Chapter 68

128 9 0
                                    

Sabrina's POV

"Mama!"

Marinig ko palang ang boses nya, makita kolang ang masaya nyang muka, buo na ang araw ko.

Mabilis syang tumakbo patungo sakin. Ang tanging nagawa kolang ay ang lumuhod para mapantayan at masalubong sya ng mahigpit na yakap.

"I miss you Mama!" Matuwid na sabi nya. Gumuhit ang ngiti sa manipis at mapula nyang labi.

Binuhat ko sya tsaka tumayo.
Pinahid ko ang basa nyang noo dahil sa pawis. Siguro ay naglaro na naman ang bata, at for sure pinagod na naman nya si Mama paghahabol sa kanya. "I miss you too baby ko" sabi ko sabay hinalikan sya sa pisngi.

Theron Hunter, my only one baby boy. Apat na taon na sya pero kung umasta at mag-isip sya daig pa nya ang pitong taon haha!

"Mama late ka po ng 5 minutes, saan po kayo galing?" Usisa nya.

Napatawa naman kaming lahat na nanonood sa kanya. Kita mo 'tong batang to! 4yrs old palang, magaling ng mag-usisa  sa bagay-bagay. Tsaka binabantayan nya talaga ang oras kung malalate ba talaga ako o hindi.

Pinisil ko ang pisngi nya. "Ikaw talaga! Sorry na po kung late si Mama. Traffic po kasi eh" sabi ko habang natatawa.

Rinig kong humagikhik sya. "Ok lang po iyon, basta ang mahalaga safe kayong naka-uwi" sabi pa nya.

Napangiti naman ako. Napaka-maalahanin nya talagang bata. Napaka swerte ko talagang ina dahil may anak akong tulad nya. Wala nakong hinihiling pa kung di ang makasama ng mahabang panahon ang anak ko.

Ala-sais na ng gabi kaya siguro pawisan pa sya. Pagdating kasi ng ala-sais at nakakagaling ako ng opisina, umuuwi na agad ako para makasama ang anak ko. At kahit pagod ako sa trabaho, pinipilit kong makipaglaro sa kanya kahit kadadating kolang. Ako narin ang ang nagpapaligo at nagpapakain sa kanya pati narin ang nagpapatulog kahit may sarili naman syang yaya na aasahan. Pero iba padin kapag ang sariling nanay ang umaagapay ay nag-aalaga sa sarili nilang anak.

"Alam mo nak, safe lagi uuwi si Mama ok. Kaya wag kanang mag-alala" nakangiti kong sabi sa kanya.

Ngumiti naman sya. Hindi ko ipagkakailang gwapo ang anak ko. Mana talaga sya sa pinamanahan nya haha! Kita agad sa kanya ang tangos at pointed na ilong. Makapal nyang kilay at ang manipis at mapula nyang labi.

"Hunter hali kana" sabi ni Lhea. Sya ang nakababatang pinsan ko. 17 yrs old. Isa sya sa tagapag-alaga ko kay hunter, Bukod kay lola, mama, kay kuya nate at ate kim sa kanya lang sumasama at nakikipaglaro si hunter. Habang may work ako sa kanya ko minsan iniiwan si hunter.

Si hunter kasi yung tipong bata na namimili ng sasamahan nya eh. Hindi naman yung wala syang sinasamahan, pero ma's close talaga sya kay Lhea. Pero sumasama rin naman sya kay kuya at ate kim.

Dito sa America ko mismo pinanganak at pinalaki si Hunter. Hindi naman ako nahirapan sa pagpapalaki sa kanya eh. Mabait syang bata, at sinigurado ko talaga na palalakihin ko sya ng magalang at may respeto sa mga tao. Bukod don, katulong ko sina Mama at kuya pagpapalaki sa kanya ng maayos. Lahat kasi kami, dito nanirahan sa America sa loob ng apat na taon.

"Sige na hunter sama kana kay tita Lhea mo, magpapahinga lang si Mama, pwede ba yon anak?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

Ngumiti naman sya. "Sige po mama" matinis na sagot nya.

Binigay ko sya kay lhea. "Ah lhea ikaw na bahala maglinis at magpalit sa kanya ah, kakausapin kolang si Mama at kuya. Ako na bahala magpatulog sa kanya, susunod nalang ako sa kwarto" nakangiti kong sabi.

"Ah sige po ate sabrina, no problem po" sabi nya tsaka ngumiti.

"Baby susunod si Mama sa room mo ok" nakingiti kong sabi sabay kurot sa pisngi nya.

Fall In Love With Her SecretaryWhere stories live. Discover now