EPILOGUE

67 0 0
                                    

EPILOGUE


One year later.....

"May lakad ka ba, nak?"

I nodded. "May pupuntahan kami ni Andy."

"Mag ingat kayo. Send my regards to Andy."

I kissed her cheek and waved goodbye. I promised Andy that we will have a playdate. Ngayon ko lang ulit siya makikita dahil galing ako ng states.

Isang taon na simula noong nagkita kami ni Symone sa korea. Ang bilis ng panahon. Natapos na rin ang bahay ni mommy. Nag retire na siya sa trabaho niya, she decided to live here in the Philippines for good. Kasama niya sa bahay ay Tita Isabel. Minsan lang rin dumalaw si Novie sa bahay dahil may condo na siya, malapit sa school.

Habang ako, nag resign ako bilang HR administrator pero isa pa rin akong freelance model. Pag wala akong shoot, umuuwi ako ng pinas. Isa rin sa dahilan kung bakit madalas akong umuwi dito, may ipinapatayo akong Resto bar. Para may silbi rin ang pag uwi ko rito, para rin may pagka abalahan sila mommy.

"Ate Alina, you're here!"

Agad tumakbo papalapit sa akin si Andy. Niyakap siya mahigpit habang sinusuklay ang kanyang buhok. Nag angat ako ng tingin nang makita ko si Symone. Bumitaw na ako sa yakap.

Ngumiti siya sa akin. He opened his arms for a hug and took a step toward me. Mabilis akong lumapit sa kanya at saka siya niyakap. I wrap my arms around him to tighten the hug. God, I missed him so much. He slowly caresses my hair and kisses the top of my head.

"Namiss kita," he said.

"I missed you too"

Bumitaw na siya sa yakap. Nagtama ang tingin namin. Marahan niyang hinawakan ang kaliwang pisngi ko at hinalikan ang noo ko.

Isang taong ang nakalipas, naging mas tumibay ang relasyon namin. Naging totoo siya sa lahat ng sinabi niya sa akin. I fall in love with him every day. Isa sa mga nagustuhan ko tuwing kasama ko kay Symone, marami akong natutunan sa kanya. He teaches me things that are new to me without making me feel dumb. It's a good feeling to be with him in discovering new things.

Sa loob ng isang taon, mas nakilala ko pa si Symone. Nakilala ko na rin ang ama niya at ang kapatid niya. They're so nice. Nakwento sa akin ng kapatid niya, ang pinaka ayaw ni Symone ay pagpinaghihintay siya pero sa akin lang daw siya willing maghintay. I've seen how strict Symone is when it comes to Andy but he's responsible when it comes to parenting. Isa sa mga nagustuhan ko kay Symone ay ang pagiging caring niya. He become selfless when it comes to the people he loves.

Marami kaming napag usapan ni Symone. Kasama na ang plano namin. It melts my heart every time he included me in his plans. We always talk about our future. We're getting older and we can't avoid talking about marriage. Pero ang malinaw sa akin, siya lang ang gusto kong pakakasalan. He's the only one I'm going to spend my life with.

Nasaksihan ko ang pagsusumikap ni Symone. Ang mga sakripisyo niya para makamit ang kanyang pangarap. I've seen him in his worst. I've seen him in his downfall. But I've never see him give up.

Now, Symone owns a construction company. Matagal na niya itong pangarap. Isa ito sa mga inasikaso niya pagkatapos niyang makapagtapos ng pag aaral. After 8 years, all his hard work has paid off.

"Let's play here, Ate Alina"

"Be careful, Andy" Paalala ko sa kanya.

Kasalukuyan kaming nasa indoor playground. This is our playdate. Hindi sumama sa amin si Symone dahil may trabaho siya pero magkikita kami mamaya. May dinner kami kasama si mommy. Nakakatuwa lang kasi tinuturing ni mommy si Andy na parang apo niya. Tanggap niya ang pagmamahalan namin ni Symone. At tanggap niya rin ang nangyari sa amin noon.

OVER THE MOON [CAMPUS SERIES #1] COMPLETED Where stories live. Discover now