sakin.

"S-sorry, galit ka ba?" Tanong ko.

"Hindi ok lang naiintindihan kita, kung may sakit ka kelangan mo ng pahinga" sabi nya.

"Salamat ha! Hayaan mo babawi ako sayo sa susunod, mag i-ice cream tayo treat ko" sabi ko.

"T-talaga! Sige ha sabi mo yan!" Sabi nya kahit hindi ko sya kita alam kung malawak na yung ngiti nya.

"Oo promise!" Sagot ko.

Pinatay ko na at humiga ulit. Halos mag hapon ata akong tulog at nakahiga, katamad kasi bumangon eh.

At may biglang kumatok sa pintuan ng aking kawarto.

"Sabrina 5:39 na ah, hindi ka pa ba mag-aayos?" Bungad nya sakin.

Ganda talaga ni mira kahit simple lang, naka white tshirt sya at panjama.

Lumapit sya sakin at umupo sa tabi ko. Niyakap ko sya ng mahigpit na ikinagulat nya.

"B-bakit may problema ka ba?" Tanong nya.

Umiling lang ako. "Weh bakit ka ganyan?" Tanong nya ulit.

"Masama bang yumakap sa bestfriend ko?" Tanong ko at nakangiti.

Ngumiti sya at niyakap nya rin ako. Napaka bait nya talaga.

"Tayo kana dyan at mag-ayos kana" sabi nya.

"Hindi naman ako pupunta eh" sagot ko.

"Ha! Bakit?" Tanong nya

"Ahmm..ano? Nakakatamad hehe" sagot ko.

"Sayang naman yung gown" sabi nya.

"Gown? San galing?" Tanong ko.

"May nag deliver kanina at saktong tulog ka kaya ako na yung pumirma, galing dun sa denzel" sagot nya.

"Ha! Ano? Kay denzel?" Gulat kong mga tanong.

"O-oo bakit?" Tanong nya.

"Patay! Nakakahiya naman sa kanya, sya sana yung date ko ngayon at tinawagan ko sya kanina sabi ko hindi ako pupunta" sagot ko.

"Bakit yung denzel? Eh pano si sir troy?"tanong nya.

"Ah..eh..hindi ko a-alam?" Sagot ko.

Malay ko don? Hindi ko nga alam kung pupunta sya eh. Tsaka wala rin akong alam kung sino yung date nya.

Fall In Love With Her SecretaryWhere stories live. Discover now