Chapter 66

127 10 0
                                    

Mira's POV

"Mira ano sa tingin mo?"

Tumingin ako sa kanyang naguguluhan "H-ha?"

"About Sabrina, sa tingin mo ba kinalimutan na nya tayo?" Tanong ni Gavin.

Napabuntong hininga nalang ako sa tanong ni Gavin. Andito kami ngayon sa isang park malapit sa Vergara's building na pinagta-trabahuhan ko ngayon.

"Hindi kodin alam eh" sagot ko at tumingin sa kanya. "...pero sa tingin ko. Hindi"

Bahagya din syang napatingin sakin "Pano mo nasabi? Ni wala nga syang paramdam satin ng apat na taon. Text, chats or call manlang. Wala, sa tingin mo hindi na nya tayo nakalimutan"

Ngumiti ako. "May pagkakataon tayong mga tao na abala sa buhay. Baka hindi natin alam, kaya wala syang paramdam dahil busy sya. O baka naman hindi na nya muna gustong makipag-ugnayan satin. Para kay sabrina kasi, hindi naging madali sa kanya ang makalimot sa mga masasakit na nangyari sa kanya noon. Siguro, kay wala tayong balita o alam sa kanya tsaka hindi sya nagpaparamdam satin, baka hindi pa talaga sya handa" paliwanag ko.

Napangiti naman sya. "Siguro nga, pero bakit naman ganon? Porket ba kaibigan o may ugnayan tayo kay Troy, magagalit narin sya satin?" Mga tanong nya na may halong pag-kainis.

Hindi ko naman sya masisisi kung ganon ang iniisip nya tungkol kay Sabrina, kahit ako naman nagtatampo sa kanya eh. Dahil sa wala syang paramdam samin ng apat na taon.

"Alam mo Gavin, hindi sya galit kay Troy. At ma's lalong hindi sya galit satin. Baka naman gusto lang nyang makalimot sa lahat." Sabi ko naman.

"Sige nga, pano mo nasabi na hindi talaga sya galit kay troy?" Tanong naman nya.

Hahaha minsan naiirita na talaga ako sa pagiging makulit nya.

"Mahabang taon ko na syang nakasama ok. Tsaka kilala ko yun, hindi sya nagtatanim ng galit sa isang tao. Ma's lalo na sa taong minahal nya. Marunong syang magpakumbaba sa tao, at mas marunong din syang magpatawad" sabi ko.

Umiwas sya ng tingin sakin. Kita ko ang muka nyang nagbago ng emosyon. Kaninang nakingiti at ngayon malungkot na. "Isipin mudin Mira na may taong nagbabago. Hindi porket mabait mo syang nakilala noon ay mabait parin sya ngayon. Masakit ang nasapit nya noon dahil kay Troy. At dahil doon hindi natin masasabi kung nagbago na nga ba sya o hindi"

Para biglang bumaksak yung dib-dib ko sa sinabi nya. Eto yung kinatatakot ko eh. Minsan iniisip kodin yon. Yung Sabrina na mahin-hin at ubod ng masiyahin at mabait ay biglang magbago.

"Tama ka Gavin, sana nga. Sana lang hindi sya magbago. Sana sya parin yung Sabrina na nakilala ko noon"

Shantel's POV

"I missed sabrina ate shantel" malungkot na sabi ni ayumi.

Para talaga syang bata na nawalan ng ate. Sa totoo lang, mas gusto pa nga nya atang maging ate si Sabrina kesa sa akin. Kaya naninibago sya at ako ng nawala samin si sabrina.

Hinaplos ko ang buhok nya. "Me too"

Tumingin sya sakin. "Nag hire ka ba talaga ng tauhan para malaman kung asan sya?" Tanong nya.

Nag-nod ako. "Oo, may report naman sila every hour and day. Pero lahat ng nakukuha nilang impormasyon. Lahat mali"

"Ano bang klaseng tauhan yan ate, nakakainis!" Naiinis nyang sabi.

"Ayumi, hindi madaling mahanap si sabrina sa America ng basta-basta. Aba! Malaki kaya ang bansang yon. Tsaka nag hire din si Gavin ng tauhan nya pati narin sina drake at liam. Pero wala parin eh" sabi ko.

Nagbuntong hininga sya. "Kahit ata mag-kaisa ang presidente ng pilipinas at America hindi sya magpapakita"

Napatawan naman ako sa kanya. Bruha na talaga tong kapatid ko.

May ilang minuto narin kaming nauusap ng biglang bumukas ang pintuan ng office ko. Bumungad samin sina Liam at drake. At hingal na hingal.

"Problema nyo?" Tanong ni ayumi.

"M-may balita na tungkol kay Sabrina"

Nagulat kami. May saya akong naramdaman. "T-talaga!"



Matagal na namin itong hinhintay, ang malaman kung nasan at kung ano ng nangyari sa kanya. Sana maganda ang tama ang nakuha nilang impormaayon kay sabrina. At sana malaman namin kung nasan sya ngayon.





(Hi po, sensya na po napatagal ang UD talaga pong busy sa school hehe. Wag po kayong mag-alala, mag uupdate po ulit ako sa lalong madaling panahon haha! At tsaka nasa-isip kona po kung ano ang mangyayari kay'na Troy at Sabrina
Kaya abangan nyo po! Pasabog po talaga ito promise!)

Thankyouu po ulittt!♡♡

-twilight♡

Fall In Love With Her SecretaryWhere stories live. Discover now