Chapter 29

67 6 0
                                    

trigger warning: suicide (read at your own risk)

Chapter 29

What did I do in the past for me to deserve this kind of life? To be honest, the world has always been cruel to me. It feels like the world wants to tell me that I don't deserve to be born in this world because all I experienced was pain.

I cannot look Silas straight in his eyes. His lips parted in shock as he tilted his head. He was confused too. I was confused too from the start because it makes no sense, but now... it's making sense.

Silas shook his head.

"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo. Are you telling fake stories so that you can break up with me? That's pure ridiculous."

How I wish that I was just telling fake stories.

Kinuha ko ang envelope mula sa bag ko at agad iyong binigay sa kanya. He doesn't want to accept it but since I handed it to him, he accepted it.

He stared at it for a while before reading the statement on the paper.

"Dna test result? Positive? I don't understand it." napahawak siya sa ulo niya.

Malalim akong bumuntonghininga. Nahihirapan akong sabihin sa kanya ang totoo, pero ito naman ang nararapat, hindi ba? Ang sabihin sa kanya ang katotohanan bago mahuli ang lahat.

"Your mother and my father loved each other before. Luciana had a daughter... that she thought died... but my grandma made her think that her daughter died, but the truth is... she didn't die. At ako... a-ako ang naging bunga ng pagmamahalan nilang dalawa noon." nahihirapan kong paliwanag sa kanya.

Napa-angat ang tingin sa akin ni Silas. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala. Hindi niya pa rin ma-proseso sa isipan niya ang lahat ng mga nangyayari.

"At si Dylan? Hindi ba't kapatid mo siya? Bakit? Paano? That doesn't makes sense!" He said.

"Kuya Dylan and I were not real siblings. Hindi ko alam... but probably, he was also from the orphanage."

"Ano 'yon, Ocean? Wala akong maintindihan! Why is this happening? Paanong... si mommy... hindi, hindi maaari!"

Pumikit ako nang mariin habang patuloy ang landas ng aking luha.

"That's why we can't be together!" sigaw ko sa kanya.

He shook his head. "Run a dna test again! Baka may mali lang, baka mali itong result!"

"We need to accept it!"

"Natanggap mo na? Ganoong kadali na lang ba sa'yong tanggapin ang lahat? Hindi mo ba naiisip na baka peke ang lahat ng ito?" he asked.

"Sa tingin mo ba ganoong kadali na lang sa akin ang lahat? Hindi, Silas! Ayoko munang makita ka ngayon dahil... nandidiri ako sa sarili ko! Nandidiri ako sa ating dalawa! Nandidiri ako sa kaisipang... minahal ko ang kapatid ko!"

Umiling siya. "Hindi kita kapatid!"

Tuluyan nang bumuhos ang luha ko. Sinubukang lumapit sa akin ni Silas pero agad kong nilayo ang katawan ko sa kanya. He keeps on shaking his head, as if he doesn't want to believe the truth.

Mahirap ding tanggapin para sa akin, pero may magagawa ba ako?

Ayokong tanggapin... ayokong mahiwalay kay Silas. Pero... tama pa ba itong ginagawa namin? Dahil ni-minsan, hinding hindi magiging tama ang ginagawa naming dalawa.

Nasusuka ako sa sarili ko. Why him? Bakit siya pa ang minahal ko? Bakit ako nagkaroon ng relasyon sa kanya? Sa kapatid ko?

Pinikit ko nang mariin ang mga mata ko. Halos wala ng boses ang lumalabas sa bibig ko. All I could feel was pain. My heart is aching so much.

Destructing The Flame's DeceptionWhere stories live. Discover now