Chapter 21

66 5 0
                                    

trigger warning: eating disorder, panic attacks, anxiety (read at your own risk)

Always remember that you're beautiful just the way you are. You are perfect on your own ways.

Chapter 21

"Do you have a boyfriend, Ocean? Kanina pa panay ang tingin mo sa phone mo." Manager Ann suddenly told me.

Nasa kalagitnaan kami ng shoot ngayon at saktong break time namin. Hindi din naman ako kakain ngayon dahil naka-strict diet ako kaya tinetext ko nalang si Silas.

Silas:

You should eat, Ocean. Kailangang may laman ang tiyan mo kahit anong mangyari.

Ocean:

Hindi kasi talaga puwede. My manager will get mad at me. Hindi ako puwedeng kumain ng kung ano maliban sa tubig.

Silas:

Is that really how being an actress works? Kailangan ba talagang maging unhealthy ka?

Bigla akong nawala sa mood nang mabasa ang reply niya. Hindi niya kasi maintindihan. He's been pushing me a lot of times to eat and not skip any meals, but I really need to. Ngayong araw nga, isang baso pa lang ng tubig ang naiinom ko. Hindi pa din ako kumakain ng kahit ano hanggang sa sabihin sa akin ng manager ko na puwede nang kumain.

"Ano 'yon? Wala, ah. I'm just busy updating someone." sagot ko sa kanya.

"Hindi ka pa naman nagugutom, right? Kinabukasan ka pa puwedeng kumain, okay?"

Tumango nalang ako sa manager ko. Maya maya pa, nakita ko silang kumakain sa isang lamesa kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng gutom. Sa harap ko pa talaga sila kumain kaya bigla akong natakam. Gutom ako pero ayoko nalang ipagsabi. Besides, tinatamad din naman akong kumain.

Kakauwi ko lang sa condo ko at agad na nagpaalam sa manager ko. Nang papasok pa lang ako sa pinto, nakita ko agad si Silas na naka-abang sa gilid ng pinto ko. Nakahalukipkip ito habang masama ang timpla ng mukha.

"Magkakasakit ka sa ginagawa mo," Silas told me.

I sighed. "I already eat, don't worry."

Pero ang totoo, wala pa akong kinakaing kahit ano maliban na lamang sa tubig.

He raised his brow. "I understand that you need to be physically fit. But in order to do that, you need to eat and be healthy. You might get sick if you continue to be like this."

"Thank you so much for your concern, Silas. Pero, kumain na ako."

Tinaas niya ang dalawang paper bag na hawak niya, na hula ko ay mga pagkain.

"Here, I bought this for you. Sabay na tayong kumain—"

"I said that I already ate before I go home," putol ko sa kanya.

"And what did you eat?"

"Basta. It's none of your business anymore, okay? So please, let me rest. Pagod ako, wala pa akong tulog." walang gana kong sabi sa kanya.

Nilagpasan ko siya at pagkatapos ay napapikit ako nang mariin. It was just a bad day for me, hindi ko sinasadyang medyo mataasan ng boses si Silas. Siguro, dala ito ng hindi ko pag-kain ng kahit ano ngayong araw kaya sobrang wala akong ganang makipag-usap kahit kanino.

"Are you alright, Ocean? Your voice seems pale. You looked pale too. Did you really eat?" Silas looks worried while looking at me.

Hinawakan niya ang braso ko pero agad kong winasiwas ang kamay niya. Mukhang nagulat siya roon kaya agad akong nakaramdam ng guilt.

Destructing The Flame's DeceptionKde žijí příběhy. Začni objevovat