Chapter 47

118 9 2
                                    

Gavin's POV




Akala ko noon si troy hindi na maniniwala sa LOVE.  Mga bata palang kasi kami kahit Crush wala sya. Hangga't sa lumaki kami, hindi parin ako makapaniwala na umubra sa kanya ang Love ng nakilala nya si Sabrina.

Halos lahat kami nakangiti dahil kay Troy at sabrina. Ang saya kasi nila tingnan. Para silang batang nagtatalo haha! Pero deep inside inlove talaga sila sa isa't isa.

Hinila ni troy si sabrina patungo sa labas. Hindi na namin sila sinundan at hinayaan na silang dalawa.







Troy's POV

Akala ko noon, magiging malabo ang lahat sa akin. Yung buhay kong walang patutunguhan. Pero binago nya ang lahat ng iyon.

Sabi nila ang LOVE daw ang magpapago sa madilim kong buhay. Tss... para sakin hindi. Ni hindi sumagi sa isip ko ang magkagusto sa babae. Ni hindi ko ma-imagine na magmamahal ako sa babae. Para sakin, ang babae isang gamit lang na kapag napag-sawaan na pwede ng itapon.

Pero ang lahat ng akala at noon ay nagbago at binago noong nakilala ko ang isang Sabrina Arielle.

"Mom what's this?" Naguguluhan kong tanong

"Resume Paper" nakangiting sagot ni mommy.

"For what?"

"Son ikaw yung bagong CEO ng Vergara's building, kaya need mo ang bagong Secretary"

"Yes mom, pero para saan itong Resume?"

Kinuha nya ang papel na hawak ko at umupo sa tapat ko.

"This is Sabrina Arielle, your new secretary"

"What?!!! No mom andyan si nica, kaya sya nalang yung secretary ko"

"No son!, napagplanuhan kona ang lahat si Sabrina ang bago mong magiging secretary"

"But mom? Ayoko sa iba gusto ko kay Nica. Sanay nako sa kanya!"

"Son" sabi nya at hinawakan ang kamay ko "I promise na magugustuhan mo si sabrina, maganda at matalino sya, tsaka mabait yung batang yun she looks like an angel son"

"Tss... Mom kahit tunay na anghel ang dalhin mo dito ma's gusto ko parin si Nica"

"This is an order from your mom, and you can't do anything about it"

Tumayo sya at patungo palabas ng kwarto ko "But mom?"

"No buts! That's an order"

Nung araw nayun pinakilala nya sakin si sabrina na syang magiging secretary ko. At kinabukasan nun umalis na si Mommy at patungo sya ng Canada para tulungan si Daddy sa iba pa naming bussiness. At noong umalis si mommy nung araw ding yon, nakilala at nakita kona sya.

Tama si mommy maganda at muka syang anghel. Pero wala lang sakin yon. Hangga't lumipas ang mga araw kita ko sa kanya ang paghihirap nya bilang secretary ko. Sadyang pinahirapan  ko sya noon, para maramdaman nya ang pagod at hirap pa sumuko sya.

Pero nagkamali ako. Naging matyaga at naging malakas sya. At doon na unti-unting nagbabago ang pagtingin ko sa kanya. Unti-unti ng nahuhulog ang loob ko sa kanya. Sa tuwing nakikita ko ang muka nyang nakangiti, pakiramdam ko binubuo nya yung araw ko.

Niyakap ko sya ng mahigpit na mahigpit yung tipong hindi na sya makakawala pa sa akin.

"I'm sorry sabrina" malambing na sabi ko.

Tumingin sya sakin "H-ha? Para saan?"

Ngumiti ako tsaka hinalkan ang noo nya "Alam ko noon, hindi maganda ang una nating pagkikita. Naging masama ang trato ko sayo. Pinagod kita at pinahirapan, pinagsalitaan kita ng masasakit na salita at--"putol na sabi ko.

Fall In Love With Her SecretaryWhere stories live. Discover now