Hindi pede dito nalang sabihin ang gusto kong ipaalam sa iyo. Napakahalaga nito, lalong-lalo na sayo.

Sa dating coffee shop. Bukas at alas-dyis ng umaga.

Pumunta ka!



Halos mag-damag kong ini-isip ang sinabi nya sa akin kahapon lang.

"Mahalaga sa akin?" Pabulong kong sabi saking sarili.

Maaga nakong gumising at dumeresto na sa opisina ko. Naabutan ko si Gavin na naka-upo na kanina pa pala akong iniintay.


Mali ako. Hindi lang pala si Gavin pati nadin ang dalawang mokong.

"Goodmorning dude!" Bati ng dalawa habang si Gavin ay tutok sa telepono nya.


"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko sa knila.

"Bakit? Hindi na ba kami pwede tumambay sa office mo?" Sabi naman ni Drake.

"Pare hindi na tayo mahal ni Troy, iyak na tayo!" Sabi naman ni Liam.


Napa-iling at napatawa nalang ako. Mga uto-uto talaga! Pero pa minsan-minsan nakaka-miss ang katarantaduhan nila.

"Gavin may gusto sana akong itanong sayo?" Tanong ko kay gavin at agad naman syang tumingin sa akin.

Balak ko sanang itanong sa kanya kung ibinigay ba nya ang number ko kay sabrina para makatawag ito sakin. Pero pinapangunahan ako ng hiya, alam kong magmumuka akong assuming pero gusto kolang talagang malaman.

"Ano yun?" Tanong nya.


"Y-yung number ko, ibinigay mo ba sa k-kanya?"


Nangunot ang noo nya. "Ha? Number mo? Sinong kanya?"

Ngayon alam konang hindi sya ang nagbigay dahil sa mga sagot nya.

"Wala, Never mind" pagsabi ko noon agad akong tumayo at naglakad palabas.


"Dude where you going?" Tanong ni Drake.

"Maiwan ko muna kayo, may mahalagang akong pupuntahan" pagkasabi ko ay agad akong nagpatuloy umalis.



Habang nagmamaneho ako ng aking sasakyan hindi na maalis  sa isipan ko kung ano ang gustong sabihin sakin ni Sabrina at kung bakit kailangan ko pang' makipagkita sa kanya.






Sabrina's POV


Mabilis kong kinuha ang aking cellphone sa bag para tingnan kung sino ang nagpadala ng mensahe.


Unknown #****

dito nako.


Agad kong tiningnan si Marco.

"Nasa loob na sya Marco"

Ngumiti sya tsaka nag-nod. Inayos ko muna ang aking sarili tsaka lumabas ng kotse. Napansin kong hindi gumagalaw o hindi lumalabas si Marco ng sasakyan.

"Hindi mo ba ako sasamahan marco?"


Hinawakan nya ang kamay ko.

"Ok lang sabrina. Kaya mo na 'yan,"

"Pero Marco..."

"Sabrina may tiwala ako sayo, alam kong kaya mo na syang harapin ngayon. Tsaka pribado ang pag-uusapan nyo'ng yan, kayo lang dapat ang mag-uusap. Hindi kona kailangan pang sumama." Nakangiting nyang sabi.



Fall In Love With Her SecretaryWhere stories live. Discover now