Chapter 73

125 9 0
                                    

Sabrina's POV

"Ready na ba ang Hunter ko?" Nakangiti kong tanong sa kanya habang inaayos ang kwelyo ng uniform nya.

Ngumisi sya tsaka inayos-ayos ang buhok nya. "Mommy nung sang araw pa po akong ready"

Napatawa ako. Kita sa anak kong excited na excited na talaga syang pumasok sa school.

"Anak wag kakalimutan ang bilin ni mommy at daddy ah, wag?"

"Wag malikot, dapat behave lang at makinig kay teacher" pagtatapos nya.

"Wow big boy na talaga baby ko" sabi ko sabay yakap sa kanya.

"Daddy!" Tawag ni hunter.

Tumingin ako sa likod  ko tsaka nakita si Marco na papalapit sa pwesto namin ni Hunter.

Sinalubong sya ni hunter ng yakap at binuhat naman ni marco ang bata.

"Pogi naman ng baby boy ko" bati ng daddy marco nya.

"Syempre naman daddy mana ako sayo eh" sabi naman ni hunter sabay kindat.

Ang saya lang nilang tingnan na masayang nagkukulitan at nag k-kwentuhan. Sobrang lapit nila sa isa't isa na parang tunay na mag-ama. Napatingin nalang ako sa muka ng anak kong nakangiti.

Parang may kung anong kaba akong naramdaman. Bawat tingin o titig ko sa muka ni Hunter, naalala ko si Troy. Kahawig na kahawig nya kasi ang anak nya, yung kilay, mata, at pati narin ang manipis nyang labi ay talagang nakuha nya kay Troy.

Natatakot ako na baka sa isang tingin lang nya kay hunter ay malaman nya na anak nya ito. Alam ko sa sarili ko na kahit baliktarin ko man ang mundo si Troy parin ang ama ng anak ko. Isa parin syang dugong Vergara.

"Mommy ok kalang?"

Nawala ako sa wisyo ko kaya hindi ko alam na tinatawag pala ako ni Hunter. "O-Oo naman anak"

"Tulala ka kasi mommy kanina eh"

"Ah..ehh.. may iniisip lang si mommy" nakangiti kong sabi sa dalawa.

"....mag ready kana baby, aalis na tayo" pagkasabi ko noon ay pinakuha kona si hunter sa Yaya nya na para pumunta sa sasakyan.

Sumunod narin kami ni Marco sa kanila. "You ok?" Tanong nya.

"Ayos lang ako promise" pag kasabi ko noon ngumiti ako sa kanya. Iispin na naman kasi nya na may problema akong hindi sinasabi sa kanya eh.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. "Kilala na kita sabrina, alam kong iniisip mo na naman ang posibleng mangyari kay Hunter"

Napatingin ako sa kanya. Napa buntong hininga nalang ako. "Hindi ko kasi maiwasan ang hindi isipin ang bagay nayon"

Humugot ako ng malalim na hininga. "...alam mo naman na ayokong mawala sa tabi ko ang anak ko, mahal na mahal ko si hunter higit pa sa buhay ko, hindi ko kayang mahiwalay sya sakin"

Niyakap nya ako. "Alam ko sabrina, kung dadating man tayo sa point nayan, hindi ko hahayaan na kuhanin lang nya basta basta si hunter, ipaglalaban ko sya kahit sya pa yung tunay nyang ama. Mahal ko kayo ni Hunter at hindi ko kayo pababayaan"

Ngumiti naman ako sa kanya. Si marco yung taong maaasahan sa lahat ng bagay. Bukod don minahal ko sya dahil sa pinapakita nya saking pagmahahal pati narin sa anak ko. Napaka swerte ko dahil may nakilala akong tulad nya.

"Mama aalis na po kami" paalam ko kay mama habang nagluluto sya sa may kusina.

"O sya sige, ingat kayo ha! Yung apo ko Sabrina ha!" Bilin ni mama.

Si mama talaga pag sa ngalan ng apo nya, feeling mo naman pinapa bayaan ko ang anak ko haha! "..mama, kahit wag nyo na po ako pagbilinan nyan"

"...nga pala si kuya Nate nasaan?" Tanong ko.

Fall In Love With Her SecretaryWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu