Chapter 5

242 17 0
                                    

Troy's POV



"Pre kamusta ang labing-labing nyo ni Nica?" Bungad na tanong ni drake.

Sinamaan sya ng tingin dahil sa tanong nya.

"Isa kang malaking gago Drake. Alam mo ba yon?" Sabay batok ko sa kanya.

"Ouch...naman pre!" reklamo nya.

"Dude kitang-kita namin kayong dalawa ni Nica na lumabas ng Hotel ah." sabi naman Liam na may nakakalokong ngiti, at sabay tago sa likod ni Gavin.

"Isa ka pa!" At nagtatakbo sya paikot kay gavin at sabay batok ko sa kanya at kaya nadamay si gavin.

"Wag nyo akong guluhin" seryosong sabi ni Gavin na kanina pang nakatingin sa may parking lot.

"Sino ba tini-tingnan mo dun ha?" Tanong ko at inangat ko ang ulo ko para tingnan.

"Wala yon, tara na" aya nya sa akin.

"Troy! Gavin! Sama ba kayo samin mamaya?" Aya samin ng dalawa.

"Pupunta kami ng Bar" sabi ni Drake.

"Sige susunod ako pagtapos ng meeting ko sa mga Alvarez" sabi ko.

"Sino kasama mo?" Tanong ni Gavin.

"Sino ba pa, edi yung maganda at sexy nyang secretary" saba't na sabi ni Liam.

"Shut the fuck up!" Seryoso kung sabi.

"Ok..ok" sabi nya habang taas-taas nya ang dalawa nyang kamay.

Sinabi ko sa kanila na wag na wag nilang babanggitin ang tungkol sa kanya. Ang isang babae na pinagkakatiwalaan ni Mom.

"I have to go, baka iniintay na ako ni Jace." paalam ko at dali-dali ng sumakay ng aking sasakyan para makaalis na.

Habang nagmamaneho ako nakita ko sa side mirror ang pamilyar na muka ng isang babae na mahaba ang buhok at nakasakay din sa kotse na nakabukas ang bintana. Inangat ko ng konti yung ulo ko para makita ko ng buo yung muka nya.

"What the!? Andito pa sya?" bulong ko sa sarili ko at ang nakita ko ay ang secretary kong si Sabrina.

Umuna na ang sasakyan nya kaya sumunod nadin ako. Matapos ang ilang minuto na byahe ay nasa likod parin nya ako at nakasunod at biglang nmang huminto ang sasakyan nya ng makita nya ang ilang batang pulubi na may bit-bit na sanggol.

Bumaba sya ng sasakyan at kinausap nya yung mga bata, pero walang akong alam kung ano yung pinag-uusapan nila dahil malayo ako. At bigla nlang syang may kinuha sa bag ang pagkakakita ko ay pera na ibinigay nya sa mga bata kaya napa-yakap sila kay Sabrina.

Bukod na maganda sya may maganda din syang ugali. Una ko palang sya nakita ay agad kung napansin ang pag'ka masunurin nya kay mommy bukod don mabait, mahin-hin, masipag, tahimik at isa pa! Ang pag ka inosente nya. Muka palang nya napakainosente na parang anghel. At lahat lahat ng ugaling meron sya ay ang pinaka ayoko sa lahat dahil ang gusto ko sa isang babae ay palaban at hindi katulad nya.

Sa pag-iisip ko ng kung ano-ano hindi ko namamlayan na wala na pala ang sasakyan ng babaeng yun sa harap ng sasakyan ko. Tiningnan ko ang relo ko at saktong my ilang minuto pang natitira para hindi ako malate sa meeting. Hindi nman kalayuan ang ACM building dito kaya konting minuto lang ang iba-byahe ko.

Ng nakarating na ako sa building ay pinarking kona ang aking sasakyan malapit sa sasakyan ni Sabrina. Wala na sya sa sasakyan nya, siguro ay nauna na nga sya sa office ni jace.

Pumasok na ako ng building at may ilang body guard ang sumalubong sa akin para ihatid nila ako sa office. Naglakad na kami patungo sa office at ng nakrating nako ay umalis na ang sumusunod sa aking mga body guard.

Fall In Love With Her SecretaryWhere stories live. Discover now