Chapter 56

92 9 0
                                    

Troy's POV

"Mukang ang saya ng anak ko ah" aliw na sabi ni mommy.

Masaya talaga sobra. Ang ang rason kung bakit masaya? Walang iba kundi dahil kay sabrina.

Yumakap ako kay mommy "Mom, ngayon kolang naramdaman to. Ang magmahal ng sobra-sobra"


Kumawala sya sa pagkakayakap at hinawakan ang pisngi ko "Alam ko nak, kaya wag mong sayangin kung anong meron ka ngayon ha! Ingatan mo sya at alagaan. Wag na wag mo syang sasaktan"

Ngumiti ako "Mom kahit hindi mo sabihin sakin yan, gagawin at gagawin ko talaga lahat para sa kanya"

Ngumiti sya ng malumanay "Pero anak, kahit anong pagsubok at problema ang dumating sa inyong dalawa. Lagi nyong tatandaan ang pagmamahal nyo sa isa't isa. Wag mo syang hayaang mawala sayo"


".....at tungkol sa dad mo. Ako na bahala, magpaliwanag sa kanya"

Parang may kung anong kaba naramadaman sa dibdib ko.

"Mom hindi pa alam ni dad to?" Tanong ko.

Umiling sya "Hindi pa anak, ako na ang magpapaliwanag sa kanya."


"But mom? P-pano pag hindi sya pumayag" kabadong tanong ko.

Ngumiti sya "No anak! Maiintindihan ka ng daddy mo. Parehas kayong lalaki at alam kong alam nya ang nararamdaman mo"


Ngumiti ako. Tama si mommy, parehas kami ni daddy. Galing ako sa kanya at alam kong maiintindihan nya ako. "Thanks mom!"





Sabrina's POV

Dali-dali akong tumakbo sa kwarto ng matanaw ko bintana ang sasakyan ni Troy patungo sa bahay.


"Oh sabrina, bat nagmamadali ka?" Tanong ni mira.

Mabilis akong lumingon sa kanila "Ah..eh... Yaya! Mira! Pwede bang wag nyong ng bang-gitin kay troy na may pinuntahan ako ngayon"

"Ha bakit? May problema ba?" Tanong ni yaya.

"Wala naman po, basta wag nyo na lang pong banggitin hehe! Sige po, magbibihis nako"

May itatanong pa si yaya pero dali-dali nakong umakyat ng kwarto para magbihis. Ngayong araw kasi yung party ni Nica kaya sumaglit lang ako don tapos saktong uuwi narin naman ako dahil nag text sakin si Troy na pupunta 'raw sya dito, kaya yun para akong ipo-ipo sa bilis na nakarating sa bahay.


Ng nakapagbihis ako ay agad kong inalis ang make-up sa aking muka. Mahirap na baka mapansin pa ni Troy hehe!


Hindi ko naman talaga intensyong magsinungaling sa kanya. Ang akin lang eh, ayoko talagang malaman ni Troy na pumunta ako sa party ni Nica. Ayoko lang kasing mag-alala sya at ayoko na ma's lalong lumubog ang galit nya kay Nica kapag may nagyari saking masama. May kutob kasi akong may gagawin si Nica sakin sa party, at tama naman ako. Buti nalang naihanda ko ang sarili ko dahil may masama syang balak sakin.

Ang sabi pa nya wala daw lalaki sa party, pero pagpunta ko don puros lalaki yung nakikita ko. Balak nya akong iblock-mail, na nakikipag inuman sa mga lalaki. Tapos pipicturan nya at ipapakita nya kay Troy. Ang hindi nya alam may mata ako don haha! Nag rent si shantel ng limang lalaki sa party para makasama ko at matulungan ako sa balak ni nica.

Flashback......

"T-teka Nica akala ko ba walang lalaki?" Tanong ko.


"Just relax sabrina, wag kang mag-alala. Hindi naman ito malalaman ni Troy eh!"

Tsk tsk.. sinong naloko mo Nica! Wag ako girl wais to! Bawat salita at ginagawa nya ay sinasakyan ko na parang walang alam sa binabalak nya.
Syempre sinasamahan ko ng inosenteng muka at salita, para hindi nya mahalata na sinasakyan kolang sya.


Fall In Love With Her SecretaryOnde histórias criam vida. Descubra agora