28

42 2 0
                                    

                                 28


"Nandito na ako sa Manila,"

"Alam na ba ni Isabel na andyan kana?" My mom asked over the phone.

"Hindi po, I want to surprise them. At saka hinihintay ko pa yung sasakyan ko , si Novie ang una kong pupuntahan.

"Okay, be safe. Ang mga binilin ko sayo, wag mo kakalimutan."

I'm back. I'm home. Ilang araw ko rin itong pinag- isipan but then I realize, minsan lang humingi ng favor si mommy kaya pinagbigyan ko na. Isa rin sa dahilan ko, gusto kong maka- bonding ang mga mahahalagang tao sa buhay ko. I will stay here for a month. Bago ako nagpasyang umuwi dito, tinapos ko muna lahat ng trabaho ko. Mom was right. I deserve a break. Puro trabaho ang inaatupag ko.

Hindi nagtagal, dumating na rin ang sasakyan na binili namin ni mommy. Hindi na ako kumuha ng condo unit dahil kila Tita Isabel ako pansamatalang titira. Nagtungo na ako sa school kung saan nagtatrabaho si Novie. She's a License Professional Teacher, she's an elementary teacher. Nakakaproud lang dahil hindi siya sumuko sa pag- abot ng pangarap niya.

Pagkarating ko sa eskwelahan, nagtanong ako sa school guard kung nasan ang faculty. Nakangiti ako habang binabaybay ang kahabaan ng corridor. Napatigil ako sa paglalakaf nang mapansin ang mga batang nag- aaway. Napakamot ako ng batok bago sila nilapitan.

"Hi, anong nangyayari dito?"

Umangat ang tingin nila.

"He's awful kase!" Tinuro ng batang lalaki ang katabi ko.

"They're bullying me" naiiyak na sambit ng batang katabi ko.

"That's not good, masama ang mambully" saway ko.

"He's awful, he don't have a mom. Pity"

My brows furrowed. Biglang uminit ang ulo ko sa sinabi ng bata. Kung hindi ka lang bata, papatulan kita.

"Kahit na, pag inulit niyo ito isusumbong ko kayo sa teachers niyo"

Pinandilatan ko sila ng mga mata, mabilis silang tumakbo papaalis.

"Thank you, ate" Saad ng batang lalaki.

Bahagya akong lumuhod para magpantay kami.

"You're welcome. Basta sa susunod, pag inaway ka ulit, isumbong mo agad sa teacher--"

Napatigil ako nang mapansin ang mukha niya. May mga feature siya na pamilyar sa akin. He has astonishing brown eyes, a pointed nose and.... his smile. He reminds me of someone. Umiling iling ako para mawaksi ang iniisup ko.

"I'm Constantine Andres, how about you ate?" He smiled.

Damn, his smile.

"Call me Ate Alina"

"You're so pretty, I wonder if you have a boyfriend"

Umiling ako. Malapad itong ngumiti at sabay palakpak.

"That's good. Hintayin niyo po ako hanggang lumaki ako. I'll make you my girlfriend."

Natawa ako sa sinabi niya. He's so cute and adorable. Magsasalita na sana ako ngunit napansin kong may kinakawayan si Constantine.

"Daddy!" He shouted.

Napalingon ako sa kinakawayan ni Constantine. My world stopped when I saw the man I loved before. After how many years, my heart is racing again. Ilang beses akong napalunok nang nasa harapan ko na siya. Mabilis akong tumayo at inayos ang sarili. So, he's the dad.

"Sorry kung natagalan ako" he said while looking at his son.

Niyakap siya ni Constantine saka mabilis na bumitaw.

OVER THE MOON [CAMPUS SERIES #1] COMPLETED Where stories live. Discover now