Chapter 32

135 11 0
                                    


Theo's POV



Tinayo nya ako at kinewelyuhan "Ang lakas ng loob mo magpakita pa sa kanya!" Galit na sigaw ni troy.

Nginitian ko sya ng nakakaloko, at kita kodin ang pagka-inis sa muka nya.

"Bakit? Ano naman sayo?" Mayabang na tanong ko.

Sinuntok na naman nya ako "Hayop ka yabang mo ah!" Sigaw nya.

"Troy tama na! Ang dami ng pasa ni Theo" sigaw ni Sabrina tsaka lumapit sakin.

"L-lumayo ka sabrina, baka madamay ka pa!" Sabi ko.

Tumayo ako tsaka binigyan ng suntok si troy "Ano bang problema mo! Andito ako para kay Sabrina hindi para sayo!" Sigaw ko.

"Tssss.." tinapunan nya ako ng masamang tingin "...para ano? Para gamitin mo ulit sya?" Mayabang na sagot nya.

Ang yabang nya din no? Pinatawad na ako ni sabrina. Pero sya, eto galit na galit padin. Ano akala nya boyfriend ni sabrina, at pagbabawalan akong lumapit sa kanya. Baka nakakalimutan nya boss lang sya ni sabrina.

"Bakit ko naman sya gagamitin? Tanga na ang tawag don pag sinaktan ko pa ulit sya" sigaw ko.

"Tanga ka naman talaga hindi ba?" Mayabang na sabi nya.

Halos sasabog ako sa galit, gusto ko syang suntukin ng pa ulit-ulit.

"Bakit ka pa bumalik?" Seryosong tanong ni Gavin at katabi nya si Drake at liam na awat awat si troy.

Tumayo ako at nagseryoso "Gusto kong kausapin si Sabrina at humungi ng tawad"

"Para saan pa? Pinatawad ka nya diba, bakit kelangan mo pang bumalik?" Galit na sigaw ni troy.

Ano bang ipinuputok ng butchi nya? Bakit ba ayaw nya akong palapitin kay sabrina.

"Wala kang pakealam kung gusto kong bumalik. Babalik ako sa ayaw at gusto mo!" sabi ko.

"Bakit? Para kidnapin ulit si sabrina at pahirapan?" Sabi nya.

Nanlabo ang tingin ko sa kanya dahil sa galit. Ano pa sya para banggitin yung nangyari non. Hindi nya ba alam na pinahirapan din nya ng sobra si sabrina noon, at pinagsalitaan ng masasakit na salita. Ang kapal nya din!

Lumapit ako sa kanya at kinewelyuhan "Anong tingin mo sa sarili mo ha? Hindi pa pinahirapan at pinagsalitaan modin non si Sabrina. At alam mo 'bang ako lang ang nagpapasaya at nasasandalan nya noong araw na yun?" Sabi ko.

Nakita ko agad sa mata nya ang lungkot. Siguro naa-lala nya lahat ng kagaguhan nya. At tama lang sa kanya ang magsisi.

Tinulak nya ako "Bakit? Naalala muna ang lahat? Ngayon sino satin ang hayop?" Sigaw ko.

"Gago ka!" Sabi nya tsaka nya ako sinuntok.

"Hindi ba talaga kayo titigil? Alam nyo sa nakikita ko ngayon parehas lang kayo ng ugali!" Sigaw ni Sabrina kaya napatingin lahat kami sa kanya.

Sinamaan nya kami ng tingin tsaka lumakad papalabas ng office nya pero agad ko syang pinigilan "I-I'm sorry"

Tiningnan nya ako at nginitian, pero sa likod ng ngiting ito ay may lungkot at pagkadismaya "Siguro hindi muna dapat tayo mag-usap, wag muna." malungkot na sa sabi nya tsaka lumabas.

May dalwang hakbang ang nilakad at hindi nya ito naituloy dahil agad ko syang niyakap "Sabrina please, kung galit ka sakin hayaan mo akong magpaliwanag" pagmamaka-awa ko.

Naramdaman kong may humila ng polo ko para mapalayo kay sabrina.

"Ano bang problema mo? Ayaw ng makipag-usap sayo ni sabrina!" Sigaw ni troy.

