Chapter 20

202 16 0
                                    


Why me?

Alas-singko na ng hapon at araw ng linggo kaya masaya ako dahil nakapagpahinga ako ng mahabang oras. Andito kami ngayong tatlo sa kawarto ko at nagtatalo.

"Ha! Talaga?" Gulat kong tanong.

Napa palo na lang ako sa ulo ko dahil akala ko makakapag pahinga na ako ng lubos pero nakalimutan ko na ngayong araw nga pala gaganapin ang celebrate ni Liam dahil isa na syang ganap na CEO ng dalawang malaki at sikat kumpanya. Medyo matanda narin kasi ang daddy ni liam kaya siguro sya na yung pinalit. At hanga ako sa kanya dahil sa edad na 22 ay kaya na nyang mag manage ng malalaking kumpanya.

"Wag mong sabihin na kinalimutan mo?" Mataray na sabi ni shantel.

"Nawala sa isip ko eh, sige na sasama na ako" sabi ko at kita ko sa muka ng dalwang magkapatid ang tuwa.

"Oh eto, yan ang suotin mo ah" sabi ni shantel sabay abot sakin ng maliit na box at wari ko ay lagayan ng gown ito.

Kinuha ko ang box at binuklat ko ito para tingnan ang nasa loob. Namanga ako na nasa loob. Isang makintab at magandang long gown.

"You like it noh?" Sabi ni shantel na may magandang ngiti.

"Yess! I like it! Sobrang ganda naman, tsaka parang mamahalin naman ata neto?" Tanong ko.

"Ano ka ba Sabrina! Syempre hinding hindi kami makakapayag na pangit yung isoot mo don no! At siguradong matutulala sayo ang mga tao tsaka si Sir troy" sabi nya na may nakakalokong ngiti.

"Ewan ko sa inyo! Pati si Sir troy dinadamay nyo sa kalokahan nyo" sabi ko.

"Suss! Alam mo Sab? Feeling ko talaga may gusto sayo si Sir troy" sabi ni shantel

"Alam nyo kayong dalawa! Mabuti pang mag-ayos na kayo baka mahuli pa tayo eh" sabi ko at tinutulak ko sila palabas ng kwarto.

"Yieee! Crush mo si Sir troy no? Tingnan mo nga yung pisngi mo namumula haha!" Pang asar ng dalawa.

"Ewan ko sa inyo" sabi ko at sabay hawak sa pisngi ko.

Lumabas na sila at habang naglalakad sila at panay ang pang-asar pa nila sa akin. Nahiya tuloy ako, dahil sa lintek na pisngi nato! Lagi nalang akong ipinapahamak sa tuwing inaasar nila ako kay sir troy.

Pumunta ulit ako sa aking kama at kinuha ko ang magandang gown. Napapangiti nlang talaga ako sa ganda. Parang isang ball yung pupuntahan namin haha!

Naligo ako at nag-ayos ng muka. Medyo kinapalan ko yung make-up ko para hindi agad matanggal. Ayokong mag mukang stress don no haha! Red lipstick at medyo pink na powder sa pisngi makapal na pilik mata ay mataray na eye liner. Inahit kodin ang medyo magulong kilay ko na kung titingnan ay parang wala ng patutunguhan haha! Medyo mataray yung kilay ko parang mag mukang mayaman kahit ngayong gabi lang haha! At syempre inayos ko din ang mahaba kung buhok. Nilagyan ko ng nalang ng pang clip yung buhok para hindi sya mapunta sa muka ko. Nakalugay yung buhok at hindi ko sya inipitan para hindi rin medyo makita ang likod ko.

Sinoot ko na yung long gown na soot ko. Tiningnan ko sarili ko sa malaking salamin. Parang diko nakilala sarili ko haha! Grabe ako ba to? Long fitted gown na kulay black at may hati sa bandang hita ko kaya kitang kita yung legs ko. Kita din yung dibdib at likod ko kaya Medyo naiilang parin ako dahil sigurado sobrang daming tao don. Sinoot kona ang 5 inches high heels ko kasi ayokong mag mukang pandak don haha!

Bumaba na ako dahil kanina pang nagiintay sina shantel at ayumi sa baba.

"Wow sab! Tinalo mo pa ang Ms Universe nyan ha!" Bati ni ayumi.

"Grabe Sab! Hindi talaga ako nagkamali na bagay talaga ang black fitted gown sayo! Super duper ganda mo" bati naman ni shantel.

"Kayo din naman eh" sabi ko.

Fall In Love With Her SecretaryWo Geschichten leben. Entdecke jetzt