13

49 5 0
                                    

                                 13




Kasalukuyan kaming nanonood ng movie. Kakatapos lang namin kumain tapos ngayon may pagkain na naman. Hindi ko sila maintindihan, horror ang napili nilang panoorin pero palaging nakatakip ang mga mata nila. Ang weak. Ayoko ng katabi si Novie tuwing nanonood ng horror movie, ang sakit sa tenga pagsumisigaw  na may kasamang hampas.

Hindi ako makapagpokus sa pinapanood namin dahil nililipad na naman ang utak ko. Hindi ko mapigilang isipin si Regan at ang birthday celebration ni Dad.

“Labas muna ako” paalam ko sa kanila.

“Bakit?”

“May naiwan ako sa pool side” pagsisinungaling ko.

Kakausapin ko si Regan . It’s now or never.

“Okay, balik ka agad” Saad nila.

Paglabas ko ng kwarto ni Neicy, rinig ko ang tawanan nila Niccolo sa baba. Ano pa ba ang ginagawa nila? 9pm na.

Dahan dahan akong bumaba sa hagdan hanggang nakita ko na sila.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng matanaw ako ni Symone at nagtama na naman ang tingin namin. Pinanliitan ko siya ng mga mata. I glanced away. Nung nasa harapan na nila ako, nag ipon ako ng lakas bago
tawagin si Regan.

“Regan…” tawag ko sa kanya
Napalunok ako ng ilang beses ng makita ang mga seryoso nilang tingin.

Ngumiti siya sa akin. “Alina, ikaw pala, bakit?”

I cleared my throat. “P—pwede ba tayong mag usap?”

Nagdadalawang isip siyang tumango. Nauna na na akong pumunta sa may pool, naramdaman kong nakasynod siya sa akin.

Humarap ako sa kanya at humalukipkip.

“I just want to clarify some things”

“Like?”

“What’s going on between you and Novie” Matapang ko siyang tinanong.

Natigilan siya sa tanong ko. Mababakas sa kanyang mga mata ang pagkagulat.

“I saw this coming, that you were going to ask me that question. I think it’s safe to say that you stalked me on Instagram.” He confidently said.

“Next time, kung titingnan mo yung IG story ko, pindutin mo yung heart symbol sa baba para masaya” pabiro niyang sabi.

Ngayon ko lang narealize na makikita niya pala kung sino ang nag view ng stories niya.

“You’re not answering my question, Regan”

“We’re dating” he said then smiled.

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Tama ba ang narinig ko? They’re dating? Napahilot ako ng sintifo bago
siya tinignan ng deritso.

“K—Kailan pa? Pano nangyari? I mean, hindi naman kayo close diba? Hindi ko kayo nakikita na magkasama sa campus” sunod sunod kong tanong

“Last month---”

“What the hell! Last month pa? Bakit hindi ko alam?”

Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil hindi ko na kinakaya ang mga nalalaman ko ngayon.

“ I regularly visit her in the café . To tell you honestly, I don’t believe in love at first sight but when I saw Novie, this might sound corny but something magical happened.”

Napamangha ako sa sinabi niya. I can’t believe that Regan Fabian is speaking from the heart. I can feel the sincerity in his voice.

“Bakit hindi niya agad sinabi sa akin?”

OVER THE MOON [CAMPUS SERIES #1] COMPLETED Where stories live. Discover now