Chapter 49

108 6 0
                                    

Sabrina's POV





Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ma-aawa sa pinag-gagawa nilang dalawa. Kanina nag-sasapukan sila na parang bata, tapos ngayon nagyayapusan sila na parang mag jowa haha!

"Mahina ka troy, tingnan monga 'yang sarili mo lashing kana HAHAHAHA" sabi ni kuya at panay ang tawa.

"Baka nakakalimutan mong ako si Troy Vergara. Malakas ako at hindi ipinapanganak ang makakatalo sakin sa inuman" sabi naman ni troy.

Nagpapayabangan pa sila eh, parehas naman silang lasing. Mga ugok talaga!
Saktong alas-dyis na ng gabi at mukang nakakabulahaw na talaga silang dalawa. Sina yaya neli, mira at mama ayun tulog na tulog mukang bangag din. Sumali ba naman sila sa kalokohan nitong dalawa. Naglasing din ang mga kasama ko sa bahay at ako lang talaga ang hindi.

"Kayong dalawa tamana yan! Gabi na kaya" pagpipigil ko sa dalawa.

"Ikaw talaga sabrina, madilim na kaya gabi na" sabi pa ni kuya.

Aba! Namilosopo pa ang mokong! Mukang bangag at lasing na nga ayaw pa tutulog. Tumayo si kuya nate at tsaka naglakad ng bagewang-gewang papalayo samin. Iyan ba ang hindi lasing? Mukang syang nagsasayaw.

"San ka pupunta kuya?" Tanong ko.

"Tulog nako, dyan na kayo" sabi nya.

Mukang hindi na nga yata nya talaga kaya haha! Muka naman talaga syang lasing kay'sa kay troy eh. Speaking of troy. Tiningnan ko sya at...

Ayun, hagok na. Nakasandal sya habang nakayakap sa malambot na unan sa sofa. Minsan pangarap koding maging unan. Kahit ngayong gabi lang. Hahaha jok!

Mukang tulog na ata ang mokong. Lumapit ako ng konte sa kanya, tsaka tinitigan ang pogi nyang muka. Grabe hindi talaga nakakasawang titigan ang muka nya. Yung makapal nyang kilay. Yung mahaba nyag pilik mata. Yung manipis nyang labi na may kapulahan. At yung matangos nyang ilong. Napalunok lalo ako nung nakita kung gumalaw ang kanyang Adam's apple. Jusko lord! Kahit ngayong gabi lang hayaan nyoko ako pantasyahin ang nilalang na ito.

"Ayos na ba? Nangangawit na kasi ako kakatitig mo" sabi nya.

Nagulat ako kaya mabilis akong lumayo sa kanya. Jusko baka kung ano isipin nya. Baka sabihin nyang minamanyak ko ang muka nya, kahit totoo naman. Hehe! Atleast yung muka lang hindi yung sa baba.

"M-may lamok" sabi ko at tsaka sinampal ang noo nya "Ayan wala na!"

Hehehe... wala talagang lamok, jok jok lang yun. Kunyari may lamok para makaligtas ako sa kakamanyak sa pogi nyang muka.

Nanlaki ang mata ko dahil hinawakan nya ang isang kamay ko at buong pwersa nya ako inilapit sa kanya. Malapit narin ang muka ko sa muka nya.

"Titigan mo ulit kung may lamok nga" sabi nya habang nakangiti.

Wala akong ginawa at tinitigan ang muka nya. "W-wala na yung lamok, napisa kona" kinakabahan kong sabi.

Tuluyan na nya akong inilapit sa katawan nya. Nakayakap sya ng mahigpit sa akin kaya wala akong lakas na kumalas. Mukang diko na kelangan pang maging unan ah. Hehe!

"Ang saya saya ko sabrina ngayon, salamat"

Napangiti ako ng malumanay "Ako din troy, sobrang masaya ako" sabi ko at niyakap sya ng mahigpit.

Para sakin ang gabing ito ay napaka romantic para saming dalawa.

"Sabrina" tawag nya.

"Hmm?" Sagot ko habang nakayakap parin sa matigas nyang katawan.

"Mahal mo ba ako?"

Napatingin ako sa kanya "Oo naman sobra, bakit mo naman naitanong yan?"

"Pakasal na tayo?"

Fall In Love With Her SecretaryWhere stories live. Discover now