Chapter 36

72 4 0
                                    

Chapter 36

Napahawak ako sa ulo ko nang isang puting liwanag ang bumalot sa kapaligiran ko. Sobrang sakit ng ulo ko. Nang hawakan ko iyon gamit ang mga kamay ko, agad kong naramdaman ang bandage doon.

Ang huling natatandaan ko lang ay noong na-aksidente kami ni Silas. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil nawalan na ako ng malay.

Agad akong bumangon at agad na hinanap ng mga mata ko ang iisang tao.

Si Silas.

Kailangan kong masiguro kung ligtas siya.

Gusto kong matawa sa sarili ko. Kaming dalawa ang na-aksidente, at ngayong nagising na ako… imbes na ang sarili ko ang isipin ko, mas naunang pumasok sa isip ko si Silas.

Ganoon ba talaga?

Hindi ko masabi kung ano itong nararamdaman ko sa kanya. Yes, I loved him. Pero matagal na panahon na iyon. Matagal ko nang inalis ang pagmamahal ko sa kanya, pero… bakit parang hindi naman yata iyon nangyari?

Bakit parang… hindi ko pa rin malaman kung ano itong nararamdaman ko sa kanya ngayon? I doubt it was only care— because I know it wasn't only care.

Naguguluhan ako, at mas lalo pa akong naguluhan nang muli akong pumasok sa buhay niya.

Parang isang pelikula kung saan ako ang extra at si Silas ang bida. Muli akong magpapakita sa eksena at pagkatapos ng role ko ay muli akong mawawala sa eksena.

It feels like the only role in his life was to be there when he needed me.

"Nasaan si Silas?" tanong ko kay kuya Alas nang makita siyang kapapasok lang sa kwarto ko.

He brought me some fruits and flowers and he slowly placed them on the table. Matagal siya bago nakasagot kaya kinabahan ako.

"Nasa kabilang kwarto,"

"How's his condition? Nabangga kami sa isang puno… does that mean that… it's possible for him to regain his memories?" I asked.

He shrugged. "Hindi ko pa alam, pero ayon sa doctor… oo. Pero, depende pa rin iyon sa kondisyon ng utak ni Silas." 

Napatitig ako sa kawalan.

"Ikaw dapat ang inaalala mo, Ocean. Malala ang pagkakabagok ng ulo mo. Ayos lang ba ang pakiramdam mo ngayon?" Kuya Alas asked.

Tumango ako. "Oo, naalala ko pa nga ang sarili ko, e. Hindi din ako nagka-amnesia whatsoever." I joked.

He chuckled. "Matibay yata 'yang utak mo. Sana, gumaya sa'yo ang kapatid ko."

"Can I visit him?"

"Are you really sure you can move or walk? Sa ngayon, dapat nagpapahinga ka muna. Eat the fruits I brought for you." he sighed.

Umiling ako. "Maayos naman na ang pakiramdam ko, kuya Alas. There's nothing to worry about." 

"You sure? Pero saglit ka lang doon, ah? Baka pagalitan ako ng nurse…"

Agad akong ngumiti at nagpasalamat sa kanya. Isinakay niya lang ako sa wheelchair at pagkatapos ay agad na dinala sa kabilang kwarto. Nandoon nga si Silas, nakahiga at wala pa ring malay hanggang ngayon.

Matagal ko siyang pinagmasdan. Bumuntonghininga ako kalaunan.

"This bastard really needs to stop driving cars. Hindi na nadala. Na-aksidente na siya noon, naulit na naman ngayon. And worst, nadamay ka pa." Kuya Alas sighed heavily.

Destructing The Flame's DeceptionWhere stories live. Discover now