"Anong problema mo?" Balik na tanong ko sa kanya "Bakit ba pilit mo akong nilalayo sa kanya? Baka nakakalimutan mong Boss kalang nya at hindi boyfriend!" matigas na sabi ko.

"Kung hindi kayo titigil, aalis nalang ako" sabi ni sabrina tsaka tuluyang lumabas.

"T-teka Sabrina!" Pagpipigil ko sa kanya.

"Please Theo wag muna ngayon" mahinahon nyang sabi.

Binitawan ko sya tsaka tuluyan ng umalis. Sumunod narin si Liam at drake sa kanya at kami nalang ni troy ang natitira sa loob.

"Tell me the truth, ano bang susunod mong balak?" Sabi ni troy.

"What do you mean?" Magulo kung tanong.

"C'mon theo! Kung balak mopa ding maghiganti, wag mong idadamay si sabrina" sabi nya.

Yun ba ang tingin nya sakin!? Ang maghihiganti ulit? Halos lahat ng nagawa ko kay sabrina ay pinagsisihan ko na, pero parang bakit yun parin ang tingin nila, na masama at mamamatay tao ako?

"Mali ka! Andito ako para kausapin at humungi ng tawad kay sabrina" sabi ko.

"Pinatawad ka na nya hindi ba? Pero bakit ka pa bumalik?" Tanong nya.

"Gusto mo malaman? Sige!" Sigaw ko at lumapit sa kanya "Andito ako para sabihin sa kanya na mahal na mahal ko sya" sabi ko.

Kita ko ang galit at pagkagulo sa muka nya. Siguro hindi nya naiintindihan yung sinabi ko.

Andito ako para sabihin kay sabrina na mahal na mahal ko sya. Yun lang ang gusto kong iparating sa kanya bago ako pumunta ng ibang bansa. Gusto kung magpaalam at humungi ng tawad sa kanya, pero malabo na ata iyon dahil parang galit na naman sya sakin.

"Gusto mo sya noon pa? Right?" Seryoso nyag tanong.

"Yeah! Gustong gusto" sagot ko.

"But tinuloy mo parin ang plano mo, kaya napahamak sya" sabi nya.

"Hindi ko alam na sinaktan pala sya ng mga tauhan ko" bigo kong paliwanag.

"Bakit hindi ka umamin sa kanya noon?" Tanong nya ulit.

"Ginawa ko, pero nabigo ako. Hindi madaling makuha si sabrina, para syang isang ginto na pahirapan makuha" sabi ko at napabuntong hininga "Hindi din madaling makuha agad yung loob nya, iba si sabrina troy! Ibang iba sya sa mga nakilala kong mga babae" sabi ko.

Tiningnan lang nya ako "B-bakit? Pano ka nabigo? Hindi ba matagal na kayong magkaibigan?" Sunod-sunod nyang tanong sa akin.

"Oo tama ka, matagal na kaming magkaibigan pero yun lang ang tingin nya sakin, sabi nya hindi nadaw nya kaya pang pataasin yon. Hindi pa nya kayang buksan ulit ang puso nya sa iba" sabi ko

Tumgin sya sakin na parang naguguluhan "You mean, hindi pa nya kayang umibig ulit?" Tanong nya.

"Parang ganon na nga" sagot ko.

"W-why?" Tanong nya pa.

"Hindi kodin alam, basta ang mahalaga nakilala at naging magkaibigan kami" ngiti kong sabi.

"Kaya gusto mo syang kausapin para sabihin na gusto mo sya, at ano? Aasa kang ibabalik nya yon?"

Yabang talaga ng ugok nato!

"Hindi na ako na-asa, andito ako para magpaalam sa kanya, pupunta ako ng ibang bansa at gusto ko muna syang kausapin bago umalis" sabi ko.

Lumapit sya sakin tsaka tinapik ang balikat ko "Puntahan mo sya, at siguraduhin molang na wala kang gagawing masama" sabi nya.

Nginitian ko lang sya tsaka tumakbo para sundan si sabrina.

May halong saya at lungkot ang nadarama ko ngayon.

Masaya ako dahil nakita ko sya at makakusap ulit.

Malungkot din dahil aalis nako at hindi ko alam kung may balak ba akong bumalik ulit.

Siguro nga huling pagkikita na namin ito.

Fall In Love With Her SecretaryNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