Chapter 23

67 5 0
                                    

trigger warning: death, suicide (read at your own risk)

Chapter 23

Nothing's scared me more than hearing my Kuya Dylan's voice like that because I knew something was off. Nagmamadali akong umalis sa rooftop at naiwanan na roon si Silas. He was clueless because he never knew who called me. Sinundan niya ako at agad na pinasakay sa sasakyan niya.

Kinakabahan ako. Lalo na nang marinig ang boses ni Kuya Dylan. His voice sounds so helpless and I know that he really needs my help. It's a monday, kaya alam kong wala sila mama at papa sa bahay ngayon.

"Can you drive faster?" I asked Silas.

Tumango siya at agad akong sinunod. I tried contacting Kuya again but he's not answering anymore. Sobrang naiiyak na ako at kinakabahan sa kaba. That even when Silas already touched my hand to make me feel warmth, I cannot feel warmth anymore.

Please… sana walang ibang mangyari sa kuya ko.

Lord… not now, please… I'm begging you.

Silas drove even faster kaya humawak na ako sa handle ng sasakyan niya. Kaya lang, inabot pa kami ng traffic kaya mas lalo akong naiyak.

"I'll just run, malapit naman na tayo sa amin." 

"Ocean! Don't do that!" pigil ni Silas sa akin.

Hinawakan niya ang kamay ko pero agad akong nagpumiglas sa kanya.

"I have no time, Silas! Hindi ko na ma-contact si kuya! I'm really worried about him! If I get late… What could happen? Kaya please! Let me run!" sigaw ko sa kanya.

He swallowed hard and he slowly nodded. Siya na ang nagtanggal sa seatbelt ko kaya nang makababa ako, agad kong inalis ang heels ko at tinira ang paa ko.

I ran on the side of the road without any footwear. Hindi ko ininda ang sakit sa mga paa ko. I just want to go there faster. At habang tumatakbo, patuloy ko pa ring tinatawagan si kuya Dylan pero hindi na talaga siya sumasagot.

It's now raining and I don't even care whether I get wet from running at the side of the road. Wala na akong pakialam kung marami mang makakita at makakilala sa akin ngayon. For now, I will set aside being an actress.

For Kuya Dylan.

Nang makarating sa bahay, agad na sumalubong sa akin ang mga maids kaya natigilan ako.

"Ma'am, mahigpit pong pinagbabawal ng mama n'yo na huwag kayong papasukin sa bahay n'yo." The maids stopped me.

"Wala akong pakialam! Let me go inside! This is our house!" sigaw ko.

Akmang papasok na sana ako kahit basang basa na pero patuloy akong hinaharangan ng mga maids namin.

Fuck! Pakana na naman ito nila mama! At talagang pinagbawal nila akong pumasok sa sarili naming pamamahay?

Ang kapal ng mukha nila! I never really regret leaving our hell house!

"I need to see kuya Dylan! Where is he? Kahit makita ko manlang siya, ayos na sa akin iyon! Makita ko lang na nasa mabuting kalagayan siya." pakiusap ko sa kanila.

Nagkatinginan ang mga maids kaya napakunot ang noo ko.

"Umakyat po siya sa kwarto niya kanina matapos nilang magtalo ng magulang n'yo," 

"Nagtalo? Ulit? Sinaktan ba nila ang kuya ko? Tell me!" sigaw na pakiusap ko.

"Hindi po namin alam, nasa study room po sila no'n. Pero nakarinig po kami ng… sunod sunod na pagkabasag ng vase."

Destructing The Flame's DeceptionWhere stories live. Discover now