Chapter 34

69 5 0
                                    

Chapter 34

Nakatulala lang ako sa kawalan habang marahang pinagmamasdan ang kalangitan. It was now dark, and the only light I could see was from the stars above and from the bonfire that we both made earlier.

Silas decided that we should sleep together in the mini tent he has made. 

Pero ngayon, hindi ko alam kung makakaya ko pa bang makasama at makatabi ang lalaking wumasak sa buong pagkatao ko.

It was not as if I was affected by that kiss. Nagulat lang ako. Hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon. I wanted to kick him or slap him but I cannot do it because he will start to doubt me.

All I could feel right now was pure pain.

Habang pinagmamasdan ko siyang inosenteng nag-iihaw ng mga marshmallow habang hawak ang mga barbeque stick, parang bigla kong naiisip na isaksak iyon sa kanya, nang sa gayon ay matauhan siya sa lahat ng mga ginawa niya sa akin.

Pero alam kong hindi ko magagawa ang mga bagay na 'yon.

I hated myself for not kicking him and stopping him from that kiss. Siya ang unang kumalas nang ma-realize niyang mas'yado akong nagulat sa ginawa niya.

"What do you want us to do tomorrow? What kind of activities do you want? Do you want to go scuba diving? Do you want to catch a fish?" Silas asked me but I didn't answer him.

Nanatili akong nakatulala habang patuloy ang pagtatanong niya sa'kin. Parang wala pa rin ako sa sarili ko. Kung hindi niya pa tinapik ang braso ko, hindi ko pa maririnig ang mga tanong niya.

"Ano ulit 'yon?"

Malalim siyang bumuntonghininga. "What's bothering your mind?"

Agad akong umiling. Ayokong mahalata niya na may mali sa ginawa niya. Isn't that what couples really do? It's normal, right?

It's normal for him because that's what he knew, but what about me?

"Wala," tipid kong sagot.

"Puro ka wala, alam ko namang merong bumabagabag sa isipan mo." He blankly said.

Sandali akong napatingin sa kanya kaya natigilan din siya agad.

"I have noticed that you keep on keeping secrets to me, and I'm not liking it at all." walang emosyon niyang sinabi sa akin.

Napatitig na lang ako sa ginagawa niyang smores. Hindi ako nakapag-salita dahil hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya. 

I just swallowed hard and refused to answer his question.

"You can always tell me everything, okay? Whatever's going on in your mind, you can always talk to me. Handa akong makinig sa bawat sasabihin mo." 

Nanatili akong nakatitig sa kanya.

"What's our problem?" 

Our problem?

What if I told you that you were the problem?

Na pagod na akong problemahin kung paano ko pa itatago ang lahat kay Silas. Na pagod na akong maipit sa sitwasyong ito. Na pagod na akong magpanggap sa kanya. Na pagod na akong ipagsiksikan ang sarili ko sa kanya, gayong alam kong kapag naging maayos na ang lahat… magiging isang basura na lang ako sa kanya.

Hindi ko siya sinagot at tumayo na lang para pumasok na sa tent. Kinuha ko lang ang phone ko at naglaro ng kung ano ano doon para hindi na niya ako gambalain pa.

Pero, sumunod pa rin siya sa akin. Pumasok din siya sa loob at umupo sa tabi ko. Inakbayan niya ako at marahang hinaplos ang buhok ko.

Tumataas bigla ang balahibo ko. After how many years, ngayon ko lang ulit naramdaman ang pagkabog ng puso ko… na sa kanya ko lang nararamdaman simula pa noon.

Destructing The Flame's DeceptionWhere stories live. Discover now