29

40 0 0
                                    

                                  29


Nag text si Novie na nasa bahay na raw siya. Nagpaalam na ako kila Dad dahil kailangan ko na rin umuwi.

"Hatid na kita," prisinta ni Ali

Agad akong umiling. "Wag na, may dala akong sasakyan"

"Mag iingat ka pauwi" then Ali kissed my cheek.

I nodded. Kinawayan ko sila bago tuluyan umalis. Habang naglalakad ako palabas, hindi ko maiwasang isipin ang pangungulit ni Ali sa akin, he wants me to manage the resort. I already said no to him. Mas lalo akong mahihirapan sa pag balanse ng oras ko.

Pagkarating ko sa bahay, agad akong sinalubong ni Novie. Isang malutong na mura ang nasabi ko nang bigla niya akong hampasin.

"Gaga! Bakit ngayon ka lang?"

"Marami kaming napag- usapan nila dad"

"Kanina pa ako tinatanong ni mama kung bakit raw ako aligaga"

"Asan ba si Tita?" Mahina kong tanong.

"Nasa kusina,"

Tumango ako saka dahan dahang naglakad papuntang kusina. Napangiti ako nang makita si Tita na abala sa pagluluto.

"Ma! May naghahanap sayo" Novie Shouted.

"Sino?!" She asked and turned around.

"Hi, Tita Isabel" I smiled.

"Hesus ko! Janick hija!" Mabilis itong naglakad papalapit sa akin saka niyakap ako.

"Kumusta po?"

Ilang beses tinapik-tapik ni Tita ang likuran ko. Bumitaw na siya sa yakap at humarap sa akin.

"Okay lang hija, eto, tumatanda na. Sobrang namiss kita, kumusta si Amanda?"

"She's fine, and I missed you too"

Mahinang hinaplos ni Tita akong pisngi ko.

"Mas lalo ka gumanda, taray talaga may pamangkin akong model"

"Salamat po" nahihiya kong sambit. " Pinipilit ko nga si Novie na subukan niya rin ang modeling"

Novie shook her head. " Ayoko beh, mas gugustuhin ko pa magturo kesa mag model"

"You're dedicated talaga" Puri ko sa kanya.

"Atsaka, baka mahiya si Kendall Jenner sa akin"

"Ang feeling mo!"

Napalingon ako kay Tita nang bigla itong nagsalita.

"Ang laki ng pinagbago mo Janick" tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Ikaw rin po Tita"

Mas pumayat si Tita Isabel. Nagiging kamukha na niya si mommy, but she's still gorgeous. Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan. After how many years, ngayon lang ulit kami kumain ng magkasama.

"Bakit ka nagpasyang umuwi?" Tanong ni Tita.

"Gusto ni mommy na tumulong ako sa pagpaplano ng bahay niya. She wants me to meet the engineer, pero susunod rin si mommy may tinatapos lang siya na projects. Pag andito na si mommy, babalik na ako sa New York" paliwanag ko.

Biglang sumimangot si Novie. "Wag ka na bumalik beh, dito ka nalang"

"Hindi pwede beh, may mga naiwan akong trabaho"

"Ilang years na naman kaya ang hihintayin namin"

"Don't worry, I will keep coming back here in the Philippines "

OVER THE MOON [CAMPUS SERIES #1] COMPLETED Where stories live. Discover now