12

48 5 0
                                    

                                  12



May gumuhit na ngiti sa labi ko nang makita ang scores ko sa exam. Buti nalang pasado lahat. Kailangan ko mag reflect sa scores na nakuha ko sa ibang subjects. Saan ako nagkulang? Inilagay ko na sa bag ang papers saka binalingan si Novie.

“Pasado ba lahat?” Tanong kong

Tumango siya. “ Buti nalang talaga kundi mapapalayas ako ni mama”

“Patingin nga,” Ibibigay niya naman ang papers niya. Pasado nga lahat.

“Galing ko diba?” Napangiti ako sa sinabi niya. Totoo Naman. “It runs in our blood,” Pagmamayabang niya.

Napawi ang ngiti ko nang mapansin ang suot niyang necklace. Ito ba yung laman ng paper bag?

Nabigla siya ng hawakan ko ang necklace niya. Kung hindi ako nagkakamali, VCA black necklace ang suot niya. Ang mahal niyan. I’m not saying that Novie can’t afford to buy this necklace but it’s very odd. Hindi naman siya mahilig bumili ng necklace lalo na kung ganito kamahal.

“Ito ba yung binili mo?” I asked.

“Y--- Yes” utal utal niyang sabi.

“Matagal ko na itong pinag-ipunan.”

“Ahhh okay”

Ewan. Pero hindi ako naniniwala sa sinabi ni Novie. Kailangan kong kumpirmahin kung tama ba ang hinala ko. Kung may relasyon man sila, hindi ako tutol pero aalamin ko muna kung seryoso at malinis ba ang intensyon ni  Regan sa pinsan ko.

Naputol ang pag- iisip ko nang magring ang bell, hudyat na uwian na. Tumayo na kami at nag ayos ng mga gamit.

“Mauna na ako beh, ingat ka pauwi” Paalam ni Novie

“Yeah, you too”

Binilisan ko ang pag aayos bago lumabas ng classroom.

Kasabay ko si Zeus pauwi. Minsan sumasabay rin siya sa amin papunta sa school I don’t mind naman, habang tumatagal nagiging komportable ako kay Zeus.

Kinagabihan, nag- ayos ako ng dadalhing damit para sa sleepover. Naisipan ko na magdala ng board games para malibang kami. Konti lang ang dadalhing kong damit dahil isang gabi lang naman kami dun.

Sa kalignaan ng pag aayos ko, tumunog ang cellphone ko. A call from an unknown number . Nagdadalawang isip akong sagutin ito hanggang kusa itong namatay. Napatingin ulit ako sa cellphone ko ng tumunog na naman. Inis ko itong dinampot ito at sinagot ang tawag.

“Hello? May I know who is this?”

I cleared my throat. I waited a few seconds to see if anyone would answer. Pinaikot ko ang mga mata ko at walang gana pinatay ang tawag. Bumalik ako sa ginagawa ko, pagtapos ay natulog na.

“Buti nalang pinayagan ako ni Ma’am” masayang sambit ni Novie.

Kasalukuyan kaming nasa room, hinihintay ang aming prof.

“May bawas yan sa sweldo mo, diba?”

“Oo beh”

Nakapagpaalaman na si Novie sa boss niya kaya tuloy ang sleepover.

Pumayag na rin si Tita, basta magpakabait lang daw dahil wala raw kami sa bahay.

“First time kong nag sleepover, gosh” she said.

“Same beh, same” Hindi pa naman ako komportable na matulog sa ibang bahay.

“Hi”

Napa-angat kami ng tingin kay Zeus.

OVER THE MOON [CAMPUS SERIES #1] COMPLETED Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu