07

59 7 0
                                    

                                  07




Ilang linggo ang nakalipas, balik sa normal ang lahat. Abala kami para sa darating na midterm exam. Medyo kabado ako para sa exam, because I haven’t studied yet. Maraming nangyari these past few weeks. Isa na dun ang mga nangyari pagtapos ng party.

A few days after the party people became curious about my life. Yung iba naman ay naiinis sa akin dahil nakita nila kami ni Symone sa bench, at nakita rin nilang isinuot ni Symone ang blazer niya sa akin. Every time maglalakad ako sa campus grounds, grabe yung tingin nila sa akin na para bang I did something wrong. They also said that I was cheating on my boyfriend because I was flirting with Symone.

“Yow, kumusta mga admirers mo?” nakangising tanong ng pinsan ko

Also, one of the things I hate now is the attention I get. Maraming nagpapansin sa akin kahit sinabi kong may boyfriend ako. Ang iba sa kanila ay nag iiwan ng love letters at flowers, which I find it very sweet but annoying.

“Shut up,” Pinanliitan ko siya ng mata.

“By the way, nag text sa akin si Neicy sabay daw tayo maglunch” I nodded.
“ May dala ka bang P.E uniform, Monday ngayon kaya may PE”

“Oo, meron”

Neicy and Leila are our new friends, akala namin pagkatapos ng party hindi na ulit kami mag uusap. Natapos ang ilang subjects and it’s lunch time na. Agad kaming nagtungo sa cafeteria at hinanap sina Neicy.

“Ayun sila,” Mabilis na tinuri ni Novie sila Neicy at Leila na nasa may bandang gilid sila nakaupo.

“Hi, kanina pa kayo?” Bati ni Novie at umupo na rin.

“Hindi naman, kakarating lang namin”

“Order na tayo”

“Ako na, anong gusto niyong pagkain?” mabilis kong tanong.

“Kahit ano nalang, Nick”

“Samahan na kita, Alina” Agad na tumayo si Leila at nagtungo na kami sa counter.

Mabuti nalang konti lang ang tao ngayon kaya hindi rin mahaba ang pila.

“Ready ka na ba sa midterm exam?”

Agad akong umiling “Bahala na si batman”

“Ang daming kong iniisip eh” dugtong ko.

“Like what? Admirers?” Napailing ako. “Kung alam mo lang, pati classmates ko nagkakagusto sayo. Campus crush yarn?”

“Yuck, never in my wildest dreams. Campus crush amp!"

Pagkatapos naming umorder, bumalik na kami sa table at nagsimula ng kumain.

“Punta kayo mamaya ah, we’ll expect you guys to be there,”

Neicy invited us to go to her birthday celebration. Pupunta rin daw yung mga classmate niya. Simple celebration lang daw dahil may pasok pa bukas.

“G kami” excited na tugon ni Novie.

“Diba may work ka mamaya?” Takang tanong ko.

“Don’t worry, ako na bahala. And it’s Neicy’s birthday naman kaya pupunta tayo”

Tumango nalang ako nagpatuloy sa pagkain.

“Sunduin ko kayo mamaya para sabay tayo papunta kina Neicy “ Leila suggested.

Nang matapos kaming kumain, bumalik na kami sa room. Pinag- usapan namin ni Novie kung nakahanda na ba yung ibibigay naming regalo kay Neicy. Ang plano sana namin ay kung hindi kami tutuloy mamaya, ibibigay nalang namin bukas. Hindi namin alam kung ano ang gusto ni Neicy kaya minimalist silver necklace nalang ang binili namin.

“Okay, go to your groups now” sigaw ni Sir Philip. PE professor namin.

Kasalukuyan kaming nasa Campus arena dahil maglalaro kami ng volleyball. Nakakainis dahil hindi ko kagrupo si Novie.

Unang pinalaro ni Sir Philip ang mga lalaki.

“Are you guys ready? And the game starts now,”anunsiyo ni sir at pumito.

Nilibang ko ang sarili ko sa panonood. In fairness, ang galing nila.

“Ready ka na?” napatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Novie.

“Gulat yarn?”

“Shut up, kinakabahan ako”

Nagkaroon ng long rally sa laro kaya mas naging intense ito.

“Denver is really good” komento ng pinsan ko.

Tumango ako bilang pagsang- ayon. He’s really good at playing volleyball. Sana all.

Denver smacks the ball into the opposing court by slamming it strongly downward the net unfortunately it wasn’t blocked immediately. Kaya tumama ito kay Zeus, na nasa likuran ng blockers. His head jumped off the floor after being struck in the face.

Natigil ang laro dahil sa nangyari. Dali dali kaming tumakbo papunta kay Zues. I thought he was knocked out dahil sa lakas ng impact pero hindi. Hawak hawak niya ang kanyang ulo habang pinipilit na tumayo.

“Mr. Ibañez we will take you to the clinic, Ms. Ysmael you go with us”

Wala akong nagawa kundi sumunod nalang. Tinulungan ko si Sir sa pag alalay kay Zeus papuntang clinic. Hindi ko alam kung bakit ako ang pinasama ni sir, hindi naman ako yung nakatama sa mukha niya. Pagkarating namin ay agad siyang sinuri ng school nurse.

Nababagot na ako dito dahil hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ng nurse.  Habang kinakausap ng nurse si sir Philip, biglang hinawakan ni Zeus ang pulsuhan ko.

“Thank you,” sambit nito.

“Why?” Taka kong tanong. “Hindi ko nga alam kung bakit ako nandito.” Saad ko habang inaalis ang kamay niya.

“For bringing me here,”

“Ah yun ba, walang anuman hehe”

The school nurse advised him to take him to the hospital for further examination. Nagpaalam na ako kay Sir Philip bago bumalik sa arena.

“How is he?” tanong nila nang makabalik ako.

“He’s okay, pero dinala siya ni Sir sa hospital for further examination.”

“Kanina pa kita hinihintay” bungad sa akin ni Novie. “May susuotin ka na ba mamaya?”

“Yes ma” Natatawa kong sagot. Minsan kase hindi na pinsan yung turing ko sa kanya kundi nanay dahil sa mga kilos at salita niya.

“Whatever,” pikon niyang sabi saka niya ako hinila papalabas ng arena.

It’s already quarter to six nang sinundo kami ni Leila.

“Bago tong car mo?” Usisa ni Novie nang makasakay kami.

“Bagong carwash,” mahinang tumawa si Leila at sinimulan ng paandarin ang sasakyan. “  Matagal na ‘to beh”

Ilang minuto ang nakalipas, nakarating na kami sa bahay ni Neicy. Yayamanin si ateng, ang laki ng bahay.

“Tara na” pag aaya ni Leila.

Pagpasok namin ay sinalubong kami ni Neicy.

“Happy birthday!”

“Thank you for coming, kanina ko pa kayo hinihintay.”

Inabot ni Novie ang regalo namin sa kanya at agad niya naman itong tinanggap.

“Sana magustuhan mo, muntik pa kaming mag away ni Janick dahil diyan.”

Excited na binuksan ni Neicy ang regalo namin. Napatalon ito sa tuwa at niyakap na kami ng makita ang regalo namin para sa kanya.

“Omg this is gorgeous! Thanks”

“Doon tayo sa pool side, I’ll introduce you guys to my classmates “ dugtong niya

“Hey, where have you been?” one of her classmates asked.

Bigla akong nahiya ng tumingin sila sa amin.

“I would like you all to meet my friends. Leila, Novie, and Alina” Pagkilala sa amin ni Neicy.

“Alina Janick? The face of the night?” The girl wearing a red dress asked.

I nodded. “Tama nga ang chismis”

What chismis??

“Will you please excuse us? Puntahan lang namin si kuya. Ipapakilala ko kaya kay kuya,”

All this time, hindi ko alam na may kuya pala siya.

“Kuyaaa!”sigaw ni Neicy habang papalapit kami

Nakatalikod ito sa amin, may kausap ito kaya hindi ko agad nakita ang itsura.

“Kuya, my friends are here. Say hi to them”

Nanlaki ang mga mata ko nang humarap ito sa amin at nakita ang pamilyar na mukha. What the heck!

“Guys, I would like you to meet my Kuya.” Siniko niya ito ng mahina para ngumiti.
“Niccolo Thomas Riva”

Golly gosh! Kuya niya si Medyo chinito.










----
I'm open to criticisms! Spread love and positivity<3 ily mwa!!!

OVER THE MOON [CAMPUS SERIES #1] COMPLETED Where stories live. Discover now