Chapter 35

69 4 1
                                    

Chapter 35

Hindi ako mapakali. Nangangatog na ang katawan ko habang mas tumatagal na hindi siya nakikita. Nanatili ako sa gitna ng dagat, pinipilit hanapin siya kahit hirap na hirap na ako dahil halos wala nang maabot ang paa ko.

Pilit ko pa ring sinisigaw ang pangalan niya pero hindi pa rin siya lumilitaw. Habang mas tumatagal, mas lumalala ang pag-aalala ko sa kanya.

Please, I need him to be safe.

Makita ko lang siyang ligtas, ayos na iyon sa akin.

Pero kinakabahan ako na baka kung napaano na siya ngayon, na baka kung saan siya inanod ng dagat, na baka hindi ko siya makita ay dahil inaanod na siya sa kung saan.

I shut my eyes, as well as my mind from keeping over thinking so many things that I shouldn't think.

Ligtas si Silas.

Maybe he was just playing with me. A hide and seek game. Yeah, that's it.

Mas gugustuhin ko pang isipin na pinaglalaruan niya lang ako.

Pinaglalaruan. Na naman.

Pabalik balik ako sa gitna ng dagat. Panay din ang tingin ko sa dalampasigan, inaasahang nakabalik na siya, ngunit nabigo ako.

Napansin ko rin ang kalangitan na unti unting dumidilim, hudyat na may paparating na isang malakas na ulan.

At kung uulan pa, posibleng magkaroon ng malakas na ahon. Mas lalo akong mahihirapan sa paghahanap sa kanya.

Gusto kong kunin ang phone ko para tumawag na ng mga rescuer, pero alam kong wala din akong mapapala dahil kailangang 24/7 siyang nawawala bago ako tulungan ng mga rescuer.

I have a deep breath. I tried to calm myself because I keep on shaking from so much fear and nervousness. I kept on panicking to the point that I couldn't breathe properly anymore.

Habang tumatagal at lumalamig ang panahon, mas lalo akong nawawala sa aking sarili. Nagsimula nang bumuhos ang malakas na ulan.

Magkasabay na tumutulo ang mga luha ko at sa tulo na nang-gagaling mula sa ulan. Humagulgol ako habang sinisigaw ang pangalan niya. I kept on shouting his name until my voice got totally empty.

Please… I just need to see him.

Mas lalo pa akong pumunta sa dulong bahagi ng karagatan hanggang sa tuluyan na akong lumubog. Hinayaan ko ang sarili kong lumubog at nang sinubukan kong umahon, isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko.

For once in my life, I tried to swim even if I knew that I couldn't swim properly. I kept on pushing my feet to push myself from above, until I was able to swim properly.

I will find Silas no matter what, even if it will put my life in danger.

Isang malakas na kulog ang narinig ko, kasabay ang kidlat, hanggang sa makakita ako ng isang katawang lumulutang sa ibabaw ng karagatan kaya agad akong natigilan at napasapo sa bibig.

Agad akong sumigaw sa gulat. Agad akong lumangoy papunta sa bahaging iyon at nakitang si Silas nga iyon! Wala siyang malay ngayon kaya agad kong hinila ang braso niya. Kahit bigat na bigat na ako ay nagawa ko pa rin siyang mahila hanggang sa makarating kami sa dalampasigan.

Inihiga ko siya roon at agad kong nilagay ang tainga ko sa bibig niya. Thank God he's still breathing. Agad kong nilagay ang kamay ko sa dibdib niya at sinubukan siyang i-revive. Mabuti at marunong ako sa mga bagay na ito kaya hindi ako nahirapang maligtas siya.

Destructing The Flame's DeceptionWhere stories live. Discover now