Chapter 69

115 9 0
                                    


May isang oras ata nyang buhat-buhat si hunter para mapatulog. Ibanaba nya ito ng dahan dahan sa kama dahilan para hindi ito magising.

Lumapit sya sakin habang uminat-inat. "Lumalaki na talaga si hunter, bumibigat na sya" natatawa nyang sabi.

Natawa ako. "Eh pano hindi lalaki si hunter, ilan ba ang nag-aalaga sa anak mong yon haha!"

"Sabihin mo ma swerte talaga yung bata kasi ikaw yung naging magulang nya, tsaka hindi naman mahirap alagaan si hunter. Mabait, maalahanin, at mapagmahal ang batang yon" nakangiting sabi ni Marco. "....sobrang swerte ko kasi may  anak akong tulad nya, may asawa akong tulad mo" sabi nya sabay yakap sa akin.

Niyakap kodin sya ng mahigpit. "Mas ma-swerte kami ni hunter sayo"

"Sabrina" mahin-hin nyang tawag sa pangalan ko.

"Hmm..."

"Salamat ha!"

Nangunot ang noo ko tsaka tumingin sa kanya. "Huh? For what?"

Hinawakan nya ang pisngi ko tsaka hinalkan sa noo. "Para sa labis-labis na pagmamahal na ibinibigay mo sakin. Dahil binigyan mo ako ng pagkakataon na mahalin ka at pakasalan ka. Binigyan moko ng pagkakataon na maging ama kay Hunter. Bukod don, sobrang swerte kong lalaki kasi may Sabrina na nag-aalaga at nagmamahal sakin ng sobra-sobra"

Napangiti ako. May ilang luhang tumulo sa dalawa nyang mata. Pinahid ko ito. "Hindi mo kailangan mag pasalamat Marco" sabi ko nagbuntong hininga. ".....ako dapat ang nagpapasalamat sayo, dahil minahal mo parin ako at tinanggap mo parin kami ni hunter"

Umiling sya. "Wag mong sabihin yan, mahal kita sabrina. Higit pa sa buhay ko, tatang-gapin at mamahalin ko kayo ni hunter higit pa sa sarili ko"

Ngumiti ako. "Salamat marco"

Sobrang nagpapasalamat ako kay Marco. Sa lumipas na apat na taon sya yung nasa tabi ko, sya yung tumulong sakin para makalimot sa isang tao na sumira at nagbigay ng pasakit sa buhay ko.

Isa pa, si Marco yung tumayong Tatay ng anak ko na dapat ay sya. Katulong ko si Marco sa pagpapalaki kay hunter, sya yung tinuring na tunay nyang ama. Hanggang ngayon wala paring alam ang anak ko sa mga nangyari sakin noon. Hindi nya alam na hindi si Marco at tunay nyang ama. Mula kasi noong pinanganak ko sya at hangga't sa lumaki sya wala akong iba pang binabanggit sa kanya.

Noon kasi down na down nako sa sarili ko. Kinain nako ng kalungkutan ng dahil sa pag-iwan nya sakin. At noong lumipas ang  buwan unti-unti nakong binabago ng mundo. Pinilit kong maging masaya sa piling ng pamilya ko, at lalo na kay Marco na laging nandyan para pasiyahin at ipamuka sakin na andyan lang sya sa tabi ko.

At doon ko unti-unting natutunan ang makalimot, doon ko napagtanto na pwede ko ulit buksan ang puso ko sa isang lalaking nagmamahal sa akin noon pa. Sa tulong ni Marco, sa kanya ko natutunan na magmahal pa ulit ng taong hindi kailanman ako iiwan pa.

Sa gitna ng masaya naming ala-ala ni Marco, parang bumalik lahat sakin noong nalaman ko na buntis pala ako.

Nalaman kong nagdadalawang tao pala ako, at nagbunga pala ang kasinungalingang nagawa namin noong gabing iyon.

Nung mga oras nayun parang huminto ang mundo ko, labis kong sinisisi ang sarili ko. Mali na naibigay ko agad iyon. Sa isang manloloko at mang-gagamit na lalaking tulad nya. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya noon, nakalimutan kong mahalin yung sarili ko dahil ibinigay ko lahat sa kanya iyon, sa sobrang panatag ng loob ko noon, hindi ko naisip na  lolokohin nya ako. Ang akala ko mahal nya ako pero ginamit lang pala nya' ko.

Fall In Love With Her SecretaryWhere stories live. Discover now